Chapter seventeen- Gensan
Maes' PoV
Hindi na ako nagdalawang isip pa na gumising ng maaga kahit alas 4 na ako ng madaling araw nakatulog. May flight kami at gustong gusto ko nang malaman kung magkaano ano ba sina Vince at Philjay.
Habang naliligo ako hindi ko maalis sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. That was very too long enough para isipin ko pa ang lahat.
Kagabi ko pa nga lang nakilala si Vince, pero para bang sobrang lapit na namin sa isa't isa. Sounds creepy nga naman.
Nakita ko si kuya sa baba na may kausap sa telepono. Pero para bang may nagtulak sa akin na makinig sa mga sinabi niya.
"Zelly, it was just mistake" Si Zelly ang kausap niya? Agad akong ginapangan ng kaba. "Listen. Listen carefully ganito kasi 'yan" Suminghap ako upang handa ng makinig. "Zelly? Hello?" Napapikit si kuya. What the fuck! Kung kailan exciting na ang part e.
"Shit" Mura ni kuya saka padabog na inilagay ang telepono.
Bumaba ako habang dala dala ang aking troley.
"Sino ang kausap mo kuya?" Tanong ko. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata na tila hindi makapaniwala ng makita ako.
"Ka-kanina ka pa ba diyan?" Natatarantang tanong ni kuya na siyang ipinagtaka ko. Kumunot ang aking noo.
"Bakit kuya?" Tanong ko dahil sa pagtataka.
Natatarantanta talaga si kuya and it's obviously this time dahil it is unusual. Kalmado lage si kuya in terms of talking to me. But ngayun, it seems like somethings going wrong. May problema kaya siya?
"Wa-wala" Agad niya akong tinalikuran na siyang ikinagulat ko.
"kuya" Tawag ko sa kanya. Nakakapagtaka talaga. Bakit kaya siya ganun.
Iwinala ko nalang sa aking isipan ang inasta ni kuya. As we eat in the table, i talk to him casually like we used to be. Para kasing may itinatago si kuya. We were closed since then, every secrets that he has, alam ko lahat. But now. Wala talaga akong ideya.
Iniwasan ko na munang pag usapan ang tungkol sa nangyari kanina. But suddenly, i have seen a different aura of kuya right now. Para bang may gusto siyang sabihin na ayaw niya pang sabihin. Parang gusto niya nang sabihin pero hesitant siya.
"Kuya, may duty ka ba ngayun?" I asked him randomly. Baka kasi kapag itanong ko na naman ulit sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina ay baka mawalan pa siya ng gana.
Tumango lamang siya which is nakapagtataka.
"Okay ka lang kuya?" Tumango lang ulit siya. Una siyang tumayo ng tapos na kaming kumain dalawa.
"Yaya please clean this nalang po ha. So tara, hatid na kita sa airline niyo" Aniya kahit manginig nginig pa ang kanyang boses. Nandito na pala ang yaya namin. Salamat naman.
Kahit aayaw ako dahil alam ko namang kinakabahan si kuya e tumango nalang ako baka mainis pa si kuya sa akin e.
"Okay" Sabi ko saka kinuha na ang aking trolley.
Habang nasa kotse kami, since wala naman kaming pinag uusapan ni kuya ay kinuha ko nalang ang aking cellphone. The usual. I have a lot of unread messages.
Shenny.
-Bes. Nasaan ka na?Shenny.
-Una na kami sa airlineLaura.
-May duty kayo ngayun?Laura.
-Bakit iba ang schedule ko sa inyo?Vince Z.
-Goodmorning :*Vince Z.
-Hi Ms. FA. Nasa airline ka na ba?
