Limang taon.
Limang taon ang mabilis na lumipas. Limang taon pero nanatili pa ring tulog si Youmie. Limang taon kaming nag abang sa paggising niya pero sa limang taon na yun ay palagi kaming bigo. Limang taon akong nanalangin na sana, sana magising na siya dahil hindi niya na nakikita ang paglaki ng anak namin. Hindi niya nakikita na hanggang ngayon ay sising sisi pa rin sa sarili si Bree.
Umuwi kami ng Pilipinas pagkatapos ng isang taong hindi pa rin siya magising. Magaling na ang sugat niya sa mukha. Mahaba na rin ang buhok niya. Wala ng mga tubong nakakabit sa kaniyang katawan. Normal ang status ng kaniyang vitals at tibok ng kaniyang puso. At kahit maputla ang kulay niya ay may improvement naman.
Dahil sa lakas nang impact sa pagkakadisgrasya niya ay pati ang iba't ibang bahagi nang kanyang utak ay apektado.
Olovia was on jail. Tatlong taon bago namin nalaman na siya ang may pakana sa nangyari kay Youmie. I loathe her. Ilang sampal din ang ginawa ko sa kaniya. She's gone crazy. Dahil sa selos ay nagawa niya daw iyon. Bullshit! Dahil sa ginawa niya, I almost lost again the special person in my life.
Thiago is now five and he's always on the side of her mom lalo na kapag galing sa school. Palagi naman ang kwento nang lahat tungkol sa ina niyang matagal nang tulog. He's excited to meet her mom.
Pagkatapos din nang aksidente ay huminto na ako sa pamamahala sa kompanya. It's all on Lorvin and Gleda's hand. Ako na ang nag aalaga at naging personal doctor ni Youmie.
Nasa kina tita Yuri kami, step sister ni dad. May bahay kasi si dad dito sa Tarlac at dito na kami namalagi mula nang maka uwi kami. Youmie needs a fresh air, yung hindi maingay na lugar.
Yung hindi alam ni Olivia.
Tita Eurika is a nurse at siya ang kasama kong nag aalaga kay Youmie. She had a twin, Benidict and Bienvinido. Parehas silang nasa larangan nang pagsusundalo kaya mi - minsan lang silang nakalagi dito sa bahay nilay.
The ancestral house was big, it has twelve rooms. At nandoon yung larawan nina lola Melba at Lolo Bert.
''Daddy, get some sleep. Ako na po ang magbabantay kay mommy.''
Ginulo ko ang buhok ni Thiago at kinandong. Saka naman pumasok si Bree, she was all as smile.
''Dad! dumating si tito Bein. He was asking you to go out at mag inom daw po noong lambanog! Good evening Youmie, how are you?''
Pinupog niya nang halik sa mukha si Youmie at kinuha si Thiago sa akin.
''Masaya ikaw ate?''
''Kuh! Nandyan si tito Bein! Ang gwapo! Kaka shave niya lang.''
Umiling iling ako. Dalaga na nga ang panganay ko.
''He's your uncle.'' Sabi ko pang tumayo na.
''Dad! Hindi naman siya eh, yung kasama niya! Dad, payagan mo na kasi akong mag boyfriend!''
Pinanliitan ko siya nang mata. Bigla ay nakadama ako nang irita. Dalaga na nga siya pero bata pa rin.
''No.''
''Daddy nga! Dalaga na ako! Di ba nga Youmie? Papayag ka naman di ba?''
The next thing happened shook my whole being. Bigla kaming natahimik nang tingnan namin ang pinaghigaan ni Youmie.
''Oh my god!'' Sigaw ni Bree. ''Oh my god!''
She's awake!! Youmie is awake!
Naka upo lang siyang nakatingin sa kawalan. Nakatulala siya at kahit kami ay natulala din sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.