6 Hindi Pwede!

8.2K 291 11
                                    

Nataranta ako.Hindi ko alam kung anong ini - iyak - iyak niya. Mabilis akong lumapit sa kaniya nang tuluyan na siyang umiyak na nakatingin lang sakin.

"Hoy, anong ini - iyak mo? Oy —" Napatingin pa ako doon sa pinto, baka kako lumabas bigla si sir.

Nanginginig pa rin ang labi niya at tiningnan lang ako, nakatitig talaga siya parang nakakita ng multo. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha. Pero malungkot ang kaniyang mata at may mga luha paring nagbabadyang tumulo. Ano ba kasi ang problema ng batang 'to?

"What happened?"

Kakasarado lang nung pinto nang humarap ako sa lalaki. Bahagya pa akong nakahinga nang maluwang. Pero laking gulat ko nang masama siyang naka tingin sa akin.

"Abah! wala akong alam dyan, sir. Wala naman akong ginawa." 

"Bree ---"

"Sino siya, dad? --- Kapatid ka ba ni mommy?"

Natigilan ako, ni ayaw pumasok sa kokote ko ang tanong sakin nang bata. Over! ni hindi ko nga siya kilala, kapatid agad! At daddy? Pucha! ang lakas nang dating ng Boss ko pero may anak na pala? at teka, parang ang bata naman niyang naging tatay? Sa palagay ko kasi nasa kinse na yung bata.

"She's not related in your mom, Bree. They were just look a like, she is Youmie at  dito siya nag ta- trabaho sa kompanya." Umupo ang lalaki sa trono niya. 

Nakatingin pa rin sakin yung bata pero hindi na siya lumuha. Naguguluhan akong naupo ulit, ganun din ang ginawa nang bata umupo siya sa upuang nasa harap ko. Gusto ko na ngang mainis dahil kung titigan niya ako ay para siyang minulto.

"Stop that, Bree."

Bumuntong hininga ang bata at malungkot na umayos nang upo.

"I'm sorry po, na mi- -miss ko na masyado kasi si mom. Anyway, I am Breezy Godeza Lambert, but I preferred you to call me Bree." Ngumiti siya.

Taray be! Diosa ba? Tse! Tiningnan ko siya nang maigi, parang nakita ko na itong batang ito. Pilit ko pang tinatandaan ang uniform nila.

"Ikaw nga yun, be!" Napapalakpak pa ako. Pero natahimik naman ako bigla nang maisip na di ko dapat pa sinabi yun.

"Ako ang ano po?" Nagtatakang tanong niya sabay turo sa sarili,.

Ngumiwi ako at napakamot nang batok. Hindi ko dapat na sinabi yun eh.

Tumawa ako nang mahina. "Ah--  ano, nakita na kita isang beses sa UST. Nagtrabaho na din kasi ako doon minsan. " 

Yun naman talaga ay totoo. Dun ako nagtatrabaho noon. Under construction pa nun ang canteen nang school tapos kami ni Baste ang tiga pala. Nagmamadali siya non nang mahulog niya ang litratong yun.

"Talaga? Saan ka po nagta trabaho doon? -- "

"Bree, may kailangan ka ba?"

Sumingit sa'min si boss, na kinatuwa ko dahil tumigil na sa katatanong yung bata. Pero infairness, magaan ang loob ko sa kaniya. Iyakin nga lang.

Parehas ulit kaming natigil ng may bigla ulit pumasok.

"Hindi uso yung katok dito, sir?" Nababagot na ako.

Pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ang lalaking pumasok. Ang gwapo! Ang kisig!  Ang bango! Matangkad at naka Batman shirt! Oh my god! Nakita ko na si Batman!

"Ah -- hi! I'm sorry, did I disturb you?"

Nilibot niya ang tingin niya sa amin at tumigil iyon sa akin. Biglang huminto ang paghinga ko, ang lakas nang tibok nang puso ko. Oh gads! Hampuge! Mas lalong lumamig ang pakiramdam ko.

"Lord Lorvin, what brought you here?" Si boss ulit.

Lord ko po, hampuge! Minsan ko pang hiniling na sana hindi siya babawi nang tingin sakin. Pero napatingin ito sa boss ko.

"Tito," tawag naman nung bata.

Family circles, umayos ako nang upo nang umupo din siya sa isang upuang malapit sakin. Kung kanina ay nilalamig ako ngayon naman ay ang init. May lagnat na ako!Pakiramdam ko ay biglang nasira yung aircon.

"May pinapasabi si Mama."

Kung ganun ay magkapatid sila ni boss? Hindi naman magkamukha.

"Uhm, dad. Magpapa alam sana akong kina tita Bliss mag didiner mamaya. Alis na ako." Lumapit ito Kay boss at humalik sa pisngi. "Bye, Youmie!" Dumaan din siya sa gawi ko at humalik sa aking pisngi.

Tumaas ang kilay ko, iiwas sana ako pero mabilis siyang gumalaw. Ngumiwi ako sa kaniya.

"Pasensya kana po kanina ha?"

Dito na ako nakasagot at maang na tumingin sa dalawang taong nasa loob. Bat ang tagal naman nung pampalit ko?

"So Youmie pala ang pangalan mo, beautiful,parang tayo — you and me, I'm Lord Lorvin but you can just call me anything you want." Ngumisi ito na gusto ng matunaw nang puso ko. Naglahad siya nang kamay.

Dios ko, bagay naman kami di ba?  Napahawak ako nang wala sa oras sa aking dibdib. Kinikilig ako. Pag ibig na kaya? Ito na ba ang simula?  Di ko maiwasang pigilan ang ngiti, tinanggap ko ang kamay niya at tumingin nang deretso sa mukha niya. Ang lambot nang palad niya, halatang walang trabahong mabigat. Binawi ko agad ang kamay ko dahil alam kong hindi iyon kasing lambot nang kaniya.

Meztisohin, matangos ang ilong, may peklat sa kanang kilay niya at maumbok yung labi niya na kulay maroon. Alam kong namumungay na sa kilig ang mata ko pero paano ko ba maiiwasan?, sadyang hanga lang ako sa kaniya. Iba eh!  Ngayon ko masasabing hinding hindi ko pag sisisihan na tinanggap ko ang trabahong ito.

"Excuse me, I'm still here. Lorvin, sabihin mo  na ang ipinapasabi nang mama mo. "

Nagising ako sa pagpantasya. Nakakahiya! Hindi pwede! Love at first sight? Malabo!

Tumawa ang lalaki at lumapit kay boss.

Hindi pwede to! Hwag ganyan Omie, amo yan, driver ka lang.

-----------

Abangan...

7 Gusto kita.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon