TM2 - 24

6.1K 221 13
                                    

Mabilis akong bumalik ng casitas nang ihatid ko si Meltzer sa bahay nila. Kinakabahan ako, nakita niya kaya ako? Dios ko! Paanong sila pala ang magbabakasyon dito? Dios ko naman, kami pa rin ba sa huli? Nasa malayo na nga ako pero nagtatagpo pa rin ang landas namin.

Lahat sila ay nandito, hindi naman lahat ay kilala ako pero paano nalang kapag may nakakilala sa akin at isumbong ako kay Glenda.

Pero may kakaonting sabik ang umusbong sa dibdib ko kahit papano, nandito si Baste at Bree. Gusto ko silang maka usap kahit makita nang saglit lang.

Nihimas ko ang aking tyan, naiiyak na naman ako.

''Nak, nandito ang tatay mong bahag ang buntot  -- '' umirap ako sa hangin. '' -- nandito din ang ate mo.'' Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito lang sila sa paligid.

Maaga akong nagising sa katok kinaumagahan. Wala na si lola, siguro nagbebenta na yun nang sampagita sa simbahan.

''Hala! Hindi ko pa pala nasabing nandito si Baste!'' Nahintatakutan ako, paano kung magkrus ang landas nila. ''Sandali!''

Mabilis kong binuksan ang pinto at si Father -- este si Antonio ang nasa labas. Naka itim siya at ang gwapo lang.

''Anotonio, halika.''

''Sister, hindi ako magtatagal. I mean, sinusundo lang kita. Sabay na tayong pumunta sa simbahan.''

Pinigilan kong ngumiti.

''At bakit? Hulog ka na sa kagandahan ko noh?''

Ngumiwi siya nang bahagya.

''Joke lang Father, bakit ba kasi?''

Napakamot siya nang batok at lalong napangiwi.

''I know the family who was in this island. Hindi ako palagay kung mag isa akong lalakad papunta doon.''

Napatango ako. Ako din eh, kilala ko si Shiba Sean at Lord Lorvin.

Nagbihis lang ako nang puti saka nagsuklay. Sa palagay ko ay wala naman nang makakakilala sa akin sa sout ko. Napasimangot ako nang lalong lumusog ang aking dibdib. Mahaba na din naman ang buhok ko at malaki na ang tyan. Hindi ko nga alam, bakit sa limang buwan ay malaki ito. Pumuti din ako, siguro dala nang pagbubuntis ko. Pinatungan ko nang belo ang aking ulo, mahaba iyon hangang sa mata ko kaya malabong may makakilala sa akin.

''Lumalaki na talaga ang baby sa tyan mo sister.''

Ngumiti lang ako habang hinahaplos ang aking tyan.

Sabay kaming naglakad papunta sa simbahan. Dumeretso na ako sa likod ng choir nang makarating habang si Antonio naman ay dumiretso sa kanilang prayer room.

Punong puno ang parokya namin. Kaya masaya ang loob ko dahil may pam pundo ulit para sa renovation nang simabahan.

Nang magsimula na ang misa ay nilibot ko agad ang aking tingin. Lumukso ang puso ko nang makita ko si Bree, ang ganda niya pa rin. Nakita ko din si Baste, may katabi siyang magandang babae. Nandoon din si Lorvin, mas kumisig ang lalaki habang katabi si -- oh my! Katabi niya si Karen? Yung serbidora sa karenderyang kinakainan ko! Nalipat ang tingin ko kay Iba. Napasinghap ako nakatingin siya sa deriksyon namin. Nalilito akong napatayo at lumabas sa likod.

Bigla akong hiningal at napahawak sa aking tiyan. Ngayon pa yata ako susumpingin nang UTI. Umupo muna ako sa gilid nang hagdan, sapo sapo ko ang aking tyan.

''Anak, kapit ka lang ha? Gagaling din ako.''

Pumasok ulit sa isip ko, bakit sa direksyon namin nakatingin si Iba. Nakita niya kaya ako? Nakilala?

Humugot ako nang hangin saka napagpasyahang bumalik.

''Saan ka ba galing?''

Si sister Rowena.

Gulat na gulat ako pero dinaan ko nalang sa siya ngiti saka tinuro ang aking tiyan. Napangiti din siya hinaplos ang aking sinapupunan. Lahat ay nasa harap ang tingin. Nag uumpisa na kasing nagtuturo si Antonio. Alam kong hindi palagay ang loob ni Antonio, minsan kasing nabubulol ang salita niya. Siguro isa dyan ay ex niya.

Nang matapos na ang misa ay kinausap ko si lola. Wala pa naman daw'ng nakakalilala sa kaniya kaya nang masabi ko sa kaniya kung sino ang nandito ay mabilis na kaming umuwi. Linggo naman ngayon at day off ko kaya magkukulong muna kami sa casitas.

Alam ni lola kung bakit kami nanatili dito. Nalaman niya noon naglilihi na ako, ang swerte ko nga dahil binigyan ako nang napaka maintindihing abwela.

Nagluto ako ng may gatang bihon tapos hiniluan ko iyon nang pritong tilapya. Sa amoy pa alang ay takam na takam na ako samantalang naka pritong tilapya lang kay lola.

''Ikaw, kahit ano anong ang naiisip kainin.''

Humagikhik lang at sarap na sarap sa kinakain.

Nang humapon naman ay kating kati akong gustong lumabas. Naririnig ko kasi yung sound system sa labas at halatang napakasaya nila. Nakakainggit, minsan lang kasing may ganitong event sa lugar.

Dahan dahan akong lumabas at mula sa likod nang malaking puno ay nakayingin ako sa kanila. Dumidilim na kaya siguro may nagsisindi nang kahoy sa loob nang isang maiksing drum. Malaki yung sindi at nakapalibot ang ibang tao dito. Ang iba naman ay naghahabulan sa tubig. Mayroon ding nagsasayawan sa isang bahagi.

Naiinggit ako, kung sana ay di ako naglibog at natukso sa puting talong na yun, ay sana isa ako sa kanila. Kasamang natatawanan at nag iinuman.

Pero hindi naman ako nagsisi, may angel sa loob nang tyan ko at alam kong hindi mababayaran nang kahit anong halaga ang biyayang to.

Ngumiti ako sa iniisip at saka tumalikod na.

''It is really you.''

Nanlaki ang mata ko. Kinabahan.Nanlamig ako. Sumikdo ang aking puso. Gusto kong maglaho. Pinagpawisan bigla ako.  Kaya minsan pang sumakit ang bandang puson ko.

''Hindi pala talaga ako namamalikmata.''

Napapikit ako upang pigilan ang pananakit nang aking puson. Hinimas himas ko pa iyon pero bigla akong napakapit sa puno sa sobrang sakit na. May naramdaman akong mainit na likido sa aking hita. Hindi ko na iyon maaninag dahil madilim na. Biglang umagos ang luha sa aking pisngi. Sinubukan kong humakbang pero napaluhod na ako.

''Dios ko!'' Hiyaw ko.

Hwag ang anak ko, dios ko. Paki usap. Magpapakabait na ako, hwag mo lang kunin ang anak ko.

Nagdilim ang aking paligid at hinihiling na sana hwag mawala sa akin ang biyayang to.

----

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon