Limang buwan ang napakabilis na lumipas.
Limang buwang naging taga bantay sa isang batang hindi ko kilala ang mga magulang. Limang buwang pilit paring kinakalimutan ang mga sandaling yun na naging magandang panaginip na lang sa akin. Limang buwan na at patuloy pa rin akong umaasa na magkikita kami ulit at masabi ko sa kaniya ang tungkol sa akin o sa amin.
Nasa malaiit na isla kami ni lola, sa Palawan Province. Maganda dito at pakiramdam ko nga ay maglalagi na kami dito. Ang Pamalican island ay kilala lalo na sa mga turista. Puti yung buhangin, asul at may halong green yung dagat at napaka aliwalas nang lugar. Walang gulo at hindi maingay dahil nga ay napaka pribado. Misan lang din ang party party kapag may fiesta o may artista. Nasa isang casitas kami nakatira ni lola, iyon yung maliit na kubo. Sa pagkaka alam ko ay yung nag alok sakin nang trabaho ang may ari nang boung isla. Madali lang naman ang byahe galing sa Maynila, isang oras mahigit.
Mabait naman yung amo ko, kaso nga lang hindi ko pa siya nakita sa limang buwang pamamalagi namin ni lola dito. Basta ang nasa isip ko ay lahing banyaga ito, kasi banyaga yung batang inaalagaan ko. Pitong taong gulang na ito at Via Meltzer Cazepien ang pangalan. Magkasundo naman kami nung bata kaya ayun mas palagay pa sa akin ang loob kesa sa totoong nanay niya.
''Ate Eunice, okay ka lang ba?''
Tumango ako sa batang nasa harap ko habang pinaghahanda ko nang hot cake.
''ate, i have something to tell you.''
Kinurot ko ang ilong niya.
''Walang english di ba?''
Humagikhik siya at tumingin sa akin. Minsa nga ay naiinggit ako sa kulay berde niyang mata. Buti nalang at di iyon katulad nang kay Iba.
''Ate, sabi kasi ni mommy nung isang araw -- ''
Yes, nagkikita naman sila kaso nga lang yung isang lalaking naka itim lang ang sumusundo sa kaniya.
''Ipapakilala ko raw sa'yo silang dalawa ng dad ko.''
Napaangat ako nnag kilay.
''Bakit daw? ''
Nagkibit balikat siya at tumatakbong pumasok sa kwarto niya. Bumalik ako sa trabahong may pagtataka. At nang bumalik ang bata ay dala dala siyang maliit na litrato. Ibinigay niya ito sa akin nang nakangiti. At nang tingnan ko ito ay biglang gumuho ang mundo ko. Bahagya pa akong napahawak sa may counter table nang nakaramdam ako nang hilo.
''Ate Youmie? Bakit po?''
Napa upo ako at tiningnang mabuti ang litrato. Si Shiba iyon kasama ang maputing babae, mahabang buhok at ang ganda. Habang si Shiba ay naka suit na itim, bagong shave ang mukha at ang gwapo. Base sa litrato ay kumakain sila sa isang class na restaurant. Ang sweet nila tingnan at kapwa pa sila naka tingin sa isa't isa.
''Sabi ni mom, siya daw ang dad ko and she said ipakita ko daw sayo para daw makilala mo na daw sila. They were busy kasi daw eh.''
Napatda ako, halo halo ang emosyong umusbong sa boung sistema ko. Sabi kasi nang katulong ay di pa daw nagkikita ang bata ang ama niya. Hanggang picture lang daw kesyo may hindi daw pagkakaunawaan ang mga magulang niya. Napatingin ulit ako sa litrato. Gusto kong maselos pero wala akong karapatan.
''Ate Youmie! Nangangamoy na yung hot cake!''
Tumalikod ako't pinatay ang kalan sabay nang pagtalikod ko ang pagtulo nang luha sa aking pisngi. Napakagaling naman talaga nang tadhana. Ang galing magpaasa at manakit nang damdamin.
Nagkulong ako sa maliit na kwartong yun kinagabihan. Ang sakit nang dibdib ko. Wala naman akong karapatan sa kaniya noon pero dahil sa mga nangyari ay mayroon na ngayon.
Naguguluhan ako, napakalupit naman din kasi nang tadhana.
''Omie, kumain ka na dito. Kailangan mong uminom nang gatas.'' Si lola iyon.
''Opo lola. Susunod ako.''
Si lola naman ay nagtitinda nang Pamalican's souvenir. Malapit lang iyon dito sa amin kaya okay na din sa akin.
Nang lumabas ako ng kwarto ay natutulog na din siya. Nagtimpla ako nang gatas at lumabas nang kabahayan. Gusto kong magpahangin at mabawasan ang hinanakit sa puso ko sa taong naging dahilan nang pansamantalang paglayo ko.
Pumwesto ako sa gilid nang dagat at nasa tabi ko lang ang baso na may gatas.
Bawal akong mag isip nang nakakasakit nang damdamin pero paano ko ba pipigilan kung namimis ko na siya. Bumuga ako nang hangin, ang totoo niyan ay hanggang pasilip silip nalang ako sa internet at doon makikita ko kung kumusta na siya at ang anak niyang si Bree.
Kahit naman pumapayat siya ay andoon pa rin yung gwapo niyang mukha. Natutuwa pa nga ako dahil may pictures din sila ni Bree.
Niyakap ko ang aking sarili habang napapatingin lang sa malayo. Malamig na rin ang hangin, sa susunod na linggo na rin kasi ang pasko kaya ganito na ang panahon. Hayst, namimiss ko na si Baste. Panay kasing siya ang kasama namin kapag pasko at bagong taon. Ang sabi niya ay andoon pa rin siya nagtatrabaho at siya na muna ang nakatira sa bahay. Okay, naman din daw ang takbo nang kompanya. Mas tinaasan daw ang sahod niya at under na daw siya sa automotive department at kay Lorvin iyon.
Yun nga palaging tinatanong kung saan na kami ngayon ni lola, buti nalang at di na masyadong nangungulit.
Pabalik na ako nang casitas nang namataan ko si Father Antonio. Yung bagong gwapong kinahuhumalingan nang mga nananamba. Humagikhik pa ako sa sarili dahil napakagwapo ito at talagang hindi bagay sa kaniya ang pagiging seminarista.
''Magandang gabi po Father.''
Tumawa ito nang mahina.
''Hindi pa naman ako naordinahan, sister Eunice. Pasensya na at ginabi ako nang dalaw. Anyway, nandito ako para ipaalam sa inyo na may misa sa susunod na linggo. Para mga bisita daw kasi at nagrequest nang misa.''
Ngumiti ako at pinapasok muna siya sa casitas namin at tinimplahan nang kape. Nasa edad na trenta pa lang siya at totoo ngang hindi pa siya na ordinahan at ang sabi ay sa susunod na taon ay luluwas siya nang Vatican para maordihan ni Santo Papa.
''Eunice, kukunin sana kitang choir for the said event. One of the biggest company around the Philippines kasi ay mag cecelebrate nang christmas party dito. At gusto nilang sana ay may pag mimisa muna.'' Sabi niya at humigop nang kape. ''Hindi ko rin alam kung sinong kompanya. Sabi kasi ni Miss Cazepien ay isa daw sa mga kilalang negosyo sa bansa.''
Napatungo lang ako. Halatang galing sa mayaman si Antonio. Base kasi sa pananalita at pananamit niya at angat ang estado ng buhay nito.
''Antonio, alam mo -- masasayang ang gandang lahi mo.'' Biglang sabi ko.
Napanganga ako. Humahalpak siya nang tawa yung tawang di ko pa narinig sa kahit na sinong sakristan o seminarya sa boung buhay ko. Ilang sandali lang ay napaayos siya nang upo.
''I'm sorry, sister Eunice. Sa dinami dami kasi nang sinabi ko ay ganun yung tanong mo. -- Marami nang nagsabi niyan pero bou na ang aking desisyon, sister. -- Nang minsan kasing pinagkaitan at binigo ako nang pag - ibig ay lalo akong naging basag ulo noon. Nakipag away ako, nakipagpatayan pa nga para sa taong minahal ko pero di naman siya bumalik. Nang sinaksak ako sa likod nang lalaking yun ay tinamaan ang buto ko sa likod. Natulog ako nang ilang oras, linggo, buwan hanggang sa umabot nang ilang taon. ---Sa dakilang dios ako bumalik nang magkamalay na ako. Kaya para sa akin, sa kaniya ko na iniaalay ang buhay ko.''
Siguro dahil na rin sa haba nang sinabi niya ay na - touch ako. Tumulo ang luha ko, samo't saring emosyon ang nararamdaman ko.
''Eunice naman, ganun na ba ka kawawa ang sitwasyon kahit hindi ko pa nasabi lahat ay umiiyak ka na.''
Suminghot ako at pinunasan ang mga luha sa mukha ko saka ngumiti.
''Tama na nga Antonio, sege at sasali ako sa mga praktis nang mga choir.''
''Sege, yun lang naman ang pakay ko, aalis na ako. Salamat sa kape.''
''Pero totoo nga, ang gwapo mo. Hindi bagay sayo ang propesyon mo.''
Ngumiti siya nang malawak at lumabas na.
''Sege na at aalis na ako. Matulog ka nang maaga masama sa pagbubuntis ang pagpupuyat.''
-----
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Genel KurguTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.