Kabanata 32

10.5K 108 14
                                        

Chapter 32- Party

Paglabas ko ng kotse ay dumiretso agad ako sa hotel na ebi-nook ni Cyde para sa akin kahapon.

"1 reservation" Sabi ko kaagad sa babaeng nasa front desk.

"For whom madame?" Tanong niya sa akin.

"For Sagrado" sabi ko. Agad niyang ini-search ang pangalan ko. Nung siguro'y nakita na niya ay agad niya akong binigyan ng isang susi.

"Have a great day madame" aniya. Tumango lang ako saka agad na umalis. Habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng mga titig ng mga tao. Hindi ko sila tinignan bagkus ay taas noo akong naglakad at walang pag aalinlangang rumampa. Wala akong dapat na ikahiya.

Habang naghihintay sa elevator ay kinuha ko muna ang aking cellphone. I was shocked. Dahil i have 4 missed calls from Cyde and 2 missed calls from unknown number. So sad, dahil in-off ko ang phone ko kanina.

Sa pagtunog ng elevator ay siya namang paglakad ko patungo sa loob. I press the 13th floor dahil sa 13th floor ang aking room. I dial Cyde's number. After 2 rings ay sinagot niya agad.

"Oh dear! Pinag alala mo ako, nasa hotel ka na ba?" Tanong niya. Ngumiti ako dahil sa pakiramdam na sobrang nag alala siya.

"Yes. Nasa hotel na ako, magbibihis lang ako at mag ma-make up and pupunta agad ako sa party" sabi ko.

"Really? Oh sige, take your time. I'm on my way na" aniya.

"Oh sige, ingat sa pagmamaneho" sabi ko.

"Okay" aniya.

I ended now the call. Habang nasa loob ng room ay iginala ko muna ang aking mga mata. Hinanap ko ang perfect dress para sa akin. After 3 weeks. Hindi ko namalayan na pumayat pala ako ng sobra. 'Yung tipong wala na akong fats sa tiyan. Dahil siguro eto sa magandang atmosphere sa oslob. Wala akong nakakaing meat doon. Purely fresh fish, veges and chickens. I've never eaten fatty foods there. Kaya siguro healthy ang pangangatawan ko ngayun. Last week nga, we've went to salon para ipa-cut 'yung buhok ko. Dati hanggang pwet 'yung buhok ko sa sobrang haba. But now, hanggang leeg nalang. Hindi ko pinaiba 'yung kulay, kasi mas prefer ako sa natural hair color ko.

Pinili ko ang kulay white na dress na super fit for me. At saka black high stilleto hells. Nag suot ako ng isang diamond necklace na bigay sa akin ni Cyde kahapon. Habang nakatingin sa salamin ay parang hindi ako si Maes na dati sobrang baliw kay Philjay. Hindi ko nakilala ang sarili ko. Sobrang nag iba na talaga ako. And thanks to Cyde for helping me to change.

Kinuha ko kaagad ang aking pouch na kulay white. Hindi na ako nag make up. Nag lipstick lang ako, nag maskara at nag foundation. I think it's enough.

Bumaba kaagad ako saka tumungo sa shangrila which is doon ihe-neld ang party ng kapatid ni Jeff. Habang nagmamaneho ay bigla akong ginapangan ng kaba. Shit! Hindi ko alam kong bakit pero noong tumingin ako sa salamin ay namumutla ako.

"Stop that shit Maes!" Sabi ko saka pumikit saglit. Huminga ako ng malalim saka tumango. "I can face them all" sabi ko habang iniisip ang mga pangaral ni Cyde sa akin.

Since malapit lang ang hotel na ini-stayhan ko sa shangrila hotel ay mabilis akong nakarating agad.

Habang nasa parking lot ako ay hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mangyayari. Pero hindi ko na eto inaksayahan pa ng oras. Imbes na problemahin ang mangyayari ay iniisip ko nalang na nandiyan si Cyde para sa akin. Hindi ako dapat na kabahan. Hindi dapat.

Agad akong lumabas ng kotse ko at tumungo sa venue. Ipinakita ko ang invitation card kaya agad agad naman akong pinapasok. Habang nagalalakad ay nararamdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Taas noo pa rin akong naglakad.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon