Bobo! Bobo talaga! Ang tanga ko pa! Nagtaka pa ako ng bigla bigla nalang nagmumura ang boss ko at galit na inihagis sa akin ang suit niya. Yun naman pala ay dahil halos lumuwa na ang kaluluwa ko sa harap niya!
At dahil sa tindi nang hiya ko ay niyakap ko nalang ang suit na yun. Nilalamig na ako, bakit ko pa kasi naisipang lumabas, eh alam ko naman umuulan. Edi, nanginginig na ako ngayon!
Ang saya ko pa naman kasi mananatili akong may trabaho at sa palagay ko ay tuluyan nang nawawala ngayon dahil sa katangahan ko. Bakit kasi dito pa ako dumaan eh alam ko namang squatters area ito.
Ito kasi yung kanto papuntang lugar namin eh. Nag isip ako ng paraan, alas dyes 'y media na at sa ngayong umuulan ay wala nang mahihiraman ng payong dito. Walang bahay dito sa bandang ito.
Puro buntong hininga ang naririnig ko kay sir at wala akong nagawa kundi ang harapin siya.
''Sir, pasensya na po talaga ---''
''Ano pa bang magagawa nang 'pasensya' mo, Miss Diomampo?''
Ayan na naman po siya, napaka nag susuplado at nagmamataray na naman ang boss ko na ito. Ang sarap iwan, bakit ba, tagadito din naman ako. Ilang kembot lang at mararating ko na ang bahay namin. Kaso nga lang baka lampas tuhod na din yung tubig kanal na papasok ng bahay.
Hindi ko na kaya yung lamig kaya sa sobrang pagpipigil ko ay di ko maiwasang umungol. Pati yata paa ko ay naninigas na rin sa lamig kaya pumikit ako sandali. Ramdam na ramdam ko hanggang buto ang pangangatog kaya nang igalaw ko ang katawan ko ay namilipit ako sa nginig.
''Hey --- are you okay?''
Sinulyapan ko siya at bahagyang ngumiti. Nag thumbs up pa ako sa kaniya.
''Lumabas ka pa kasi! --- ni hindi ko makontak ang kahit isa sa mga tao ko!''
Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Basta pinipigilan ko lang panginginig at ang tindi kasi lalong nangangatog ang katawan ko. Pumikit ulit ako at umungol. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Mainit ang magkabilang mata ko. Pakiramdam ko ay namamasa ang ilong ko. Hindi pwede to, hindi ako sakiting tao pero pakshit! ngayon pa ako tinablan at pakiramdam ko ay ang sakit na ng boung kalamnan ko.
''Miss Diomampo? --''
Naramdaman kong may mahinang tapik sa mukha ko pero di ko maimulat ang aking mata. Ang lamig pero mainit ang hininga ko. Lalagnatin pa yata ako.
''Shit! You're hot! Shit! Sick people again!''
Alam kong hot ako sir, kaya nga naka sports brassier lang ako palagi kasi luluwa ang dibdib kapag nagbra ako nang 34B. Masyadong malaki na rin kasi kapag nag C ako. Kaya hwag mo nang sabihin yan, dahil alam ko yun.
Nanghihina ako, ang init na bibig ko pero ang lamig parin lalo na nang may umalis nang coat na yun sa katawan ko. Wala na rin naman akong lakas upang gumalaw o kahit imulat ang mata ko kaya ungol lang ako nang ungol. Ngayon pa talaga ako nanghina gayong alam kong kailangan ako ni bossing.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong kumakalma na ang katawan ko. Ramdam kong nakahiga na ako. May parang kumot na nakayap sa akin ngayon. Pikit mata akong nangingiti at ini imagine na sana si Batman, si Batman ang kasama ko at siya ang katabi ko sa kotseng to.
----
Tunog nang cellphone ang gumising nang diwa ko at mabilis akong gumalaw nang ma ala ala ang oras ng trabaho ko.
''Aw! Shit!''
Napa igik ako nang matamaan nang noo ko ang nagmamay - ari nang ulo na yun. Nanigas ako, maliwanag na sa labas at alam kong wala na rin ang malakas ulan. Umaga na at laking pasalamat ko at dito kami nasiran sa bakanteng lote.
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.