Kabanata 5

31K 212 25
                                        

Chapter five- Fuckboy

Hindi ko maalis ang mapang akit kung ngiti sa aking labi. Bakit kaya siya umaarte ng ganito? Kinagat ko ang labi ko habang iniisip ang isang ideyang naglalaro sa aking isipan ngayun. Oh dude!

"Bakit ka ba niya niyakap?" Tanong niya ulit.

Nag igting ang kanyang bagang na para bang gustong gusto niya ng malaman kung sino ang lalaking yumakap sa akin kanina. At ang rason kung bakit ako niyakap ni Jake kanina. Gustong gusto kong tumawa, ngumiti, sumigaw. Dahil pakiramdam ko parang mag on kami, dahil sa inaasal niya ngayun.

Hindi ko talaga ma explain kung ano ba etong nararamdaman ko. Ayaw kung umasa na totoo ang hinala ko pero meron talagang nag uudyok sa akin na paniwalaan ko lang ang ideyang nasa utak ko ngayun.

Hinilamos niya ang mukha niya gamit ang kanyang palad. Oh shit. Bakit ba naiirita siya. Na aanoy talaga siya ngayun. Ang cute niyang tignan.

"Si Jake 'yun okay?" Sabi ko. Kinagat niya ang labi niya at nilapitan niya ako at ikinulong sa kanyang magkabilang braso.

"Oo kilala ko si Jake. Ang tanong ko ay bakit ka niya niyakap?" Diin niya . Halos hindi ako makahinga dahil sa agwat naming dalawa ngayun. Siguro ay mga nasa one inch nalang ang agwat namin ngayun. Konting galaw ko nalang ay magdidikit na ang aming mga labi. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya.

Ang aking ngiting ipinapakita sa kanya kanina ay napalitan ng pangangamba. Baka may mangyari na naman sa amin. At worst ay nasa public CR pa naman kami.

"Kaibigan ko lang si Jake" Sabi ko sa mahinanahong boses. Ngunit nanginginig eto.

Napasinghap siya sa sinabi ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang ekspresyon. Nag iigting pa rin ang kanyang panga. Napapikit siya at inilapit niya ang kanyang bibig sa aking balikat. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga dito.

Ako na ngayun ang napalunok sa ginawa niya. Hindi 'to dapat mangyari. I should be the one who avoid this kind of situation, kasi ako ang nangako sa aking sarili na hinding hindi ko na ulit gagawin ang ginawa kung pagpayag na may mangyari sa amin. I promised myself that before we enter the sex thingy we should verify our status. From now on I need to know what we are before i let him touch me again.

Dapat ay bigyan ko ng respeto ang aking sarili. Siguro ay nadala lamang ako sa nangyari noong nasa loob kami ng eroplano. Nadala ako sa alcohol na ininom ko. Ngayung hindi ako nakainom dapat ay ako ang kusang aayaw.

"Kaibigan mo rin ako" Nagulat ako ng sinabi niya iyun. Parang may kung ano akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano pero parang nawala ako sa mood.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Ganun pa rin ang aming posisyon. Ang kanyang dalawang kamay ay ikinukulong ako. At ang kanyang mukha ay nandoon parin sa aking balikat.

"What do you mean?" pag uulit ko sa tanong. Hindi siya nakasagot. Merong isang ideya ang sumagi sa isip ko.

"I said what do you mean?" Tanong ko ulit, pilit kung kinakalma ang aking sarili. Dapat ba ay magalit ako o matuwa. Magalit, dahil iba ang nasa isip niya o matuwa, dahil nag seselos siya? Hindi ko siya maintindihan.

"Kaibigan mo siya diba? So? Ginagawa niyo rin ba ang ginagawa natin?" Parang kumirot ang dibdib ko sa tanong niya. Parang ipinapamukha niya sa akin na ang dami kung lalaki. Parang may iba siyang ipinapahiwatig. Hinarap niya ako at inalis niya ang kanyang magkabilang kamay sa gilid ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko, this shouldn't be happening right now.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko. Umaakmang lalabas ang mga luha ko kaya agad akong napatingin sa sahig. Yumuko ako. Kahit ang sikip na ng dibdib ko ay nagawa ko pa ri'ng tumayo sa harap niya.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon