Kabanata 9

20.4K 164 9
                                        

Chapter 9- Gulo

Halos hindi ko maintindihan kong ano na ba ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong kahit anong maramdaman sa katawan ko. Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tumayo ako at agad na nagtulala sa kawalan. What does it mean? Ano ba ang kahulugan ng letratong 'yon. Sadyang nanghina ako sa nakita ko.

Biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Walang pag aalinlangang binuksan ko ang pinto. Nakita ko sa harapan ko si Kuya na nakangiti sa akin.

"Kuya? Ba-bakit?" tanong ko.

"Oh bunso? Nagkita na ba kayo ni Zelly?" Tanong niya

Huminga ako ng malalim. Umiling at ngumiti

"H-hindi pa kuya, ka-kasi.." Kumunot ang noo ni kuya dahil sa pagsasalita ko

"May problema ka ba bunso?" Tanong ni Kuya sa akin saka agad niyang kinapa ang aking noo.

"Wa-wala naman kuya" sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngayon.

"Bakit ka ba na uutal?" tanong niya

Umiling ako saka agad na tumalikod.

"Sige na kuya, magpapahinga na muna ako sandali. Mamaya nalang tayo mag usap" sabi ko saka agad na isinarado ang pinto. Huminga ako ng malalim at nag facebook ulit. Para akong sinasakal sa picture na post ni Zelly. Bakit ba ako naapektuhan ng ganito. Bakit ba?

Napatitig ako sa picture kung saan sobrang saya nilang dalawa.

Sa sobrang pag iisip ay hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako. Pag gising ko ay madilim na sa labas. Nuuhaw ako kaya pumunta muna ako sa kusina. Sobrang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zelly na nakaupo sa sofa habang busy sa cellphone niya.

"Zell-" sabi ko

"Maes" masiglang bati biya sa akin habang nasa hagdanan palang ako.

"Zelly" Sabi ko.

Shit!

Niyakap niya ako saka agad niya akong nginitian ng pagka tamis tamis

"I miss you Maes" sabi niya sa akin saka ako hinalikan sa cheeks.

Ngumiti lang ako saka agad ba napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda niya talaga. Mas lalo siyang gumaganda.

"I miss y-you too Zel" Sabi ko saka agad rin siyang hinalikan sa pisngi.

"Napauwi ka?" tanong ko sa kanya.

Biglang nag iba ang kanyang hitsura.

"Kas-kasi" aniya. Biglang bagbago ang kanyang ekspresyon.

"Ay Maes! May ipapakilala pala ako sa'yo bukas." sabi niya dahilan para kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib.

"Ipapakilala?" tanong ko

Tumango siya at ngumiti

"He's my boyfriend Maes, and yeah ipapakilala ko siya sa'yo" Sabi niya saka excited akong hinila papunta sa sofa. Umupo kami ng sabay.

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Tomorrow night, may date kasi kami. And i am inviting you to come with us. Alam mo na, we've been together since last two years ago, but lagi kaming nag hihiwalay tapos balikan nanaman. Alam mo na, but i do —i do really love him" Sabi niya dahilan para mas kumabog lalo ang dibdib ko. Shit parang sinasakal na ako dito. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Kung ano ang gagawin ko, kong ano ang itatanong ko, kong ano ang e rereact ko.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon