Shet! kinikilig ako!

11.4K 481 24
                                    

"What?!"

Ni head to foot  ko siya. Napaisip ako habang nakatingin sa kaniya. Nag iinit ang ulo ko. Siguro hindi pa tuli ang isang 'to, ang gwapo nga pero ang sungit. Tumikhim ako at sinadya ko pang ikunot ang aking noo.

"Ano po bang pinagsasabi nyo sir? Ako naman po yung nasa litrato. Syempre, may edit na ngayon sa computer bago e - print yung picture. Si sir, palabiro." Tumawa pa ako at yumuko ulit.

Paktay na! Buking ako neto, mawawalan pa ata ako nang trabaho.

Nabigla pa ako nang inilang hakbang niya ang pagitan namin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.  Pinsadahan niya ako nang tingin na parang nag slow motion pa ang mukha niya harap ko.

Siguro nasa trenta ang edad niya. May linya na din ng wrinkles ang kaniyang noo. Malalim ang mata niyang hindi ko matukoy ang kulay, basta may halong green iyon. Matangos ang kaniyang ilong at manipis at pink yung labi niya.

Pinigilan ko ang huminga at kumurap nang madapo ang tingin ko sa huli. Nilawayan ko pa ang labi ko na feeling ko ay hahalikan niya ako. Shet, ang tagal nang slow motion! Kinikilig ako! Hwag ganyan ser!

Binitiwan niya ang mukha ako at lumungkot pa ang mukha niya. Tinalikuran niya ako at humarap sa napakalaking bintana na salamin. Siguro kung tatabi ako sa kaniya ay mamangha ako sa tanawin. Kita kasi mula sa kinatatayuan niya ang boung QC.

Narinig ko siyang bumuga ng hininga. At nilagay sa bulsa ang dalawang kamay niya.

"I'm sorry. So, tell me about your self."

Ayan! Dyan sila magaling! Sa inglis! Bakit ba pag mayaman kaylangan ume - inglis?

"Ser, nasa bio - data ko na po yun." Yun lang ang sagot ko.

Ang yabang ko, hindi naman ako marunong uminglis! Bumagsak ang balikat ko nang di siya umimik. Alam ko na'to, bagsak.

"How come, that those picture is you? Wala ka namang dimple?"

Napa nganga ulit ako. Ang kulit ng mokong na'to?  Hindi na ako umimik, nilibot ko na nalang ang tingin ko sa boung kwarto hangang madapo ang tingin ko sa table niya. At gustong lumawa ang mata ko sa frame na nasa ibabaw.

Tumayo ako at pinaka titigan yung litrato na kasama niya doon. Yung lalaking nasa harap ko kasama ang babaeg nasa picture sa bio - data ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung yung babaeng kasama niya at yung litratong nilagay ko sa bio - data ko ay iisa.

Hindi maari! Ang liit ng mundo! Nakangiti yung babae kaso payat siya doon sa litratong nasa bio - data ko kesa yung nasa frame.

Pagbagsak akong naupo ulit at hinintay siyang humarap sa kin. Sayang yung eport ko kung di ako matatanggap dito!

"Ano ser, tangapin nyo na ako dito. Please.."

Humarap siya bigla pinaningkitan ako nang mata. Bumalik siya sa harap ko at mabilis akong kenwelyohan.

"Dios ko!" Usal ko habang natatakot na pinigilan ang kamay niya.

Galit, yun yung nakikita ko sa mukha niya ngayon. Kung ano yung ikina angas ko kanina ay bumaliktad iyon at takot na ang naramdaman ko ngayon.

"Sinong nag utos sa'yo?"

Galit pa rin siya. Ano bang sinasabi niya? Nanginginig na akoo sa takot. Napatingin ako sa pinto at nagplanong tumakbo.

"Where and what company are you from?"

"Inglis ka ng inglis! Matino akong nag aplay ng trabaho dito! Kaya pwede ba? Tang ina mong gwapo kang pucha! Magtino ka ring tao ka."

Pinantayan ko ng galit ang sukat nang tingin niya. Aba! Akala niya! Laking Tondo ako! Hwag siya!

Napatikhim siya at inayos ang sarili. Ganoon din ang ginawa ko. Inayos ko din ang sout kong polo.

Ibinagsak ko ang aking kamay sa mesa niya, buti nalang at di nabasag. Pinanliitan ko siya nang mata.

"Tanggap o hindi? Sagot!"

Nakita ko siyang napanganga pero mabilis naman siyang nakabawi at umupo sa pwesto niya. Wow! Parang hari? Iba kasi kapag mayayaman eh noh?

Tiningnan niya ulit ang bio - data ko tumingin sakin. Tingin ulit sa papel. Di ko nga alam kung anong trip nang isang 'to! Ang sarap nang gamitan nang ice pick eh! Di na malakas ang dating niya sakin ngayon kasi ang sarap na niyang butasan sa gilid!

Walang ya! Kwelyohan mo pa ako?! Maliit lang akong pero kayang kaya ko siyang patumbahin! Napapikit pa akong pabagsak nang upo sa tindi nang inis.

"Babae ka ba talaga!"

Shet naman talaga oh! Mariin ko ulit na pinikit ang aking mata.

Tumikhim naman siya at pormal na tumayo na. Oh, Saan na pupunta ang isang 'to?

"Tatawagan ka nalang nang Secretary ko." Aniya.

Bagsak ang balikat na tumayo ako. Alam ko na ang ganitong eksena eh. Sayang! Natakot ata sa akin eh! Nakaramdam ako nang inis at lungkot nang makalabas na nang tuluyan sa kwarto nang hilaw na yun.

Di ko na mahanap ang anino ni Baste paglabas. Siguro iniwanan na ako nun. Wala pa naman akong perang dala. Tss! Mapaapasabak na naman sa lakad ang balat na sapatos ni Lola nito.

Tiningala ko ang kabuuan ng building nang makalabas na ako.

"Kahit sino naman talaga ang mapapadaan sayo ay titingala. --- Pero hwag kang dadaan - daan sa lugar kong bwesit ka at bubutasan ko ang gilid --- este gulong mo!"

------

Pa vote naman po tayo diyan.

Thank you po!

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon