Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta iyak lang ako nang iyak. Boung buhay ko ngayon lang ako nasaktan ng ganito dahil sa lalaki. Wala din naman kasi akong magawa, walang kami, inanakan niya lang naman ako di ba at ang masaklap pa ay hindi niya ako nakikita bilang ako kundi bilang dating asawa niya.
Ang sakit, akala ko ay handa na ako sa ano mang mangyari pero hindi pala. Ang sakit, umasa ako pero ang tanga ko lang kasi, bobo pa. Siya si Shiba Sean Lambert, mayaman at maraming nagkakandarapa samantalang akong si Youmie Eunice Diomampo ay isang hampas lupa na galing sa lugar ng Tondo.
Hindi pa rin maawat ang luha tumutulo galing sa mga mata ko. Lutang na lutang ang aking isip. Gusto kong makausap si Baste, naghahanap ako ng karamay pero wala akong dalang telepono. Nag iinit pa rin ang ulo ko, ang kapal naman nila. Masakit, masakit ang aking dibdib.
Hinimas himas ko ang aking tiyan nang humilab iyon. Huminto na din muna ako sa paglalakad at nagpahinga saglit. Nang tingnan ko ang paligid ay madilim doon. Nagpunas ako nang mukha saka akmang babalik sa pinanggalingan ko ng may tatlong lalaking naninigarilyong papunta sa kinaroroonan ko.
Umalsa ang kaba sa aking dibdib. Nahintatakutan akong yumuko at mahigpit na himawak sa jacket na pinatong sa aking katawan. Lalagpasan ko na sana sila nang hawakan ako sa braso nang isa. Tang ina!
''Ptang ina! Bitiwan mo ako!''
''Pre, palaban. Gusto ko 'to!'' Hiyaw nung isa.
Hindi ko sila masyadong naaaninag dahil madilim nga. Kung hindi ako buntis ay kaya ko pa silang patumbahin, kaya kong makipagsuntukan! Pero ayokong mapahamak ang baby ko, ayokong may mangyaring masama sa kaniya!
''Wallet, alahas at cellphone mo dali!'' Sigaw pa nang isa.
Nanginginig ako. Tang ina, matapang naman ako, bakit ako nakakaramdam ng ganito? Kusa ko nang ibinigay ang wallet ko.
''Sa inyo na yan, maraming laman yan. Bibigyan kopa kayo, basta pakawalan niyo na ako.''
Nanginginig ulit ang mga luha ko. Bigla akong nakadama nang takot sa mga lalaki. Dios ko, pakiusap. Tulungan mo ako.
' 'Ang tapang mo kanina pero bibigay ka rin pala! Akin na yang hikaw mo! ''
''Hindi! Hindi pwede, bigay lang sa akin ito. Ple - please.''
''Sabing tanggalin mo na yan!''
Hindi naman ako pumalag o nanlaban pero isang nakakabinging sampal ang inabot ko sa isa. Isang butil ng luha ang kumawala sa mata ko at nanginginig na tinanggal ang hikaw na iyon. Ayoko pa sanang ibigay iyon pero binunot na iyon nang lalaki sa kamay ko.
''Tang ina...'' tanging mura na sambit ko.
Wala akong nagawa. Wala akong lakas ng loob para bawiin iyon. Bigay sa akin ni Bree iyon, importante sa akin ang hikaw na yon.
Namamanhid ang tuhod at kalamnan ko kaya napaluhod ako sa mabuhanging bahagi ng daan. Gusto kong sumigaw at humingi nang tulong pero natatakot ako.
''Pre, tara na!''
Nag unahan silang tumakbo palayo habang nagtatawanan. Ilang saglit lang ay wala na sila sa paningin ko. Mabilis akong tumayo ay umalis sa madilim na lugar na yun. Nasa dibdib ko ang aking kamay habang bumabawi ng paghinga.
Maraming beses nang nangyari iyon sa akin, ngayon nga lang ako natakot at kinabahan ng ganun.
Ang malas naman ng gabing to. Broken hearted na nga hinold up pa. Ang saya noh? Gusto kong matawa pero nag uunahang luha ang kumawala sa mata ko.
Humagulhol na akong nagsimulang maglakad ulit. Siguro iniisip ng mga tao ay baliw ako. Pero wala akong pakialam.
Hindi ko alam kung anong oras na, hindi ko alam kung ilang oras akong palakad lakad sa daan. At hindi ko rin alam kung nakauwi na ba ang lalaki sa bahay niya.
Napagdesisyonan kong magpapa alam na sa mag ama. Ako ang iiwas para hindi na masaktan ulit. Akala ko handa na ako pero, lintik na pag ibig yan! Kontento naman na ako sa baby na nasa sinapupunan ko. Siya lang ay sapat na. Susunod ako kay lola sa Leyte, pinal na ang desisyon kong yun.
Napatingala ako sa bahay na nasa harap ko. Ramdam na ramdam ko ang pawis at luha na lumagkit sa aking mukha. Pagod na pagod akong pumasok sa maliit na gate, natitigilan pa ako nang kumirot ang puson ko. Pumikit ako nang mariin saka hinilot iyon nang marahan. Bakit ang sakit?
Dios ko! Dugo! May dugo!
-----
An/
Paalala :
Ako po ay isang baguhan lamang sa mga pagsusulat dito. Asahan po ang mali maling gawa at minsan ay kulang/sobra pa.
Ngunit/datapwat lubos ko pong tatanggapin ang inyong suhestyon at opinyon.
Maraming salamat po!
- atebatch
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.