Kananata 16

16K 128 5
                                        

Chapter sixteen-Part 2 plan

"What?" Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"A-ano? Gusto mo na magpapanggap ako na girlfriend mo?" Tanong niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango ako at ngumiti.

"Yes or no?" Sabi ko saka agad na kinuha ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na at baka tumawag si Jeff or Rence.

"Pero bakit?" Tanong niya.

Napairap ako sa hangin. Ang dami pang datdat e.

"Oo o hindi?" Pag uulit ko.

Halatang may pagtataka sa kanyang mga mata sa sinabi ko.

"Bakit nga e" Sabi niya. Saka tumayo at pinagpag ang kanyang nagusot na dress. She looks so stunning. Ewan ko ba kay Rence.

"Kung Oo ang sagot mo, sasabihin ko sa'yo kung bakit" Sabi ko saka tumingin sa aking relo. Mag aalas 4 na ng madaling araw.

Alam kung nagdadalawang isip siya sa kanyang isasagot pero napapikit siya at bumulong pa.

"Para kay Rence" Suminghap siya saka matapang na sinabi ang salitang "Oo"

Napangiti ako. At agad na sin-nave ang voice record na iyon. Oo ang sagot niya at wala ng bawian. Lahat ng sinabi ko at sinabi niya ay na record ko.

"So, bakit mo gustong maging fake girlfriend ako?" Tanong niya sa akin.

"Let's find out kung magseselos ba si Rence sa ating dalawa. Sabihin mong we are in a two years relationship. Sabihin mong, simula noong naging kayo, may tayo na. Sabihin mo sa lahat ng taong nagtatanong sa'yo na two years na tayong in relationship. Wala kang pagsasabihan sa plano natin, dahil kapag may isang nakaalam nito, i swear. Mawawala sa'yo si Rence" sabi ko sa kanya. E nasa kanya na kung susundin niya ang mga sinabi ko.

"Pero, pwede ko ba etong sabihin sa bestfr--" Mabilis ko siyang pinutol sa kanyang pagsasalita.

"Yan. Ang 'wag na 'wag mong gagawin. Sa oras na malaman ni Arish Maes, ang plano natin. Ikaw lamang ang bukod tanging magsisisi, dahil imbes na tulungan kita, e hihinto ko talaga, malakas ang impluwensya ko kay Rence alam mo 'yan."

Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayun, tinutulungan ko siya ng bukal sa kaluoban, na kahit ang totoo, isa siyang daan para magawa ko ang plano ko.

"Pero, bakit mo eto ginagawa?" Tanong niya sa akin.

"And it's part of your business" Sabi ko saka agad siyang tinalikuran. Binalikan ko siya at agad na hiningi ang kanyang numero.

"Give me your digits" Sabi ko saka kinuha ang aking calling card sa aking wallet. Agad ko etong inbinigay sa kanya.

"'yan tawagan mo ako diyan" Utos ko sa kanya.

Dali dali niyang kinuha ang kanyang calling card sa kanyang wallet at ng nakuha niya na ay ibinigay niya agad eto sa akin.

"Eto 'yung akin" Sabi niya naman. Hindi na ako nagpaalam sa kanya.

Agad akong pumasok sa loob ng bar, at hindi nga ako nagkamali. Nandito pa nga ang dalawa, sobrang agresibo na. Dala ata ng alak. Si Rence ay todo halik sa babaeng sobrang kapal ng make up. Si Jeff naman halos mabaliw sa kakatig sa kanyang cellphone.

"Where have you been bro?" Mapupungay na ang mga mata ni Rence at antok na antok pa ang hitsura nito. Napailing ako saka ko sila sabay na kinaladkad papalabas ng bar. The people are few already dahil mag uumaga na. Marami rami pa naman pero hindi na kagaya kanina ang mga tao.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon