"Congratulations, Lorvin."
Walang ngiti, walang emotion. Basta ba sinabi niya lang, yun na agad yun.
Nandito na sila sa lobby ng kompanya. Bumalik na ang lahat sa trabaho nila pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko kanina pa at hinihintay siyang maka usap nang matino. Ngumiti agad ako nang malawak nang tumingin ito sakin.
Hihigpitan ko pa at hahabaan ang aking pasensya sa amo ko. Alam ko na may pinagdadaan lang siya sa ngayon kaya iintindihin ko na muna.
Lalapit na sana ako sa kaniya nang maalala ko yung sukli niya kagabi.
"Hi Youmie!"
"Ay kabayong kalabaw!"
Napatalon ako sa gulat sabay hawak sa aking dibdib, si Lord iyon. Nasa likod ko na pala siya. Napatingin siya sa kamay kong nasa dibdib ko pa rin. Nakaramdam ako nang hiya kaya mabilis ko iyong inalis.
''Ay, sorry sir. Uhmm -- kilala niyo pa po pala ako."
Bahagya ko pang inipit ang buhok ko sa aking tenga. Kinikilig ako, baka kung di ako makapagpigil eh, titili ako sa tuwa. Ang bilis nang kabog nang puso ko. Nag - iinit din ang boung mukha ko, oh my gosh.
"Of course! I'm so sorry if I didn't send you a text, yet. Anyway, are you waiting for, Mr. Lambert?"
Natameme ako sa inglis na tanong niya at nang maalala ko si sir ay napatingin ulit ako dito, pero may kausap ito. Babae, sexy, mahaba ang buhok na kulot at maganda pero alam ko hindi iyon yung asawa ni sir. Teka nga, ni hindi ko pa nakitang kasama ni sir yung asawa niya ah. Ipinilig ko ang ang aking ulo habang nakatingin sa kanila, ang sweet naman, beshy niya kaya?
''Hey, --- " bahagyang tumawa si sir Lord.
Binalik ko sa kaniya ang tingin.
"Pasensya na sir ---"
"Lorvin is fine, Youmie." Ngumiti ulit siya.
Gusto kong manlambot sa klase nang ngiti niya. Mukha siyang angel, parang siyang artista na kahit saan tingnan ay walang panama si Ding Dong, si Ruru Madrid o kahit na sinong poging artista sa telebisyon.
''Sege, L - Lorvin." Pinarinig ko pa sa kaniya ang hagikhik ko at laking tuwa ko ay sinabayan niya rin ako. Ang sarap niya sigurong kasama, hindi boring, d katulad ni sir. Gusto ko siyang landiin ngayon at iuwi na sa bahay.
''Excuse us, Lorvin. May pupuntahan kami nang driver ko.''
Si sir ang nalingunan ko at hawak niya na ngayon ang braso ko.
''H - Ha? ''
''Aw okay, it was nice to see again, Youmie. ''
Nalito ako bigla, akalain mo yun? Hindi pala ako napatalsik sa trabaho! Ngumiti ako kay sir Lorvin sa huli at sumama na kay sir.
Ngiting ngiti akong nakasunod sa kaniya.
"Sir, maraming salamat."
Nagkibit ako nang balikat nang hindi siya umimik at dumeretso na sa loob nang kotse. Mabilis naman akkong pumasok, baka magbago pa yung isip, alam na --- bipolar na gay. Bahagya pa akong napangiti sa sinabi nang isip ko.
''Saan tayo, sir? ''
''Just drive.'' Sabi niyang nasa labas ang tingin.
Di ko ma gets ang sinabi niya, kaya nilingon ko siya.
''Saan nga po?'' Pilit pa akong ngumiti para itago ang inis ko. Mamaya niyan masabihan ulit ako nang bobo.
''Saint Luke's memorial garden.''
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.