Sabi ko nga sa sarili ko, kahit ano ay kaya kong ibigay sa mga anak ko. Kahit buhay ko man ang kapalit.
Pero papaano?
Papaano kung hanggang dito lang ang kaya kong gawin?
Ang tingnan, iyakan, yakapin, iparamdam ang pagmamahal at dasal lang magagawa ko?
''Iba, sabihin mo sa akin kung ano pagkukulang ko? May mali ba akong nagawa? — Dios ko, sana ako nalang..''
Hikbi at hagulhol na pilit kong itinago sa mga anak namin.
''Sshhh, babe. Alam nating hindi tayo nagkulang —''
Kahit naman si Iba ay wala na ding magawa para sa panganay namin. Parehas kaming umiiyak nalang sa tabi at hawak kamay na hinaharap ang lahat na maaring mangyari.
—
''Gab, magpahinga ka na muna anak. Kailangan ka ng mga anak niyo. Ako na dito.''
Mugto pa rin ang mga mata ni Gabriel. Humugot ako ng hininga saka binuga iyon nang lumabas ng kwarto si Gab.
Tinitigan ko ang aking panganay.
Ang payat na niya. Ang sabi nga ng mga klasmeyts niya noon ng dumalaw ay halos hindi na nila makilala ang anak ko. Ubos na rin ang buhok niya mula ulo. Kahit kilay ay wala na rin.
Minsan nga ay gusto ko talagang sisihin si Rafaella. Dahil sa kaniya ay namana ni Bree ang sakit na ito.
Ilang taon din kaming nag chemo pero wala, walang magaling na doctor ang kayang pagalingin ang sakit niya. Ilang doctor na ba ang namura ko? Hindi ko naman na mabilang.
Maaring hindi ko siya totoong anak. Maaring hindi siya galing sa akin. Pero naman, hindi kayang sukatin ang pagmamahal ko kaniya. Mahal na mahal ko siya.
Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay at dinala iyon sa labi ko. Kahit anong pigil ko ay kusa nalang tumulo ang luha sa pisngi ko.
Ang sikip ng dibdib ko.
Sana ako nalang. Total naman malalaki na ang mga anak ko. Sana ako nalang. Dios ko, ako nalang ang kunin mo. Nagmamakaawa akong bigyan mo pa ng kahit kaunting buhay ang anak ko.
Ang sabi ng doktor ay bilang nalang ang araw ni Bree, mga walang hiya, hindi naman sila ang dyos para sabihin iyon, di ba?
Trenta'y kwatro pa lang siya. Marami pa siyang magagawa sa mundong ito.
''M-Mommy..''
Mabilis akong nagpunas ng mukha saka siya hinarap.
Ngumiti siya sa akin. Lalong sumikip ang dibdib ko. Hanggang kailan ko nalang ba masisilayan ang ngiting yan?
''I hate to see you sad..''
Pabulong na usal niya sa akin.
Kumuha ako ng malinis na panyo at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Marahan kong dinampian noon ang labi ni Bree. Namamalat kasi iyon at namumutla.
''Anak, hwag mo nga akong ini-englis. Gutom ka na ba?''
Ngumiti ulit siya sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko.
''I love you po. Maraming salamat — ''
Parang sinasakal ang puso ko. Dios ko!
''Breezy Godeza, mahal din kita at hwag ka ngang magpasalamat, may bayad yun kung ano man yang ipinagpapasalamat mo. Bayaran mo muna bago ka mang iiwan.''
Humagikhik si Bree at pinunasan ang naglandas na luha sa aking pisngi.
''S-Si Raffy at Raffa na po ang bahala sa utang ko —''
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.