''Aalis kami ni Glenda. We'll be going to Hong Kong, kailangan naming makausap ang mga Clients doon. ''
Lihim akong napairap sa sinabing iyon ni Iba. Nasa hapag kami noon at kumakin nang hapunan.
''Okay.'' Ngumunguyang sagot ni Bree.
Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Anong okay? Aalis ang ama niya, ganun ganun lang? Hindi man lang itatanong kung kelan ang balik?
''Kailan ang balik niyo?'' ako nalang ang naglakas loob na nagtanong.
Hindi sumagot si Iba sa halip ay kumain lang siya nang kumain. Mabilaukan ka sana, bigla akong nawalan nang gana. Inirapan ko siya saka tumayo.
''At isasama ko kayo, tutal nasa bakasyon naman na din ni Bree.''
Nahinto ako. Nagalak ang puso ko. Hansabe? Kasama kami?
''Really dad?! Woah! That's great! Mag fa - family outing tayo? Kasama si T?''
Tumango si Iba. Dios ko, totoo nga? Perstaym kong lumabas nang bansa. Paano yan, wala naman ako pasaporte?
''Oh my god! That's exciting dad! When are we --- ''
''Maybe the next day after tomorrow. Sumama ka sa akin bukas Youmie. Kukuha ka nang passport and Thiago.''
''Pero hindi pa nag iisang buwan ang bata.''
''It'll be fine. Isasama natin si manang para may mag aasikaso sa bata.''
Bigla akong bumalik nang upo at naintriga. Aba, may pagbabago akong naamoy.
''Talaga? Pwede namang ako nalang, hellow? Nasa skills ko kaya ang baby sitter, isa pa ayaw kong malayo sa bata.''
''Fine! Pero isasama nga si manang.''
''Oo naman.'' Sabi ko nalang sa kaniya habang nangingiting sumubo. Bakit ba, bumalik ang gana ko eh.
----
''Bakit mo kami isasama, hindi ba kami nakakaistorbo doon?''
Nasa kwarto na kami noon. Nilalaro ni Iba ang bata kahit tulog. Yan kasi, hindi agad sinundan si Bree. Pero alam nyo, laking tuwa ko ngayon. Nakikita ko nang ngumingiti si Iba. Nag uusap na rin kami nang matino, paminsan minsan. Sumasabay na siya sa amin ni Bree sa pag kain.
Pumapalagay na talaga ang loob ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay napaka responsableng ama niya sa mga bata --- pati na rin minsan sa akin. Sana hindi na matapos to. Kahit gawin niya lang akong rebound doon sa asawa niyang pumanaw na.
Minsan nga kinakausap ko yung napakalakinh litrato noong Ella sa kwarto namin. Sana tulungan niya akong ipa intindi sa lalaki na ako ito, si Youmie, hindi si Ella.
''We will be staying there for a week. I wanna have fun with my kids.''
With my kids , only. Ayoko nang mag isip pa nang kung ano, ang importantedi siya nagkukulang nang oras sa anak ko.
---
''MAAM Glenda?! Wow ha, sumisexy? Anong meron?''
''Glenda nalang, Youmie. -- hi Bree, ang ganda talaga nang pamangkin ko!''
''Thanks tita.''
Nasa baba na kami nang bahay lahat at si Iba nalang ang ini intay.
''Ang tagal naman nang asawa mo Youmie.''
Bahagya akong natigilan sa tabas nang dila Glenda. Asawa agad?
''Akin na si Thiago at sunduin mo si Iba.''
Mabilis niyang kinuha sa akin ang bata at tinulak tulak ako. Ngiti naman nang ngiti si Bree sa akin. Pinagkaisahan talaga ako nang dalawa.
Kahit naman pa ayaw ayaw pa ako ay wala akong nagawa kundi ang umakyat. Bahagya akong sumilip dahil naka awang lang naman angppinto pero nadatnan kong nakatingala lang si Iba sa litratong malaki ni Ella. Puno nang pagmamahal ang tingin na iyon. Bigla ay parang tinusok ang puso ko.
Mahal niya talaga ang asawa niya eh. Ano naman ang laban ko doon? -- wala namang kami di ba? Pero tinawag niya ako babe nung nanganganak ako, sinabi niya lang ba yun para ganahan ako? Akala ko ay may pagbabago na.
Muli kong binalik ang tingin sa lalaki at mukhang may ibinubulong siya dito. Nasasaktan talaga ako, ganito na ba kalalim ang pagkakagusto ko sa kaniya? Palagay ko nga ay mahal ko na siya. Di ko na namalayang tumulo na pala ang luha sa pisngi ko. Lihim akong umiiyak dahil sa sakit.
Nakatingala lang si Iba sa litrato, sa huli ay umayos ito at kinuha ang maleta. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mukha ko. Nataranta ako kaya ang huli ay pumasok ako nang kwarto.
''Hey..'' aniya.
'' -- uhmm, ang tagal mo naman.''
Di ako makatingin nang deretso sa kaniya. Ewan, basta ayoko nang lumalim pa ang nararamdaman kong ito. Wala din naman patutunguhan, ginagwa ko lang ito dahil sa anak ko. yun lang yun.
Bigla ay napatingin ako sa kamay na umakbay sa akin. Kay Iba iyon, kaya nagtaka akong lumingon sa kaniya.
''Let's go.''
Dios ko, ngumiti siya sa akin. Paasa! Sabi ko nga ayoko nang mahulog mga ngiting yan! kaya ang sa huli ay tinabig ang kamay niya at inirapan.
''Paasa.'' bulong ko pa.
''What?''
Ngumiti naman ako nang makatalikod na. Kahit naman papaano ay kinikilig ako. Bakit gumaganon siya sa akin? Nakita ko siyang pumiksi saka sumunod. Magbabakasyon kami, pwede naman sigurong magpanggap muna. Sana naman Ella payagan mo ako, kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang. Hinarap ko si Iba at hinintay at sinabayan ko siyang pumanaog. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya nang matamis.
Nagtaka naman ako nang huminto siya at hinarap din ako. Tinitigan niya ako nang ilang sandali, hindi ko alam ang iniisip niya. Nagulat nalang ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
''Please don't let go. --- Let's go?''
Hannoh daw?
----------
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.