Ilang sampal at sabunot ba ang natanggap ko sa babaeng 'to? Namamanhid na ang mukha ko at may nalalasan na akong dugo sa loob nang aking bibig. May dumadaloy na rin na dugo sa gilid nang aking mata. Iniisip ko ngang dapat pinatay nalang nila ako. Pero halakhak at tawanan ang rinig ko sa mga lalaking naglalakihan ang katawan sa paligid.
Bigla ay naagaw ang atensyon nang lahat sa isang putok nang baril. Nakakabingi. Ang sakit sa tenga. Laking Tondo ako at sanay na ako sa mga galawang ganito. Minsan pa nga ay shotgun pa ang gamit nang mga taong taga sa amin laban sa iba't - ibang grupo. Pero tila nanlalambot ako sa tuwing nakakarinig ako nang putok nang baril.
''Via! P*tang ina! Na corner tayo!''
Bigla ako lumipad ang tingin ko sa babaeng napalitan nang kaba ang kaninang nakangisi sa akin.
''No! Hindi nila pwedeng makuha ang babaeng ito!''
Napaluha ulit ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking buhok. Wala akong lakas para lumaban. Nanatili akong umiiyak at humihiling na sana walang masamang mangyari sa anak ko sa loob nang aking tyan.
Isang napakalas nang kalampag ang tumunog at mga armadong lalaki ang di ko na halos maaninag ang nalingunan ko. Nasa pito ang naroroon at nang ilibot ko ang aking paningin ay palagay koy isa sa kanila si Iba.
Lalo akong nakaramdam nang takot nang hinila ako nang babae lahit nakatali pa ang aking kamay sa likod at tinutok sa aking sentido ang baril. Nanginginig ako. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko habang lumuluha.
''I - Iba...'' bulong ko sa hangin.
Matinding kirot ang naramdaman ko sa aking puson. Dios ko! --- Mga putukan nang baril ang sunod kong narinig. Humigpit naman ng hawak nang babae sa buhok ko. Napaigik ako at umiyak nalang.
May alala na ako, dalawang buwan ko din itong hinintay pero hanggang dito nalang ba ito? Mamamatay na ba ako?
Napikit ako nang maramdaman ang likidong dumaloy sa pagitan nang aking hita. Humagulhol na ako dahil sa tindi nang emosyon.
''Sege! Subukan niyong lumapit! Damn you, Sean! Di ba sabi ko sa'yo, pakasalan mo ako! P*ta!''
Diniin niya pang lalo ang baril sa gilid nang ulo ko pero napaluhod na ako. Nanghihina at pagod na pagod na ako.
''Youmie!!''
''Fine, Via! Papakasalan kita! Just let her go -- papakasalan kita kahit kailan -- kahit saan.''
Pilit kong iniangat ang aking tingin kay Iba. May luha at bakas nang lungkot ang kaniyang mukha. Lalo akong nanlambot, gusto ko nang magpahinga.
''Really?! Haha! Do you love me? Oh my god! ''
Bigla akong binitiwan nang babae kaya pabagsak akong napaluhod. Nandidilim na ang paningin ko. Wala na akong lakas para tapunan pa sila nang tingin. Pero bago pa ako tulutang mawalan nang malay ay ilang putok nang baril ulit ang narinig ko.
---
Ang sakit nang katawan ko nang magising ako. Alam kong nasa ospital ako at mula sa kinahihigaan ko ay tanaw kong natutulog ang mga bata, yakap yakap ni Bree ang kapatid niya. Nang ilibot ko pa ang aking paningin ay si iba ang naulalingan ko. Pagod ang mukha niya habang nakaupo sa silyang nasa gilid ko, nakapikit.
Kaya sa huli ay napatitig nalang ako sa kisame at lumuluhang iniisip ang nangyari.
Wala na ang bunso ko. Bakit nangyari ang lahat nang 'to sa buhay ko?
''Youmie --- sshh.''
Napatingin ako kay Iba nang halikan niya ako sa noo.
''Ang baby?'' Kahit papaano ay may pag asa akong gustong isipin.
Umiling si Iba kaya lalo akong humagulhol. Ang sakit pala, sobrang sakit. Iyak ako nang iyak habang yakap na ni Iba. Magdadalawang buwan na sana siya pero wala, nawala pa.
''Mommy..'' si Thiago iyon.
Kumalas ako kay Iba at tinitigan ang batang iyon. Maang siyang nakatingin sa akin habang dala dala ang dede nito. Manang mana siya kay Iba, matangos ang ilong at mapula ang labi. Kaya nga lang pati pagsalubong nang kilay ni Iba ay kuhang kuha nang bata.
''Baby T.. ang laki na nang baby ko..'' inabot ko ang mukha niya.
''You - You remembered?''
Kahit papano ay ngumiti ako at tumango.
''Oh god!''
Mabilis niya akong hinagkan at inakap ulit. Gumaan ang pakiramdam ko.
''Y - Youmie..''
Si Bree iyon at bakas ang lungkot sa kaniyang mukha kay nginitian ko na din siya at sinenyasang lumapit. Nakasimangot naman siyang lumapit sa akin.
''Gusto ko, mommy na rin ang tawag mo sa akin. Magkamukha naman tayo di ba?''
Umaliwalas ang kaniyang mukha at hinalikan din ako sa pisngi.
''Oh my god! Mommy!''
Sa lagay namin ay napakasayang mag anak namin. Sana hanggang wakas ay ganito kasaya. Kung nay dumating man na problema ay magkasama at hawak kamay naming haharapin ni Iba.
Pero, paano kung bumalik ulit si Olivia? Paano kung pati ang mga bata ay idadamay niya na?
---
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Fiction généraleTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.