TM2 -35

6K 215 13
                                    

Kaba. Takot. At excited.

Ang nararamdaman ko ngayon. Si mom agad ang natawagan ko nang mangyari iyon kanina.

I was walking back and forth, and I don't know what to do. Naaawa ako kapag tiningnan ko siya. She was in labor stage at wala akong magagawa kundi ang tingnan lang siya. Kasama niya ngayon si mommy. Sabi nang midwife ay nasa six cm pa daw ang bata. It was her first kaya siya nagdadanas ng ganitong sakit.

Naalala ko pa noong manganak si nay Nina kay Lorvin. Ilang yosi rin ang naubos ni tay Calvin noon. Habang si nanay naman ay din sigaw nang sigaw dahil sa sakit. That's how i feel now.

Sinubukan ko siyang lapitan kanina pero hindi ko naman kaya ang nakikita siya sa ganoong sitwasyon.

Sigaw siya nang sigaw at di mapakali. She's really in pain. She looked miserable and I did nothing but just looking at her.

Nakaupo lang ako sa gilid ng hallway at kahit gustong gusto ko nang pumasok sa loob ng kwarto ay awa lang ang mararamdaman ko sa kaniya. Napapa hugot nalang ako ng hininga saka ibubuga iyon.

''Shiba.. will you please look after her muna. Kailangan ako ng daddy mo, madali lang ako.''

Sabi ni mom saka ako hinalikan sa pisngi. Hinila niya ako sa loob at nadatnan naming nakahiga na si Youmie. Wasak ang buhok at putlang putla na ang kaniyang mukha. She was half awake and eyeing at me.

''Anak, dito malalaman ang haba ng pasensya mo bilang ama. Hindi ka nakasama ni Rafaella nung ipinagbubuntis niya si Bree, don't let it happen again, she needs you. Aalis na ako, babalik din ako agad, nak.''

Nakanganga lang ako at napatingin kay Youmie. Kumikibot ang labi niya  at iniirapan ako. Pero nasapo na naman niya ang kaniyang likod.

''Tang ina! Sumasakit na naman!''

Napangiwi ako. Nakuha niya pang magmura. Lumapit ako sa kaniya at lihim akong nataranta.

''Ano ba Iba! Hagurin mo ang likod ko!''

Ginawa ko naman ang sinabi niya hanggang sa napaupo na siya. Nakahawak siya sa magkabilang kamay ko saka tumayo. Namimilipit ang mukha niya sa sakit.

Minsan ko pang naalala ang nakaraan ko. I used to calm pregnant woman. Kahit naman Neurologist ako ay may practice naman kami about Pregnancy.

Kinuha ko ang kamay niya saka inilagay sa aking leeg and guide her how to breathe, the proper inhale and exhale. Pero sapak ang nakuha ko sa kaniya.

''What was that for?!''

''Gusto ko lang!''

Huminga ako ng malalim saka inalalayan siyang naglalakad nang mawala na naman ang sakit.

Sumapit ang kaniya 9 cm. Ipinahiga na siya sa loob. Parehas na kaming may soot na lab gown. Halos madurog ang puso ko nang makita ang mukha niyang nawawalan na ng kulay. Somehow it made me feel afraid. What if's suddenly popped out in my mind. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Paano kung may mangyaring hindi maganda?

But i shook my head, they'll be safe.

''I'll be outside babe, be strong.''

Hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, all i think is it'll make her okay. Pero naramdaman ko ang kaniyang mainit na palad sa kamay  ko. Napatingin ako sa kaniya.

''Dito ka na, please.''

May tumulo nang luha sa mata niya. Parang sasabog ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa puso ko. Marahan akong tumango at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay. Masuyo ko siyang hinalikan ulit at hinarap ang nag aayos sa mga gagamitin.

''Where's the doctor incharge, miss?''

Tanong ko sa nurse na nasa loob.

''She'll be here -- nandito na pala.''

Nakamask ang doctor at bahagya akong napatitig sa kaniya. Pinakikiramdaman ko siya, seems like i know her. Parang nakilala ko na siya.

''Goodmorning.''

It shook me. Sabi na eh.

----

An:

Sino kaya yun? Guess who?

Sorry for the short update! Maraming salamat din po sa mga nag fa - follow na sa akin and starting to add my stories in thier libraries . I really and highly appreciate it.

Ps;

Malugod ko pong tatanggapin ang inyong opinyon at suhestyon! :)

Sa mga silent reader po, pahingi naman nang boto at komento.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon