TM2 -36

6.4K 228 12
                                    

''Doctor Lambert? Oh my goodness! It is really you! -- uhh, how are you?''

I shook her hand at bahagyang ngumiti. Mag la labing isang taon ko siyang hindi nakita.

''Doctora Vanessa Mondragon.''

''Exactly. She's your wife? That's good.--''

I thought she's a Neuro surgeon too, siya ang espesyalista ng asawa ko, noon. Lalo akong nakadama nang kaba.

Tumawa siya nang mahina.

''OB din ako, don't worry okay?''

Nakahinga ako nang maluwag. Pumwesto siya kay Youmie at sinusout ang gloves.

Bumalik naman ako kay Youmie na halos wala ng lakas.

''Hey, don't sleep. --''

''Okay, ere na misis.''

Humawak sa kamay ko ang babae saka boung lakas na umere.

Awang awa ako sa kaniya hindi ko alam kung papaano ko siya matutulungang mapawi ang sakit na nararamdaman niya.

''Iba..'' hinang hina na siya.

''I'm here babe.''

''Isang ere pa!''

''One last push, babe.''

She did, right and then my heart skipped. A baby cry echoed the whole room. Nag init ang sulok nang mata ko habang napatingin sa pinanggalingan nang iyak na iyon. I gave a glace to Youmie, a small smile formed into her lips.

She's okay. Sa tuwa nang naramdaman ko ay hinalikan ko siya sa labi. I am just --- happy.

''Here's you're mom, baby. --- congrats to the both of you.''

Tinapik nang ni Doctora Mondragon ang balikat ko saka ngumiti.

''Dios ko.. pati pilik mata kuha niya sayo..'' bahagyang bulong niya sa akin.

Ngayon lang ako nakadama nang ganitong tuwa. Ang saya saya ko habang napapatingin sa kanila.

''Iba..''

Ngumiti ulit si Youmie, kahit alam kong pagod na pagod na siya. God! How can a small woman survive that kind of pain? Bigla ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi saka hinalikan sa noo.

''Thank God you did it. I'm so -- so -- proud of you --- and thank you.''

Proud? Proud lang ba?  Binaling ko ang tingin sa baby na nasa ibabaw nang dibdib niya. Gusto kong iwasan na muna ang mga isiping yun. May dugo pa dito pero konti nalang. Usually ginagawa iyon upang maramdaman nang bata ang kaniyang ina.

Hinawakan ko ang kamay nito, so little. My son --- my angel. Thank god!

Lumukso ang dugo ko nang maramdaman ko ang init niya. Kagaya nung mga panahong unang kita ko palang kay Breezy. Tuwang tuwa ako nang biglang hawakan nito ang hintuturo ko. Ang liit nang kamay niya pero pakiramdam ko ay ang lakas na noon upang hilahin niya nang konti.

''Thiago Godz, T H I A G O  G O D Z --- gusto kong yun ang pangalan niya.''

Inisa isa niyang binanggit ang letra sa pangalan nang anak. Naipilig ko ang aking ulo.

''I named him already, Liam Rein.''

Napsinghap siya at biglang nangilid ang luha. Umirap siya sakin na nagpatiim nang bagang ko. Hanggang ngayon ba, ganyan pa rin siya?

Kinuha na nila ang bata para linisan. Habang hindi pa rin ako hinaharap at kinakausap ni Youmie.

I really wanna name my child next after my father. Pero bakit ayaw niya? Anong meron sa pangalang yun para mag eemosyon na naman siya nang ganito! Shit! She's really hard to understand!

Lumabas ako dahil kailangan nang munang tahian si Youmie. Si Bree at si mom ang inabutan kong naghihintay sa kwarto. They are all in smile at halatang masayang masaya sila.

''Congrats, anak! ---- isabay na natin ang binyag sa kasal?''

''I'm gonna have a baby brother! Oh my god! Is he cute, dad?''

Di ko sila masagot. Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos.

Natatakot ako.

-------

''GUSTO ko nang Thiago dahil Santiago ang pangalan nang papa ko at Godz dahil kapatid siya ni Breezy Goddeza. Alam ko namang may mga pinaghahandaan ka nang hindi ko alam pero kahit sa pangalan lang ay mapagbigyan mo ako, Shiba. Isang beses lang akong magkakaroon nang isang anghel, sana maintindinhan mo ako.''

Nasa kwarto na si Youmie at yun agad ang bungad niya sa akin nang umuwi na muna ang lahat.

Bigla ay nakadama ako nang hiya sa sarili. Seryoso siya at di tumitingin sa akin. Siya ang naghirap, she's the one suffer a lot of pain. Bakit ba ako nagmamagaling? Pangalan lang naman yan. But what she just said? --- isang beses?

''What are you trying to say?''

''Tapos na ang lahat, di ba? Pagka labas ko dito, alam kong sa bahay na namin ako uuwi. Wala naman na din akong balak na magka anak uli't ---- ang sakit pala.''

Ngumiti siya sa huling sinabi pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ba ito sinasabi? Gusto niyang tapusin na namin ang lahat? Bakit ganito? Gusto ko siya pero inaayawan niya ako. Ganti ba ito nang karma?

Ngumisi ako sa sarili, kasalanan ko rin naman di ba? Hindi ako yung taong nagpapakita nang pagkagusto sa babae. Buti nga lang ay pinagtyagaan din ako ni Ella dati. But hey, she's not Ella, stop comparing. I sighed, hard.

''Okay, if that's what you want. Thiago Godz will be fine ---- but you'll stay in my house. Even you like it or not.''

----

^_^

THIAGO GODZ LAMBERT

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon