TM2 -41

6.5K 220 13
                                    

Naki usap si Bree na doon na muna tatabi kay Glenda. Gusto kong umayaw, kahit naman nasasanay na akong nagkakasama kami ni Iba sa iisang kwarto ay iba parin ngayon.

Hindi ko alam pero nagiging malambing na sa akin si Iba. Nararamdaman ko yun eh. May nagbabago na nga sa kaniya. Ano yun? Ngayon lang ba dahil malayo ang picture ni Ella sa amin? Paano nga kung i - la - love ko na siya? Kawawa naman ako.

Nag dede si baby T sa akin at busy pa rin si Iba sa mesang nasa gilid. Sout siya ang kaniyang reading glass at nasa gilid nang noo ang hintuturo. Nag aala sir chief na kano. Madilim na ang paligid at ang maliit na lamp shade nalang ang nagbibigay ilaw sa mesa niya. Bigla akong nakaramdam nang awa sa kaniya. Alam ko naman kasing trabaho ang pinunta niya dito pero nagpapasaway pa ako.

Nilapag ko sa gitna nang kama ang baby ko at sinout ang roba. Hindi naman niya ako napansin kaya dumeretso na akong nagtimpla nang kape. Alam ko na ang timplada niya noong nagtatrabaho pa ako bilang drayber niya.

Ilang sandali ay nilapag ko iyon sa table niya. Nagulat naman siyang agad na napatingin sa akin.

Ngumiti ako. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at kinusot ang mata.

''Hey.. '' aniya.

''Gabing gabi na Iba. Magpahinga kana maaga kapa bukas.''

Bumuntong hininga siya saka kunuha ang tasa nang kape.

''Susunod ako. Thanks for the coffee.''

Humigop siya noon at nagulat akong hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. Hanoh bayan! Kinikilig ako, gusto ko talagang tumili pero nagpigil ako. Kaya ang huli ay ngumiti lang ako.

''Sleep well.''

Tumango ako saka tumalikod na. Sumaglit ako sa banyo saka impit na tumili. Mahina lang pero labas ng lungs ko.

Dios ko! Mahal ko na talaga siya!

----

DON'T  forget your breakfast. We'll be quick. Meeting with the clients.
Goodmorning.

Iba

Unang beses akong iniwanan ng sulat ni Iba. Kilig ang unang sumalubong sa akin ng umagang iyon. Napapangiti pa ako habang pina pa dede ang anak ko. Ang lakas nga dumide eh. Saan kaya nagmana ang batang 'to?

''Goodmorning Youmie! Goodmorning din baby T. Ito gatas mo.''

Nginitian ko si Bree. Nakikita ko talagang mahal na mahal niya ang kapatid niya. Paano nalang kaya kung totoong kapatid nga niya si Meltzer? Umiling ako. Malabo, sabi nga ni manang ay matagal na silang walang kumunikasyon noon Olivia.

''Ang aga naman nina dad umalis. Si manang naman bumabawi nang tulog, nahilo sa biyahe eh.''

Nagmaktol si Bree kaya ang huli ay kinukunan niya nalang ng picture kami ni Thiago.

Nagpa deliver ng agahan namin si Bree. Tuwang tuwa nga ako eh. Pupwede din pala yun? Aba, magkano kayang binayad ni Iba dito?

Ng magtanghali naman ay di pa rin nakakabalik sina Iba dito. Napaisip pa ako dahil bukas na pala mag iisang buwan ang anak ko. Ang bilis talaga nang panahon.

At nang sumapit naman ang alas tres ay sabay sabay silang pumasok na pinagtaka ko. Ni hindi nila ako napansing nasa sulok lang at tinatanaw ang kabilang bahagi nang Hong Kong.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon