Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig nang ganito. Nangingilid ang luha ko dahil sa halo halong emosyon. Alam kong ito ang pinaka hihintay ko pero hindi ako handa. Hindi ko alam na may ganiyong nalalaman din pala si Shiba.
Hindi ko halos makilala ang sarili nang makita ang sarili sa salamin. Sobrang kasya sa akin noong gown. Kung sasabihin ng ibang simple lang iyon ay ang ganda naman noon para sa akin.
''Ang ganda ko pala...'' usal ko sa sarili.
Manghang mangha ako sa sarili, minsan lang ito.
''Iha..'' napalingon ako kay tita Blessa.
Nakangiti siya sa akin at hinila ulit ako. Bitbit ko ang bulaklak na bigay sa akin ni T kanina. Ang bongga noon kahit hindi ko alam ang mga pangalan nang mga bulaklak kasi nga hindi ito pamilyar sa akin.
Nang makalabas kami nang tent ay nakasalubong naman namin si Bree. Nakangiti siya at gandang ganda ako sa sout niyang light pink na gown at lampas hanggang sakong ang tabas.
''Mommy..''
Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap, iniabot niya sa akin ang kahon nang sapatos nang buksan ko iyon ay agad na nanlaki ang mata ko.
''Dios ko.. ang ganda naman neto..''
Simple at hindi mataas ang takong. Silver ang kulay noon at nang sukatin ko ay kasyang kasya sa akin.
''Ang ganda mo, mom..''
Ngumiti ako sa aking panganay, kahit naman hindi siya galing sa akin ay totoo namang mahal ko ang batang ito.
Sabay na kaming naglakad. Madilim na pero may nakita akong lumipad na kung ano sa himpapawid pero hindi ko na iyon pinansin.
Nang makarating naman kami sa entrance nang simbahan ay umalingawngaw ulit ang malamyos na tugtugin. Napasinghap pa ako nang makitang maraming tao na sa loob.
''Dios ko...''
Tingin doon, tingin dito ang gawa ko. Ako nalang ba ang hinihintay? Hinanap nang mata ko si Iba babes. Napasinghap ulit ako, ang gwapo niya. Itim na tuxedo ang sout niya at nasa tabi niya si T na ganoon din ang sout.
Parehas silang nakatingin lang sa akin. Marahan akong itinulak ni tita Bless. Unang naglakad na sa akin si Bree.
Kinakabahan ako. Nanlalamig ang magkabilang kamay ko. Ni halos hindi ako makagawa nang hakbang. Pero nilakasan ko ang aking loob.
Titig na titig lang ako kay Iba babes at ganoon din siya sa akin. Malamlam ang mata niya at may ngiti sa kaniyang labi.
Ikakasal na ako, sa lalaking ama nang mga anak ko. Sa lalaking tinitibok nang puso ko. Sa lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.
''Mommy, daddy -- ''
Napalingon kami sa maliit na boses ni T. Nang matauhan ako ay hinalikan ko siya sa noo at inabot ang braso ni Iba babes.
''Tang ina, ang gwapo mo..'' bulong ko sa kaniya na itinawa naman niya.
Humagikhik ako pero napalis din nang tumikhim na ang pari.
Hindi naman nagtagal ay natapos din ang seremonyas. Picture at pagbati naman ang sumunod.
Nang nasa reception naman ay hindi maawat ang saya at galak sa dibdib ko. Sana wala nang kontra bida.
''Can i ask you to dance, babe?''
Humagikhik ako kay Iba at tumango.
Titig na titig ako sa kaniya nang nasa gitna na kami.
''Hey, stop staring at me like that. ''
Sabi niya tapos ang hinagkan ako sa labi. Mahal na mahal ko talaga ang isang to. Sumeryo siya nang di ako tumigil sa kaka titig sa kaniya.
''Sabihin mo sa akin, hinding hindi mo ako iiwan, Youmie.''
Humilig ako sa dibdib niya. Damang dama ko ang init mula doon. Gusto kong maiyak. Alam ko namang hindi ako naging mabuting tao sa mundo pero ang swerte ko dahil ibinigay siya sa akin nang Dios.
''Mahal na mahal kita, Iba babes. Hinding hindi kita iiwan.''
Naluha ako habang sinasabi iyon sa kaniya. Ang saya saya ko.
May mga pagsubok talagang dumarating sa buhay. Minsan pa nga ay buhay ang kapalit. Pero alam nating ang umaga na uusbong at magbibigay sa atin nang lakas at panibagong pag asa upang harapin ito kasama ang mga mahal natin sa buhay.
------
Fin...
-----
Slowly editing na po ito.
Sana ay nagustuhan ninyo.
Paalala:
Ako po ay hindi professional na manunulat. May mga mali at di tamang gramar din po sa aking mga storya. Inaasahan ko po ang inyong
Pag - unawa
Suhestyon
Komento at
Pag boto.Maraming salamat po sa inyong lahat!!
-ATE BATCH-
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Ficção GeralTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.