Ang saya ko.
Ewan hindi ko maipaliwanag basta ang kabuuan noon ay saya. Noon ko kasi nalamang siya pala ang personal doctor ko kaya palagi dapat nasa tabi ko siya, syempre maliban sa asawa ko si Shiba.
Namamasyal kami sa boung farm ni tita Yuri. Maraming puno doon may mangga, abokado, niyog at marami pa. Malawak yung taniman at bawat taniman ng prutas ay may naka atas na taga subaybay. Sa gitna ng taniman ay may maliit na kubo at doon kami naglalagi ni Shiba. At wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang maghalikan hanggang nauuwi sa ngitian
Mahal ko siya.
Hindi ko man matandaan ang dating pakiramdam sa kaniya, alam kong sobra pa doon ang nararamdaman ko ngayon. Mahal na mahal ko na siya.
Tahimik siyang tao, pero ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Madalas nga akong kinikilig kapag ngumingiti siya sa akin. Mas matanda siya sa akin ng sampung taon pero hindi ko naman alintana iyon. Makisig naman siya at maalaga sa sarili kaya nakakainlove pa rin lalo kapag nag aano kami. Yes, nag aano na kami, kasi ng kasi — masarap siyang mag ani.
Palagi naman akong may oras sa mga anak ko. Ang saya siguro ng buhay ko noon. Biruin mo yun ang laki na ng panganay ko? Nag aalaga din siya minsan kay Thiago. Hindi naman nakakatulog si Thiago kapag hindi ko siya binabasahan nang story book niya kapag gabi, naiisip ko tuloy, kung limang taon akong tulog, sino kayang nag - aalaga sa kaniya? Sino kaya ang nagbabasa nang mga storya sa kaniya? Kawawa naman ang bunso ko.
--
''Do you wanna go home? In the Metro?''
Isang umagang tanong sa akin ni Shiba. Nasa hapag kami noon.
''Really dad? I miss my stuff in there. Mag ta - transfer na agad ako! My god! I miss yaya!''
Napangiti ako habang sinusubuan ang bunso ko. Si T na ang sumagot sa tanong na iyon.
''Oo ba. Makakatulong siguro yun para ma ala ala ang nakaraan.''
Pumalakpak si Bree.
''Thanks mom!''
''Ate..malakas po ang boses mo.''
Napangiti nalang ulit ako nang lumapit sa hapag si tita Yuri.
''Mamita, kain kana.''
Ngumiti lang ang may edad na babae saka tumingin sa akin.
''Hwag mo lang pipiliting alalahanin ang lahat, Youmie. Para hindi palaging sumasakit yang ulo mo. Makakasama sa iyo iyon.''
''Opo.''
---
Isang chopper ang sumundo sa amin ng dumating ang araw ng pag alis namin. Oh, di ba, ang sosyal? Mayaman sila eh.
''Bein, alagaan mo si tita. Hindi yung puro babae yung iniisip mo.''
Napangiti ako sa paalala ni Shiba. Pero humagikhik na ako nang hindi siya nito pinansin.
''Tandaan mo Youmie, there's no You if me is wasn't around. Susunod ako doon, papayag na akong makipag LDR sayo, basta pagdating ng panahon ay you and me parin, Youmie.''
Banat kung banat ang batang ito. Binatukan siya ng kaniyang ina.
''Nanay naman!''
''Tumahimik ka kamo! Kung hindi ka sana nagsundalo, dapat may apo na rin ako ngayon! --- pagpasensyahan mo na ito Youmie. Siya, mag ingat kayo Shiba. Pakikumusta mo nalang ako sa daddy mo.''
Hawak kamay kami ni Shiba nang sumakay na sa chopper. Naka seat belt na ang mga anak ko. Ngiting ngiti si Bree sa amin.
Habang nasa byahe naman ay di ko maiwasang kabahan. Paano kaya kung wala pa rin ang matandaan? Paano kaya kung may mga dapat pa akong malaman. Natatakot akong may mga katotohanang pang dumating at guguluhin ang pamilyang meron ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.