Through the years

4.8K 125 8
                                    

''Iba, matatanda na tayo — kailan pa natin aaminin sa dalawa ang totoo?''

''Babe, si Gab ang may karapatang magsabi.''

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam ang dapat na unahin.

''No, ayokong magkaroon nang boyfriend si Raffa! —''

''Iho, bente na ang kapatid mo — kailan mo pa ba siya gustong magnobyo?''

''Lola, hindi nga kasi pwede. Ayoko pa —''

''Lola, are we really a twin? Bakit hindi kami hawig?''

''Hawig kaya kayo.''

''La, bakit nasasaktan ako kapag may kausap na iba si Raffa? Is it because we're twin?''

''Bakit iba na ang nararamdaman ko sa kaniya?!nalilito na ako! I don't know what to think! I love her! Like how you love lolo.''

Yun ang sabi niya nitong huli.

Palipas na kami ni Iba, gusto ko ng sabihin sa mga bata ang katotohanan. Kinakain na ako ng konsensya ko.

——

''Lola, mahal ko po si Lympus —''

''Nasaan ang galang mo?! Uncle mo siya, Raffa —''

''P-pero bakit? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Nasasaktan ako kapag nakita ko siyang may kasamang iba. Lola, please — i really wanna stay away. K-Kina lola Hannah na muna ako —''

——

''Call me Tito, uncle or something not just Lympus, Raffa!''

''No! Ayoko, mahal kita —''

''Insane! Stop it, Gabrielle raffa! I am nine years older than you and ofcourse I am your uncle! Masakit ka sa ulo!''

——

Lalo namang sumasakit ang ulo ko ng pilit iniiwasan ni Lympus ang pamangkin niya.

Mabilis akong nagbihis at inayang pumunta kina Gab si Iba. Ako na ang makikiusap sa ama ng mga bata.

Habang nasa biyahe naman ay hindi ko pa halos malimutan ang nangyari noon. Kung paano nangyari ang lahat. Ang huling habilin ni Bree ay hwag nang sabihin sa kambal ang tungkol dito.

Pero mahina na si Iba babes at kahit ako ay matanda na rin. At kahit ang tadhana ay pilit nang isinasawalat ang lahat.

''Lola! You're just always beautiful as you are! ''

Si Ana iyon, anak ni Thiago at Tashia. Maganda siya, kaya nga lang ay sobrang arte, hindi naman artista.

Siguro ay kararating niya lang galing gala from Europe.

''Bolera. Ano bang kapalit nang puring yan?''

Tumawa siya nang maarte, sarap hambalusin.

Umiling ako at tumuloy sa bahay nina Gabriel. Malaki ang bahay, purong yari sa salamin. Kahit ang sahig na inaapakan ko ay yari din sa makapal na salamin.

''Where's the Gab's?''

Si Shiba baby ang nagtanong nang hindi siya napansin ni Ana.

''Lolo!?  Oh my ged! Lolo! You're so pogi as ever talaga!''

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon