THE FLASHDRIVE
"HELLO BABIES! SI MOMMY MAES ETO. KUNG PINAPANOOD MO ETO NGAYON MALAMANG..WALA NA AKO. HINDI KO NA MAINTINDIHAN ANG LAMAN NG UTAK KO, GUSTO KONG MAGPAHINGA HABANG BUHAY. PAKIRAMDAM KO ANG BIGAT NG MUNDO, WALA AKONG KWENTANG TAO, PABIGAT LANG AKO AT HINDI AKO NARARAPAT NA MABUHAY. SINABI SA AKIN NG DOCTOR NA POST PARTUM DEPRESSION ANG NARARANASAN KO NGAYON. HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT PERO PAKIRAMDAM KO WALA AKONG KWENTANG TAO. PHILJAY, BABY. MAHAL NA MAHAL KITA.SORRY KUNG NAGAWA KO IYON. SORRY KUNG NASAKTAN KITA, KAYO. KAYONG LAHAT. PERO MAHAL HINDI KO NA KAYA, HINDI KO NA ALAM, GUSTO KO NG MAWALA. ALAGAAN MO SI BABY AT MAHALIN MO SIYA NG HIGIT PA SA PAGMAMAHAL KO SA'YO. IBIGAY MO ANG LAHAT NG PAGMAMAHAL NA NARARAPAT SA KANYA OKAY? I LOVE YOU. I LOVE YOU. PATAWAD. SALAMAT DAHIL NAGING PARTE KAYO NG BUHAY KO, SALAMAT SA MASASAYANG ALAALA, SA PAGMAMAHAL AT NGITI NA BINIGAY MO. PAALAM MAHAL KO"
Hindi madali ang pinagdaanan ni Maes, kalaban niya ang delikadong kalaban na mahirapan kalabanin, nagpatalo siya, ngunit alam naman nating lahat na marami tayong natutunan sa kwento niya. Pinapaalala niya na kung mahal mo, ipaglaban mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang lalaki ang maghahabul. Pinatunayan niya kung paano ang tunay na magmahal. Hindi man eto naging madali, at hindi man eto humantong sa magandang wakas at least ay napatunayan niya kung ano ang tunay na pagmamahal.
Ang kwentong eto ay base sa kwento ng tunay na buhay. Ipapaalala ko lang sa inyo na hindi pagpapakamatay ang solusyon sa problemang hinaharap mo ngayon. Maraming dahilan para mabuhay sa mundo. Life is full of surprises. Life is a gift. Kung pakiramdam mo na mag isa ka lang, take a deep breath and sing. Maraming magagandang darating sa buhay mo kung gugustuhin mo. Walang impossible sa mundo kung alam mo ang patutunguhan mo.
Let go all the pain and focus on the things that make you happy. Pray and have faith.
-
Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli :)