Chapter 21- Just a shirt
Masayang masaya sila habang nag si-swimming. Sobrang saya nila sa kanilang ginagawa. Ang sarap nilang tignan lahat
Sa sobrang yaman nina Vince, bakit kaya hindi nalang nila bilhin ang resort na eto. Ha ha ha
"Maes" Napalingon ang lahat ng sumigaw si Shenny habang ikinakaway ang kanyang kamay. Tumango ako sa kanya. Ang sarap niya ring suntukin e ano. Ang hilig niya talagang ipahiya ako. Napatingin tuloy ang ibang tao sa akin dahil sa pag sigaw niya. Kumunot ang noo ni Vince habang nakatingin sa akin. Bakit kaya?
Bakit iba ang kanilang hitsura habang nakatingin sa akin. What's with me again?
Lumapit ako sa kanila. Nakita ko na bumulong si Rence kay Rodel. Si Christian naman ay naka smirked. Samantalang si Joey ay ngumiti sa akin.
"H-hi" Awkward kung sinabi sa kanila.
Ngunit sa kanilang lahat ay walang kahit na isa ang nagsalita. Si Laura lang ang naglakas ng loob na lapitan ako. Even Vince, ay hindi nagawa iyon. Bakit kaya ganito ang kanilang reaksiyon? Ano kayang meron.
"Maes, hali ka nga dito" Sabi ni Laura saka ako hinila palayo doon.
Gusto ko sana silang lingonin ngunit nahihiya ako.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ko. Napasapo ang palad niya sa kanyang noo. Nakapamewang pa ang isang kamay niya.
"Hay naku!" Kinuha niya ang cellphone niya saka ibinigay sa akin.
"Since, hindi uso ang salamin sa'yo. Iyan. Manalamin ka" Sabi niya. Nagulat ako saka agad na nanalamin gamit ang cellphone niya.
Halos hindi ako makapaniwala sa suot ko. Bakit ko suot eto? Halos hindi ko alam ang gaggawin ko. Ang tanga ko talaga. Gaga.
"Oh ano?" Tanong ni Laura.
"Hala! Kaya pala!" Sabi ko saka napatakip ng bibig. At worst ay nakita pa ni Zelly ang t shirt ni Pilot na suot suot ko.
"Sosyal ka din e. May print pa talaga sa likuran. Ang lakas maka Regonza" Sarkastikong sabi niya.
"Hindi ko talaga napansin" Sabi ko.
Umsimid siya. Tumaas ang kilay niya
"Sino nag suot sa'yo niyan? Si Philjay ba?" Tanong niya
Umiling ako. Saka ngumiti.
"Ahh ehh. Ako" Bobo kong sagot. Ang tanga ko talaga.
"Gaga" Sabi niya
"Paano na eto?" tanong ko
"Nakita mo ba ang hitsura ni Vince?" tanong niya. Kaya pala mukhang hindi siya makapaniwala kanina nung nakita niya ako. Napa face palm ako saka ibinalik sa kanya ang kanyang cellphone.
"Promise, hindi ko talaga na notice na suot ko pala eto" Sabi ko.
"So? Ang tanong ko ay nakita mo ba ang reaction ni Vince kanina?" Tanong niya.
Tumango lamang ako.
"Oo" Sabi ko.
"Ganun naman pala e." Sabi niya.
Yumuko ako. How stupid i was. Ayaw kung masira ang araw ni Vince dahil birthday niya pero wala na. Wasak na. Tang ina! Ang gaga ko talaga.
Agad akong tumungo sa kung saan naroroon sina Vince. Ang kanina na sobrang saya ay napalitan ng pagmumukmok ng mga tao. Ayan na Maes. Ng dahil sa katangahan mo! Sana may natutunan ka.
"Vince" Tawag ko kay Vince na ngayun ay naka upo sa isang bench habang nakahawak ng isang basong fresh buko.
Napalingon siya sa akin. Shit! Ano ba naman etong nagawa ko. Panay pa ang tingin ng mga kaibigan niya sa akin. Oo na! Ako na ang tanga.