Napanganga ako sa aking bisita. Sapalagay ko nga ay namamalikmata lang ako. Sa pagkakaalam ko kasi ay sexy'ng sekretarya lang siya ng amo ko pero iba ang nasa harap ko.
Isang babaeng ang taray, maganda at magara tingnan. Masyadong pula ang damit na kasing pula iyon sa labi niya, mukha tuloy siyang siling mahaba. Yung mahaba niyang tuwid na buhok at kulot ngayon.
''Maam Glenda nga, bakit ganyan kang makatingin?''
Umirap siya sakin at napatingin sa dalawang maleta sa gilid ng pinto.
''Saan ka pupunta?'' Pinaningkitan niya ako nang mata.
Gusto ko pang matawa, ano kaya ang nakain niya at napunta siya dito sa barong barong namin?
''Maam --- ''
''Glenda na nga Youmie!''
''Glenda, may emergency lang akong pupuntahan --''
''Aalis ka?''
''Oo -- ay hindi! Babalik ako.''
''Kelan? --- saan ka pupunta pala?''
''Bukas ang balik ko. Sa -- sa Rizal lang kami. Ihahatid ko si lola doon.''
''Talaga? Anong meron doon?''
''Ay, masyado ka nang matanong Glenda --- ''
''Syempre, kargo ka pa namin sa kompanya, paano nalang kapag may nangyari sayo. Anyway, ---''
May dinukot siya sa bag niya. Alam kong pera iyon, pero hindi ako tatanggap kahit magkano galing sa kanila.
'' --- Youmie, may ticket ako dito. Lumayo ka muna, ang totoo niyan eh -- ang gusto ko ay sa abroad ka muna kaso nga ay mahal kaya anywhere in Visayas or Mindanao ka nalang muna. --- ''
Ngumisi ako, alam ko na ang ganitong mga eksena eh. Syempre ayaw nilang mahiya sa ginawa nang amo nila.
''Glenda, hindi mo na ako kaylangang sabihang magpakalayo. --''
''Youmie nga, hindi ganun, mali ang iniisip mo. Alam kong ni rape ka ni Shiba, pinagsamantalahan. Kahit kailan napaka bahag ang buntot ng lalaking yun. Pero grabe naman yung ginawa mong kalmot sa likod niya, ha. Totoong naawa ako sa kaniya pero dapat kasi minsan kailangan mo munang saktan para matuto. --- Shiba is just sad. Hindi sa pinapa layo kita, ang gusto ko lang ay hayaan mo munang marealize niya kung gaano ka ba ka importante sa kaniya. Youmie, naiintindihan mo ba ako?''
Ano daw? Tapos, pagktapos nu'n ano na? Maghihintay sa wala? Teka, bakit ba ganito siya kung magsalita tungkol sa big boss namin?
''Wait! -- Glenda. Ano bang pinagsasabi mo? Mali ko rin kasi naman yun dahil ginusto ko. Natukso ako ---''
''Really? Ginusto mo? Edi, pala hwag ka na lang lumayo! Ay naku, may kasalan ulit!''
Malaking ngiti ang nakikita ko sa mukha niya.
''Dapat pala hindi na ako magsisi kung bakit kita tinanggap sa kompanya. Ang saya ko Youmie, oh my god! Love is lovelier and sweeter, second time around!''
Pumalpak siya at tulala lang ako sa kaniya. Tila ba may sariling mundo ang isang 'to, napapapikit pa siyang nangingiti.
Tumayo ako at hinila na ang mga maleta. Pamatay oras naman tong babaeng 'to.
''Glenda, nagsisisi ako kung bakit pa ako umaplay doon. Sana pala hindi nalang yung litratong napulot ko ang nilagay ko doon sa bio-data ko. Hindi sana ako napasok sa sitwasyong 'to -- ''
''Youmie, nangyari na ang nangyari. Alam mo bang hindi mapalagay kanina sa opisina si Shiba?''
''Sir Shiba. At wala akong pakialam Glenda. Doon na tayo magkita sa opisina. Hindi maganda ang pakiramdam ko. '' pagtatama ko.
''Oh my god! Sabi na eh, first time mo iyon! Sege, hahayaan kitang magpahinga. Pero hwag ka nalang umalis.''
Inikutan ko siya nang mata. Nakakainis na. Ang kulet.
''Glenda, ihahatid ko muna si lola. Kailangan naming magmadali.''
Lumungkot ang kaniyang mukha pero wala na akong pakialam. Kailangan na naming habulin ang huling byahe.
''Hindi nga pwede, kailangan munang makasal kayo ni Shiba!''
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nabubuwang na ba ang babaeng to? Amo niya ang pinag uusapan dito.
''Walang kasal, aalis na kami Glenda. Lola! -- lola!''
Hindi niya ako mapipigilan. Aalis kami ngayon din. Doble ang pasahod sakin ng bagong amo ko. Baby sitter lang naman daw ang trabaho ko doon at libre lahat.
''Bakit ba nagsisigaw ka dyan, Omie?''
Ngumiti ako kay lola. Si lola lang at ako ang aalis.
''Youmie, papayag ako pero bumalik ka. Babalik ka, okay?''
Tumango ako sa kaniya. Sabay na kaming lumabas nang bahay, niyaya niya pa kaming ihatid pero inayawan ko na. Hindi pwede, ayokong malaman niya kung san talaga ang punta namin.
Alam kong mahaba habang byahe ito ngayon.
Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko at si Lorvin iyon. Nagtaka pa ako dahil ilang misscalls na pala iyon.
''Lor --- ''
''Nasaan ka? Ikaw ba ang kasama ni kuya?''
''Ha? Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?''
Bigla akong sinakop nang kaba. Nag aalala ako.
''Shit! Oh God! He's in hospital. Papunta na ako doon. Where are you?''
Nanlamig ako, naalala ko agad ang taas nang lagnat niya kagabi. Anong nangyari sa kaniya?
'' -- Youmie? Still there?''
'' -- uhmm.''
''Youmie, hindi ka din sumipot sa usapan. Naghintay ako nang ilang oras. Bakit absent ka?''
Napapikit ako. Sobrang hiya at konsensya ang naramdaman ko. May nangyari sa amin ni Iba pero si Lorvin ang gusto ko. Bumuntong hininga ako at pilit isiniksik sa isip na kailanman ay hindi nababagay ang mahirap sa mayayamang tulad nila.
Bakit naman kasi sinagot ko pa ang tawag niya?
''Pasensya na Lorvin. Ano may pupuntahan lang ako. Se - sege tawagan kita. Babay.''
Mahina lang naman ang pagkakasabi ko nun saka tuluyang in - off ang cellphone ko. Nasasaktan ako. Gusto ko pa ngang umiyak, bakit nangyayari sa akin ito? Mahirap pala talaga ang umibig.
''Umiibig na ang artista ko? -- kuh! Tayo na nga at baka mahuli tayo sa eroplano.''
Hinila ako ni lola.
Sana di nalang ako umibig. Sana di na ako nagpatukso. Eh, sino ang nasasaktan ngayon, edi ako rin?
Gusto ko si lorvin pero kapag si Iba ang napag uusapan, bigla nalang kumakabog ang puso ko.
At ang masaklap ay nasa ospital siya. Aalis ba ako o hindi? Nag aalala ako sa amo ko.
Dios ko.
Hindi ko alam ang dapat na edisisyon ngayon.
----
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Ficción GeneralTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.