Ang sakit nang boung katawan ko at ang sarap pang matulog. Napapangiti pa ako kasi pinapaginipan ko si Batman, si Lorvin.
Yung nakatitig lang siya sa akin habang nakahiga ako. Ang gwapo niya, perpekto na lahat maliban sa peklat sa kaniyang kilay pero mas nakapagbibigay naman iyon nang dating sa kaniya. Pantay ang mga ngipin at matangos ang ilong. Hayyy.. kinikilig na naman ako.
Bigla kong binuksan ang mata ko nang may umungol sa aking gilid. Hindi ako nanaginip lang. Nilibot ko ang tingin, nasa isang pamilyar na lugar ako.
Ngunit isang alaala ang yumanig sa boung pagkatao ko. Kinapa ko ang aking sarili, wala akong sout at may kamay na nakapatong sa isang dede ko.
''Dios ko. Ano 'to?''
Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko ay binugbog ako nang ilang tao. Mahapdi ang peps ko.
Si sir Shiba Sean Lambert ang nasa tabi ko. May nangyari sa amin. Pinasok niya ang tahong ko nang talong niyang maputi. Malaki iyon kaya sobra ang sakit. Na alala ko pang napaiyak ako dahil sa hapdi. May nangyari sa amin pero wala kaming relasyon. May nangyari sa amin kaya ako nalilito ngayon. Gano'n nalang yun? Oo, pumayag ako, kasi nga nanghina ako, natukso at masarap din kasi siyang humalik. Masarap siya talaga.
Pinilit kong tumayo kahit pakiramdam ko ginahasa ako ng ilang tao. Sinuyod ko ng tingin ang boung paligid, wasak ang vase sa side table ng sofa, nagkalat ang damit namin at pati ang carpet nakulay abo ay nalukot na.
Pinulot ko ang aking damit at isa isa itong isinout. Aysh! Ang hapdi! Alas sais na kaya dapat bilisan ko ang galaw upang walang makakita sa akin.
Sinalat ko ang ulo ni Iba, mainit pa rin siya pero di naman na iyon katulad ng kagabi. Napatitig ako sa mukha niya sa huli. Napaka himbing niya, napagod nga siguro siya kagabi. Wild din kasi parang naka drugs, may ngiti ang sumilay sa aking labi. Matangos din naman ang kaniyang ilong, malalim ang mata, kulay maroon ang kaniyang labi at may abs siya. Apat ang pandesal niya at matigas iyon. Siguro naging napaka swerte nung Ella sa kaniya.
Ako kaya? Ano kayang mangyayari pagkatapos nito? Tumibok ang puso ko nang ilang beses. Umiling ako, hindi dapat ganito. May anak na siya at nagka asawa na din. Gusto ko kapag pumasok ako sa isang relasyon ay yung wala siyang ibang panagutan sa buhay.
Inayos ko ang lahat nang nagkalat. Naghanap pa ako ng mahabang tela para naman may pantakip sa hubad na katawan ni sir. Napatingin ako doon sa pintong pinapasukan niya dati. Authorized person only lang dapat ang pumasok doon pero wala akong choice.
Dahan dahan akong pumasok doon at bumulaga sa akin ang iba't ibang larawan. Yun yung larawan ng asawa niya, napangisi pa ako ng mapatunayang may hawig kaming dalawa.
Maliit lang yung kwarto, puti lahat ng mga bagay na naroon, kurtina, beddings, unan, kabinet basta lahat. Pakiramdam ko nga ay nasa langit ang lugar na ito at puro larawan nang babae. May kama sa gilid, may shower room din doon. May stethoscope, puting damit at may mga face mask din pero halatang nasa sulok nalang iyon at di na nagamit.
May picture doon sa gitna nang dingding, parang bagong kasal sila at parehas silang nakangiti. Palagay ko ay nasa gilid iyon nang dagat. Ang ganda noong babae kahit maputla at payat. Napatitig ako sa mukha ni sir Iba. Ang gwapo, pantay ang ngipin at halos mawala ang mata niya na may kakaibang kulay sa sobrang saya. Sana makita ko ulit yung tawa niyang yan.
Kumuha ako nang kumot doon at unan. Inayos ko iyon kay sir, mabuti nalang at nakadapa siya sa carpet at di ko nakita ang malaki niyang ano. May bahid nang sugat ang likod niya gawa nang pinagkakalmot ko siya kagabi upang maibsan ang hapdi at kirot nang naramdaman ko.
Napatitig ulit ako sa kaniyang mukha. May iba, iba na ang takbo at pintig nang puso ko, wala sa loob na hinalikan ko siya bago ngumiti.
''Hinding hindi ko malilimutan ito.'' Bulong ko habang may parte sa puso ko ang nalulungkot.
May parte sa puso ko ang bigo at nasasaktan.
----
''Lola, wala na po akong trabaho.''
''Ano? Akala ko ba hulog nang langit yung trabaho na yan? Eh bakit sa lagay mo ay mukha kang binagsakan nang langit?''
''Eh, wala eh. Yung bossing ko --- ano --- may kinuhang bago.''
''Yung kumwelyo sa'yo noong interbyo? Eh, asaan pala si Batman mo?''
''Wala na din. Ay, lola -- naalala mo yung kinukwento ko sayong trabaho sa Palawan? La, ang laki nang sahod doon.''
''Youmie, ilang oras ka pa nga lang umuwi galing trabaho, aalis ka na kaagad?''
''Eh, isasama naman kita. Hahayaan pa ba naman kita ditong mag isa?''
''Ayoko.''
Umalis si lola sa harap nang hapag. Bumutong hininga ako, ayokong may maghanap sakin dito. Si Lorvin nga ay tawag nang tawag sa akin. Si Baste nagtatanong din kung bakit di ako pumasok. Pati si Strella, yung lider nang Grupo ay pinagtatanong na ako. Pero wala doon sa kanila ang taong inaasahan kong magtatanong sa akin, panigurado namang gising na iyon ngayon.
Ayoko na doon, kinakain ako ng aking konsensya. Paano kapag may nakaalam o nakakita, lalo na't nakasalubong ko pa si Glenda kanina sa elevator, ano nalang ang sasabihin nila? Ayokong maging dahilan para masira ang pangalan nang isang Shiba Sean Lambert.
Kaylangang magpakalayo - layo na ako o kami ni lola bago niya ako unahan at bayaran nang halaga para lumayo na sa kompanya. Isang sampal sa akin kapag nagkataon yun, may mali ako dahil nagpatalo ako sa tukso pero hindi ako nag sisisi.
Hindi ko iyon papagsisihan dahil ginusto ko din naman.
Hindi ko makakalimutan ang bawat tawag niya sa pngalan nang asawa niya, bawat halik niya sa boung parte nang katawan ko. Magiging parte ng alaala ko ang init ng kaniyang palad, ang ungol na tila kay sarap sa pandinig. At ang tamis at sarap bawat ulos niya sa pagkatao ko na pakiramdam ko ay para akong dyosa na sinasamba niya kagabi. Kahit iba ang sambit niya sa pangalan ko.
--
Inimpake ko ang mga damit namin ni lola, kahit ayaw niya ay pipilitin ko siya. Aalis muna kami sa lugar na ito at kapag lumipas na ang panahon ay babalik pa rin naman kami. Lalo na't bayad na kami nang bou sa bahay na ito. Katatawag ko lang sa magiging amo ko, mabait naman kaso nga lang ang hilig um - english.
''Omie, walang mag aalaga sa bahay na ito.
''Lola, babalik naman tayo. E te text ko si baste na siya na muna ang bahala dito.''
''Sege na nga. Bakit kasi ngayon agad tayo aalis? --- teka hwag mo sabihing nagnakaw ka doon sa trabaho mo kaya ka --''
''Lola naman eh. Alam mo namang hindi ako ganun.''
Nagmaktol ako. Ang kulit din kasi eh, minsan nakakainis na.
''Siya sege.''
Napangiti ako agad at niyakap nang mahigpit si lola.
''Yun tayo eh. I love you, la.''
''Kuhh! Sa fan mo ako eh.''
Humagikhik ako pero paras kaming natigil nang may kumatok. Nagkatinginan muna kami ni lola. Mabilis akong sumilip sa bintana. SUV na puti ang nandoon at di ko alam kung kanino iyon.
Kinabahan ako, baka kako yan na yung magbabayad sa akin para magpaka layo layo na. Umiling ako, hindi ko tatanggapin yun. May dignidad pa akong natira sa buhay.
Aaalis ako pero hindi ko kailanman tatanggapin ang perang yun. Aalis ako at kapag babalik na ako ay nakalimutan ko na kakaibang naramdam kong ito. Sisiguraduhin kong makakalimot ako. Minsan lang naman ito at di na mauulit pa kailanman.
----
😄
Sino kaya yung kumatok?
hehehe ^_^ maligayang pagbabasa!
Te batch
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Ficción GeneralTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.