Ang saya nung pakiramdam ko. Lumambot ang puso ko sa mga sinabi sakin ni Bree. Masaya siya ng sabihin kong kapatid niya ang pinagbubuntis ko. Ang galing nga eh dahil mahigpit na yakap ang sagot niya sa akin. Nag aalala siya sa kalagayan ko kaya siya nag aalok sa bahay nila.
Bigla bigla akong nakaramadam nang sobrang saya. Bakit ganito, kapag sobrang emosyon ko ay napapaiyak nalang ako bigla at kahit anong gawin ko ay di ko mapigilan?
Mabuti nalang talaga at hindi siya nagmana sa manyakin niyang ama.
''Y - Youmie --- stop crying.''
Inirapan ko ang lalaki saka nagpunas ng mukha. Hindi naman talaga kasi ako iyakin, ewan ko lang talaga kay baby.
''Daddy nga, hwag ganyan dapat ganito --- Youmie, ssshh -- tahan na, sege ka kapag iiyak ka, papangit si baby magmamana sa kapit bahay.''
Natatawa na naman ako ngayon pero ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Pinisil ko pa ang kaniyang kamay.
''Bree sa bahay ko nalang ikaw -- masaya ako kapag nangdyan ka. Ayokong tumabi sa ama mo, mabaho at strikto. Alam mo ni minsan di ko pa nakitang ngumiti yan.''
Nang tingnan ko siya ay nahuli ko siyang nakatingin sa dibdib ko. Nisundan ko naman nang tingin iyon. Medyo lumuwa iyon kaya inayos ko. May sinasabi siya na hindi ko marinig. Bakit ba, Eh sa mainit ang panahon eh, kaya nag sando lang ako. Hindi ko na sinout yung bra kong inutang ko sa avon. Masikip na iyon na kapag sinuot ko ay para akong sinakal.
''Palangiti naman si dad --- dati.''
''Aay naku, basta sa bahay ko na ikaw tumira.''
Nagtinginan silang mag ama. Sinamaan ko nang tingin si Iba ng magtama ang mata namin. Narinig ko siyang humugot ng hininga tapos deretsong tinapunan ako nang tingin.
''You'll be staying in my house. Mas malinis doon at malaki.''
''Talaga dad?! Yey!''
Hmp! Yabangin! Malaki naman ang bahay namin ah!
---Hindi ko alam kung totoo ba to o hindi. Basta kaninang tanghali ay dumiretso na kami sa bahay nila bago siya pumunta sa trabaho niya. At ang sabi ni Bree ay dito daw ako matutulog sa kwarto ni Shiba.
Dios ko ibig sabihin nun, magtatabi kami? Hindi pa naman kami ah! Nakakahiya!
Tayo, upo anng gawa ko habang nahihintay sa pagdating niya. Alas otso palang ng gabi ay tulog na si Bree. Ako naman ay nasa kwarto na ni Iba at di mapakali.
Malaki nga ang kwarto ng lalaki, palagay ko nga ay isang boung bahay na namin ang laki nito. May sariling banyo at sofa set. Malaki ang kama na siguro ay kayang pagkasyahin ang limang tao. May malaking tv na dikit sa pader. May aparador din na pwedeng doon na magbihis. Puti ang carpet doon at napakalinis. Ilang beses ko pa ngang tiningnan ang paa ko kung malinis ba, nakakahiyang madumihan iyon ng paa ko noh.
Purong puti ang nasa loob parang doon sa kwartong nasa opisina niya. Kapag gigising siguro ako ay iisipin kong nasa langit na ako.
May teresa din sa kwarto niya. Sinubukan kong lumabas doon kanina upang silipin kung nandyan na ba siya. Malawak iyon at may dalawang halaman na maganda doon.
Ang kwarto palang ay puro tanda kung gaano siya kayaman, kung gaanong angat ang buhay niya kumpara sa akin. Kung titingnan ang labas ko ay pinikot ko lang siya para maka - apak sa lugar niya, upang makaranas nang yaman niya.
Humugot ako ng hininga saka napatingin sa orasang nasa gilid, alas dyes na ay hindi pa siya dumadating. Umiling iling ako, hinihintay ko siya pero kinakabahan ako kapag iniisip kong magkikita kami sa kwartong ito.
Napatingin ako sa napakalaking litratong nasa dingding. Ella, tumayo ako at pinakatitigan iyon. Ang ganda niya talaga. Napangiti ako sa klase nang picture niya doon. Palagay ko ay nasa dagat iyon, nakangiti siya habang nililipad nang hangin ang kaniyang buhok. Sa likod niya ay napaka gandang tanawin na may kulay asul na tubig dagat.
Ang swerte niya.
''Good evening.''
Halos mapatalon ako nang marinig ang boses na iyon.
''Tang ina naman eh! Nangugulat ka!''
Deretso siyang pumasok habang hinuhubad ang kaniya necktie,
. Napalunok ako. Di ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Seryoso? Tabi kaming matutulog? Si Bree naman kasi eh!''Gabi na, bakit gising ka pa? --''
Nasa loob siya nung aparador na malaki.
''Ganitong oras ba ay dapat gising pa ang buntis. I think you should rest.''
Napahawak ako sa dibdib ko. Di ako makasagot sa sinasabi niya.. kinakabahan nga kasi ako, paano kung --- may mangyari ulit sa amin? Wala kaming relasyon eh, tapos pa buntis ako! Ayokong magpa jer jer muna, next time na!
Nang lumabas siya ay puting t shirt at boxer shorts na ang kaniyang sout. Lihim akong nagmura. Shet!Legs palang pang himagas na! Nag angat ako nang tingin sa kaniya nang huminto ito sa harap ko.
''Have you drink your milk?''
Ang gusto ko lang gawin ngayon ay titigan lang siya hanggang sa mag umaga na. Bakit ang gwapo niya? Nakakabighani ang kaniyang gandang lalaki sa kaniyang sout. Mula kilay hanggang sa labi. Gusto kong sabay kaming matulog at amuyin lang siya hanggang sa magising ako.
Iniisip ko kung gaano kabilis ang mga nangyari ang lahat at nandito na siya sa harap ko ngayon. Kung noon ay naghintay lang ako, ngayon ay katabi ko na siya.
Nagising ang diwa ko nang pinitik niya ang kaniyang kamay sa harap ko.
Umiwas agad ako nang tingin at gusto kong maglaho sa harap niya, malamang pinagtatawanan niya na ako sa isip niya ngayon. Nakakinis, nakakahiya. Ang boba ko kasi, hindi naman ako yung taong nagpapantasya sa isang lalaki.
Bigla akong tumalikod kaniya at kumuha nang unan.
''What are you doing?''
''Dito na ako sa carpet dyan kana sa trono mo. Malinis naman siguro itong sahig---''
''No, sleep on the bed. I'll be sleeping at my office. Umuwi lang ako para e check ka at andyan na rin ang mga damit mo but since you're okay, babalik na ako.''
Tatalikod na sana siya nang pigilan ko ang kamay niya. Irita siyang nakatingin sa kamay ko. Nakangiwi akong binitiwan iyon at masamang nakatingin ulit sa kaniya.
''Aalis ka nang naka boxer lang? ''
''So?''
''Por Dios, Por Santo! Ano ka, pick up boy? Hwag kang umalis nang nakaganyan! -- hayst!''
Tumaas ang kilay niya. Ang hina din nang isang 'to! Bwesit! Hindi pwede!
''Shiba, mukha mo palang ulam na, ano nalang kung may lantarang legs pa? --- panghimagas na yun! Magpantalon ka nga!''
Nagpapadyak kong turan sa kaniya at binalik ang unan sa kama at pumwesto na nang higa.
Nakakayamot! Gwapo nga slow naman!
Ay naku, anak hwag kang magmana sa ama mong bahag ang buntot!
----
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Genel KurguTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.