Epilogue

5.1K 57 32
                                    





The last part of the story.

In the black suit, nakatayo lang si Philjay sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang kanyang anim na buwang anak habang dinadala eto ng yaya nito.

Lutang ang isip niya habang nakatingin doon sa pwesto ng anak niya at ng yaya nito.

After six months, marami ang nangyari sa buhay nila. Sa buhay niya. Sa buhay nilang lahat. Hindi maipaliwanag na saya, walang katumbas na ligaya nung isinilang ang batang pinakamamahal nila. Nakangiting lumapit ang yaya kay Philjay

"Sir, kanina niyo pa po, tinitignan si Philip sir ah! Baka po gusto niyo po siyang hawakan muna"

Umiling si Philjay saka eto nagsalita

"Ibigay mo muna iyan sa ma-mommy niya" ani Philjay saka eto tumalikod.

Ilang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin kayang hawakan ni Philjay ang anak dahil sa sakit na nararamdaman.

Bumuntong hininga si Philjay at agad na umupo sa sofa at hindi nakapagpigil, yumuko siya at agad na pinahiran ang kanina pa bumabadyang luha sa mga mata niya.

"Why Maes?" tanong niya habang umiiyak. Tanong niya sa kanyang sarili

"Ang sakit!" bulong niya. Ayaw niyang marining siya ng yaya ng bata na umiiyak siya

"Bakit ba? Paano mo nagawa sa amin 'to?" tanong nito sa sarili habang humahagulgol

"Sir Umalis pa po pala si Ma'am Laur--" ani ng Yaya ngunit hindi nito natuloy ang sasabihin ng makitang nakayuko lang ang amo niya at halatang umiiyak

Awkward na tumalikod ang yaya saka agad na kinausap ang sanggol na hawak hawak nito

"Tara baby, punta tayo kay Mommy Shenny" agad na umalis ang yaya

Hindi na alam ni Philjay kung saan pa siya kukuha ng lakas ng loob. Habang nakikita niya ang sanggol ay laging si Maes ang naaalala niya. Dahil kopyang kopya ni baby Philip ang mukha ng mama niya.

"Bakit ba? kailangan ko ng sagot kung bakit mo kami iniwan ng anak mo?" sinabunutan ni Philjay ang kanyang buhok saka sinuntok ang sofa.

It's been 4 months nung nawala si Maes. Oo nawala si Maes. Not in a way na lumayas, lumipat ng bahay or umuwi sa kanila. But in a way na umalis sa mundo. Literally nang iwan.

Last 5 months ago

"Philjay, sinong kausap mo sa phone?" tanong ni Maes kay Philjay. Nakataas ang kilay at nakapamewang lang siya

"Si Doktora"

Umiling lamang si Maes at agad na tumungo sa kwarto niya.

Hindi alam ni Philjay kung ano ang dapat niyang gawin. Kung mag eexplain ba siya o ano. Bakit siya mag eexplain e doctor nila 'yun. Doctor ng baby nila 'yun and besides matanda ang doktora. Around 50 na ang edad.

Kumatok si Philjay sa pinto

"Baby?" hindi eto sinagot ni Maes

"Maes?"

Lumabas si Maes at ngumiti

"Ano ba baby? Wala naman akong ginagawa ah! Tanungin mo pa ang anak natin" itinuro niya si Philip na umiiyak

Nagulat si Philjay.

"Maes? Anong ginawa mo sa bata?" tanong ni Philjay.

"Wala ah!" mas nagulat si Philjay nang tumakbo si Maes sa labas ng bahay. Pero mas binigyang pansin ni Philjay ang sanggol na isang buwang gulang pa lamang.

S ON PLANE (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon