Chapter 38- I fall apart
MAES
Pumasok nalang bigla sa utak ko ang hitsura at ang pangalan ni Cyde. Mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Stop it" sabi ko saka ko siya itinulak palayo. The guilt is killing me so hard. Ayaw ko nito kung mauulit ang nangyari kagabi mas lalala lang ang sitwasyon. Ayaw kong saktan si Cyde. Ayaw kong saktan siya nang paulit ulit though alam kong nasaktan ko na siya through cheating.
"Si Cyde.." sabi ko bago napaiyak ng sobra
Nakita ko ang pag smirked niya saka niya sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang palad.
He sighed
"Philjay, may boyfriend ako. Ayaw ko siyang saktan.Philjay." Sabi ko habang hinahawakan ang temple ng ulo ko. Panay ang pagtulo ng luha ko dahil sa kasalanan ko kay Cyde. It hurts.
Nag igting ang kanyang bagang saka nag smirked muli
"Itigil mo na 'to" sabi ko. Pero tumataas na ang tono ng boses ko
"Bakit Maes? Hindi ako bobo para hindi ko malaman na may nararamdaman ka pa rin para sa akin dahil kung hindi mo na ako mahal, hindi ka papayag sa ginawa ko sa'yo. I tested you and i succesfully found the answer-" napahinto siya ng nakita niya ang luha ko
Mahal ko pa ba talaga siya? Tama siya. Ginusto ko ang nangyari kagabi and the reason kung bakit ako pumayag na may mangyari sa amin is dahil may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Pero how comes? Despite sa pananakit niya may natitira pa rin akong pagmamahal sa kanya. What? Pagmamahal? Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero oo. Mahal ko pa siya. Ayaw kong masaktan si Cyde kaya hindi pwedeng malaman niya na mahal ko pa siya
"Huh? Before anything else Philjay. Tanongin mo muna ako kung tama ba ang kutob mo" sabi ko despite of my shaking nerves. "Do you think na gusto pa rin kita until now?" Umarte ako na tumawa ako ng malakas. Pero ang totoo ay sobrang kaba na ng dibdib ko
"Come on! I used to liberate myself since nakilala kita. Don't you think na baka namiss ko lang 'yang katawan mo--" nilapitan ko siya. What the fuck. I have to tell a lie "Cyde? You? Ang layo mo sa kanya. Walang wala ka sa kanya. Bakit pa ako babalik sa'yo? E tapos na kitang iyakan at pagsawaan. Ayaw ko nang maulit ang meron tayo noon. Cyde? He's too independent and good at handling relationship. Unlike you, walang alam kundi ang maglaro. Hindi na tayo bata Philjay, think critically kung nasa puder mo ako. Wala tayong patutunguhan"
Kinuha ko ang cellphone ko saka ako tumalikod at naglakad papalabas ng kwarto. Napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.
"I don't believe you. I know you're deceptive. I doubt about everything you've said" Aniya. Nilingon ko siya
"Go doubt. I don't care." Sabi ko saka tuluyang lumabas sa kwarto. Pero bago ako tuluyang nakalabas narinig ko ang sinabi niya
"Sa paglabas mo dito, eto ang senyales na mapapasakin ka" Napalingon ako pero hindi ko iyon pinansin.
Nakita ko sa sala ang mag asawang Zergova. Napangiti si Vince sa akin
Ngumiti ako kahit triggered ako sa sagutan namin ni Philjay
"Uuwi ka na?" ani Andie.
Tumango ako saka umiwas ng tingin kay Vince
"Oo Andie. Hinahanap na kasi ako sa amin e" sabi ko.
"okay" aniya saka may hinahanap siya sa likuran ko
"Nasaan si PJ?" tanong niya. Ngumiti lamang ako saka ako nagsalita
"Mauuna na ako" sabi ko saka direktang lumabas. Hindi na ako lumingon pa.
Habang nasa loob ako ng elevator lutang na lutang ako at wala akong ganang maglakad. Wala rin akong ganang makipag usap hanggang sa nakarating ako sa bahay. I saw Cyde, Jake, Shenny and Laura sa sala. Lahat sila nakatingin sa akin. As of now i want to die. Ako lang ba 'tong guilty o sadyang ganyan lang talaga sila makatitig.