Chapter nineteen- JESQUAD
Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang likuran ni Pilot. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya nagalit. Hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman ang naramdaman niya. Pero i'm not sure kung ang nararamdaman kong dahilan niya kung bakit siya nagalit ay tumutugma sa iniisip ko. Gusto ko man siyang sundan ay hindi ko kaya. Dahil first of all, i'm not his girlfriend, second as if, may paki siya sa akin. Siguro ay nag away lamang sila ni Zelly. Kaya siya nagkakaganun.
"Okay ba?" napatingin ako kay Vince na naghihintay sa isasagot ko. What the hell! Napatingin ako sa ibang mga taong nakatingin sa akin. Gusto ko ng tumakbo dito dahil all of them are watching at me as if i am television. Stupid comparison
"Huh?" Shit! Hindi ko inaakalang magmumukha na akong tanga dito. Bakit ba naman kasi tingin sila ng tingin sa akin.
Natawa siya ng bahagya.
"Akala ko pa naman ay nakikinig ka" Sabi niya saka ako inakbayan . Napalunok ako ng bigla na naman silang naghiyawan. Damn it!
"Hokage! Hokage!" Sigaw nung lalaking kanina pa nakatingin kay Shenny. Matangos ang kanyang ilong at moreno siya. At wala akong paki sa kanya.
Nagsitilian na naman sila like What the fuck!
"Manahimik nga kayo" Ani Vince. Siguro ay nahahalata na niya ang pamumutla ko. Nagsitahimikan naman kaagad sila na para bang boss nila si Vince na kapag hindi sila susunod sa utos nito ay masisisanti sila.
"Lol" Sagot nung moreno.
Vince answered him just like raising his midde finger in the air. Mga lalaki talaga.
Natawa si Mr. Moreno at hindi na sumagot pa
"Ang sabi ko, since 8 rooms lang na epa reserved ni yaya, share nalang kayo ng nga bestfriends mo sa iisang room, may 4 beds sa iisang roon naman, If okay lang sayo, wala na daw kasing vacant. Kasi unplanned eto, at last night ko lang na isip ang ideyang eto, sabi kasi ni Dad na mas gusto niya na e celebrate ko ang birthday ko sa Japan, but i don't like it naman" Aniya. Napakunot ang aking noo. Makakasya kaya kami sa dami namin. May Jeff, Jake at Zelly, Shenny at Laura. Pero baka iba ang room nina Jeff at Jake.
Tumango ako saka ngumiti.
"No problem" sagot ko.
"If you want, share nalang tayo" Nanlaki ang mga mata ko. What the fuvk? Mabuti nalang at hindi narinig ng mga kaibigan niya ang sinabi niya dahil kung nagkataon ay mapupuno na naman kami sa panunukso nila.
"What?" Tanong ko sa kanya.
Gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi saka tinusok ang aking tagiliran.
"Joke lang, tara na" Sabi niya.
Nakita ko si Laura kasama si Jake, bakit kaya ang tahimik ni Laura, usually kasi maingay siya kapag may mga event na ganito. She used to entertain people pero iba ata siya ngayun. Si Shenny naman ay parang nagtatampo kay Jeff. I don't know. Basta wala siyang paki alam sa mundo. Kasi napaka gulo na nga ng mundo ko.
"Jesquad!" Nagulat ako ng sumigaw si Vince kasabay nito ang paglingon ng mga barkada niya. Gumuhit ang mapanglarong ngisi sa labi ng mga barkada niya. Pito lamang sila sa pagkakaalam ko.
"Lumapit nga kayo dito" Utos ni Vince. Agad namang nagsilapitan ang mga barkada niya.
"So, alam ko namang kanina niyo pa gustong makilala ang babaeng eto diba?" Tanong ni Vince. Sabay na nagsitanguan ang mga barkada niya. Sa mga pagmumukha nito ay alam mo na kaagad na mga abnormal sila. Sa mga ngisi nila to the point na mapagkakamalan mo na silang may saltik.
