Yeah, I think it is time for him para tumulong na sa kompanya. Lorvin was in business related while I'm not. He was a cool and happy go lucky guy na alam kong mahihirapan sa unang sabak sa kompanya. He deserved the best in this company.
Nabigla ako nang bumukas ang elevator, Miss Diomampo was there. She was with her uniform and she's- i think waiting for me. Umiling ako nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Her smile was really like Ella and it hurt me to the fact na nakikita ko sa kaniya ang mahal kong asawa.
"Good morning Sir!" Nakangiti niyang sabi. She's always hype, huh?
Pero hindi ko siya pinansin nang madaanan ko siya papasok sa office ko. Sumunod siyang pumasok na lalong nagpapainit nang ulo ko.
"Your job is done, miss Diomampo. Look for miss Glenda for ---"
"Sir, naman eh. Hindi ko naman kasi alam na ganoon ka." Alanganin siyang ngumisi.
"Promise ako lang ang makaka alam nang sekretong yun, pero please sir, hwag mo naman akong tanggalan agad nang trabaho, please." Dagdag niya pa.
Nakunot ang noo ko sa kung anong ibig niyang sabihin. I don't know what she's talking about. It made me confused. Pinanliitan ko siya nang mata at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
Umayos siya nang tayo sa harap ko saka pinamulsa ang mga kamay.
"Sus, si sir --- Alam ko na yang sekreto mo." She bent her head and whispered. "Bading ka di ba? Aminin mo na. --- You can trust me." Mas lalong lumawak ang ngisi niya.
"What?!" uminit ang tenga ko sa narinig. Parang gusto kong sumabog. Ang sarap manapak.
Mabilis kong itinuro ang pinto. Napipikon na ako sa kaniya. She has no rights to talk to me like that. She's not even a friend! Damn!
"Get out."
"Pero sir, hindi naman po ako tsismosa --- "
"I said, get out!" sigaw ko sa kaniya.
Kumaripas siya ng tumakbo palabas.
"How come, dumadami na ang bobo nowadays!" pabagsak akong naupo sa upuan ko habang hinihilot ang aking sentido.
Ang aga pa, pero sira na agad ang araw ko. How can she say na bading ako? Napahilamos ko ang aking kamay sa mukha ko.
Bakit ko ba siya tinanggap sa kompanyang ito?
I sigh. I used to call 'bobo' to Ella in our days. Huminga ulit ako nang malalim, ayokong aminin sa sarili kong nakikita ko sa kanya si Ella.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Si Glenda ang pumasok.
"Sir, naghihintay na po sa inyo ang board."
Tumango ako at umalis na siya. Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas at nandoon pa rin si Miss Diomampo.
"Sir, sorry na.." malungkot ang mukha niya.
"Do you know my name?" Biglang kong tanong.
Natigilan siya at napangiwi. Napakamot pa ito nang batok.
"See? Ni hindi mo ako kilala miss Diomampo, so don't talk to me like you know me well. And as what I've told you earlier, your job as my driver is done. Kausapin mo na si Glenda kung saan ka i - aasign."
I walked out.
"Talaga sir? Naku salamat po!" Nakasunod pa rin siya sakin at halata sa boses nito ang saya.
I just rolled my eyes into her at di na siya pinansin. Her presence makes my feelings abnormal.
---------
Ang hirap intindihin ng taong to eh. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang haba ng pasensya ko sa kaniya. Maaga akong nagising at inabangan ko siya ng tatlong oras sa labas ng opisina niya.Kung kagabi ay iniwan niya akong mag isa sa ere, ngayon naman ay di niya ako kinakausap. Ano ba naman yung tanungin ko yung sekreto niya. Hindi nga naman kasi ako tsismosa.
Aba! ayoko rin namang mawalan ng trabaho agad. Gusto ko pang e - drive yung magara niyang kotse! Humingi naman na ako nang sorry. Kakainis!
Pilit ko siyang sinusundan at kinakausap. Palayasin ba naman ako sa loob nang office niya? Ang tindi! Ang tigas! At ang sarap tuliin ng isang to! Hindi ko alam kong saan ang punta niya. Maaga pa naman para bumaba sa siya mula sa trono niya.
"Sir.." pangungulit ko pa sa kaniya habang nakasunod. Shet kailangan ko pa palang malaman ang name niya.
Pero laking gulat ko nang masigabong palakapakan ang sumalubong sa amin. Maraming tao ang nasa gitna. Ang mga trabahante iyon ay nasa harap nang maliit na stage.
"Stop following me, bobo." Huling sabi niya bago tuluyan pumunta sa stage.
Sinamangutan ko siya. Masasanay din ako sa kaniya. Sa boung buhay ko siya palang ang nakapagsasabing bobo ako!
"Good morning everyone! We would like to ask apologies for this urgent meeting." Natigilan ako ng magsalita sa gitna yung isang babae. Maganda ito, halatang mayaman. May kasama siyang mayayaman ang dating sa gitna at nandoon na din si Sir.
"Hindi na po namin ito patatagalin at gusto naming ipakilala sa inyo ang bagong Deputy General Manager. Let us all welcome, Lord Lorvin Mendez."
Nanlaki ang mata ko nang mapagsino ang tinutukoy nito. Hinanap agad nang aking paningin ang lalaki.
"Si Batman." Sabi ko pang natitigilan.
Lumakad itong may shades pa at nangingiti. Kinindatan niya ako na mas lalong nagpalaglag nang panga ko, ang gwapo niya, oh my goodness!
Ang sarap niya.
----------
-----
Abangan:
10 Shiba Sean vs. Lord Lorvin
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.