Galit siya at dahil sa ginawa ko ay iniwan niya akong mag isa sa mesang yun. Napanganga akong nakatingin doon sa perang nilagay niya sa ibabaw nang mesa bago siya umalis. Naiwan akong di alam ang gagawin sa mga pagkaing nasa harap ko at wala akong alam bakit bigla syang nag beast mode at iniwan nalang ako basta. Nagalit nalang siya bigla, sarap sabunutan sa kili- kili ng taong yun!
Kahit saang banda ko tingnan ang ginagawa ko kanina ay wala akong makitang mali. Ano bang ikinagalit niya doon? Ayaw niya ba yung may nagsasabi sa kaniyang na 'gusto kita'? Ayaw niya nang babaeng magaganda o nagpapacute sa harap niya? Wala na ba akong trabaho? Hindi pwede may kontrata naman ako doon.
Wala sa sariling hinihiwa ko yung ulam at sinubo. Nang masarapan ay nilantakan ko na ang isang plato. Nilaklak ko na din yung bote nang wine. Nag iisip ako, bakit Kaya umasta nang ganoon si sir? At dahil wala akong ganang kumain ay umiling iling nalang akong tinawag yung waiter.
"Pwede pong pakibalot, lahat nang yan?"
Nagtataka namang nilingon ako nung lalaki. Maang ko din siyang tingnan. Sayang din kaya kung iiwan ko nalang.
"Tsaka, baka may sukli pa po dyan." Sabi ko pa.
Aba, wala akong pamasahe. Ipapamigay ko nalang din yung natirang pagkain.
May sukli pa ngang inabot sakin yung waiter. Napangiti akong tinanggap yun.
"Uhmm, maam." Hindi pa umalis yung waiter at parang naghihintay.
"Ahhh.." napatango ako at nang bigay nang fifty pesos na tip.
Sa tulad kong mahirap lang ang buhay ay nasasayangan sa fifty pesos na yun pero dahil may sukli naman dun na ako kumuha noon.
Habang naglalakad naman ako papuntang sakayan nang jeep ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Wala talaga akong maisip na dahilan bakit siya umakto nang ganun.
Umiling iling akong pumara nang jeep. Nang makababa na ako sa Ricaforte building ay ang nakabusangot na mukha naman agad ni Baste ang sumalubong sa akin.
"Saan ka galing? Aba, dalawang balik ko na to dito, Youmie Eunice. At balita ko di ka sa utility inasayn?"
Napangiti ako saking kaibigan.
"Hintayin mo'ko dito at papakainin kita nang marami." Sabi ko nalang at nagmamadaling pumasok sa UQA.
Kinuha ko Doon ang mga gamit ko at iniwan yung cellphone na iniwan ni sir kanina. Bahagya naman akong nakaramdam nang konsensiya. Baka ayaw nga niya nang magaganda, una, pinagpalit niya ako nang damit kanina, pangalawa hindi maganda ang trato niya sakin, pangatlo ay ayaw niyang may nagpapacute sa kaniya. Bading ba siya kaya ganun? Buo na ang hinala ko kaya ganoon siyang umasta.
"Bading si, sir."
---------
"Lorvin, are you really sure with your decision, anak?"
"Opo nga po, ma. Okay naman na din po kay kuya Shiba."
"Lorvin, hindi magkatulad ang taekwando o anumang sports ang trabaho doon. Mahihirapan ka, pero mas maganda na rin yun, nakapagtapos ka naman, may MBA ka pa."
"Disappointed si papa, pero I really wanted to try another field, ma. Tutal, andyan naman din si Bogdan, he loves sports."
Ngumiti si mama na nagpangiti rin sakin, she's really beautiful and I love her so much. Bogdan who also loves drag racing even if it is legal or not, he's younger than me. He is now twenty-four at tambayan niya na rin ang gym ni papa kasama si Rocco, ang bunso namin that is Twenty-one.
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.