Chapter two- argue
Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip sa mga sinabi ni Shenny.
Walang kami. Lintik na walang kami. Tama naman siya e. Ang tanga ko. I just gave my first time to the person who doesn't love me nor like me.
Ang sakit lang sa tenga . Hindi ko maintindihan kung bakit noong sinabi niya iyon sa akin ay parang biglang nanliit ako sa aking sarili. Para bang ako ay isang mababang uri ng tao. Para bang ughh ang tanga ko talaga.
Agad akong naligo dahil maaga ang aking duty ngayun. Naabutan ko si kuya Aldrich na nanonood ng CNN sa sala.
Naalala ko bigla na same time ang duty namin ngayun nina Laura at Shenny. Ti-next ko sila at sinabihan ng sunduin nila ako. Siguro ay hindi sasama si Shenny dahil masama ang kanyang loob sa akin.
"Kuya, ang aga pa ah" Sabi ko sa kanya. Hindi lang kasi ako sanay na umagang gumigising si kuya. I used to see him waking up at least 10 to 11 am.
Tumango siya at saka itinuro ang aming TV. Agad naman akong napatingin sa TV
"Anong meron?" Tanong ko. Hindi rin ako sanay na nanonood si kuya ng TV ng ganito kaaga.
"Interview kasi ngayun ni Pilot Regonza. 'yung sikat na pilot sa airline niyo bunso" Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan niya ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Bakas ang pagtataka sa hitsura ni Kuya sa reaksyon ko.
"Okay ka lang bunso?" Tanong niya. Hindi ko pa makuhang sumagot ng maayos.
Bakit nasa CNN siya? Agad akong napatingin sa malaking TV namin at hindi ko kayang hindi tignan ang kanyang hitsura.
"Tungkol saan ang interview niya?" Tanong ko. Bakit siya nasa CNN? Para saan ang interview niya? Diba ayaw niya ng ganyan? Ugh! ang daming tanong sa utak ko na gusto kung itanong sa kuya ko. Pero hindi eto mailabas sa bibig ko.
"About modeling ata e. Top 10 professional hot models kasi ang nakalagay o" Sabi niya saka itinuro ang TV. Tama si kuya. It is all about modelling. Iyan nga 'yung nabanggit ni Laura sa akin noong nakaraang linggo. Ngayun pala gaganapin.
Hindi ko maiaalis ang mga titig ko sa TV. Habang ini-interview siya, panay naman ang tilian ng mga audience sa TV. Ganyan na ba siya ka gwapo. Para umabot pa siya sa CNN. Pati ang host ay hindi maka concentrate sa pag e-interview sa kanila/kanya. Naroon pa si Tycoon Rash Salvanto, iyung sikat na hot model and at the same time nurse sa prestigious hospital sa london.
"Oh, baka ma late ka bunso. Maligo ka na" Bigla akong natauhan ng sinabi 'yun ni kuya. Wala sa sariling katinuan ay tumayo ako at tumungo agad sa kwarto ko upang kunin ang aking tuwalya at ng makaligo na.
Naka uniporme na ako at inaayos ko pa ang buhok ko ng makarinig ako ng maingay na boses sa ibaba. Marahan kung inayos ang maleta ko at hinawakan ang holder nito at kinaladkan na pababa.
Hindi ko inaasahan na makikita ko si Shenny dito. Ang akala ko ay si Laura lang ang makikita ko. Nakasuot si Laura ng uniporme na kasya lang sa kanya. Bagay eto sa kanya kasi matangkad siya at morena. Samantalang ganun rin ang suot ni Shenny.
"Goodmorning Maes" Maingay na bulalas ni Laura. Tumango ako at ngumiti.
"Good morning din." Sabi ko. Nanatili akong nakatitig kay Shenny. Panay pa ang iwas niya ng tingin sa akin. Alam kung awkward pero bakit pa siya nandito kung hindi niya lang din naman ako papansinin?
Siniko siya ni Laura kaya siya napatingin sa akin.
"Goodmorning Maes" Mahinang sabi niya. Ngumiti ako at tumango. Siguro kung wala si Laura ay hindi 'yan pupunta dito.