Chapter 10- bad tripHabang inaabangan namin ni Zelly ang kotse ng kanyang boyfriend ay hindi ko maiaalis sa aking panginginig. Nanlalamig ako na parang hindi mapakali. Gusto kung umasa na hindi si Pilot ang boyfriend niya, pero habang ipinagtatagpi tagpi ko ang lahat. Kanina pa lang ay sinabi ko na sa aking sarili na kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanang mag kasintahan sila.
Ang bilis lang ng mga pangyayari, noong nakaraang gabi, may nangyari pa sa amin ni Pilot, tapos ngayun bigla ko nalang malalaman na may girlfriend pala siya at they were going to celebrate their third anniversary? At ang mas malala ay ang bestfriend ko pa ang girlfriend niya.
Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko man lang namalayang kinakalabit na pala ako ni Zelly. Napabalikwas ako sa aking kinatatayuan.
"Bakit?" Wala sa sariling katinuan kung tanong sa kanya.
"Okay ka lang bes? ang lamig mo ata" Natatawang tanong niya.
"Alam kung first time mong maipakilala sa boyfriend ko, kaya natural lang na kabahan ka, pero i never expected that you will going to act like this" Aniya sabay hawak sa kamay ko.
"My boyfriend won't bite you" Aniya. Bigla niyang kinalas ang kamay niya sa kamay ko saka agad na may ginalaw sa bag niya. He won't, hindi naman 'yon nangangagat e. Nangangain lang.
"My god! Have you seen my phone?" Natatarantang tanong niya. Umiling ako dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang cellphone niya. Hindi ko rin naman iyun nakita.
"Baka nasa kwarto ko at naiwan mo doon" sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Your right. Kukunin ko lang ha" Aniya saka tumakbo kaagad papasok ng bahay.
Hindi pa namin napag uusapan besfriend ko ang tungkol sa sitwasyun ko ngayun. Wala pa naman kasing kasiguraduhan e. Hindi ko pa nakikita ang totoo. Baka naman kasi iba ang tinutukoy. Okay. Sabihin na nga nating 80 percent na si Philjay nga ang boyfriend ni Zelly. Pero may 20 percent pa akong pag asa. Hangga't hindi ko pa napapatunayan na si Philjay nga, hindi ko na muna sasabihin sa mga bestfriends ko.
Nagulat ako ng biglang may nag park na sasakyan mismo sa aking harapan. Biglang kumalabog ang dibdib ko ng makita ang pamilyar na kotse sa aking harapan. 'Yung 80 percent kanina ay napilitan ng 92 percent. Agad namang ibinaba ang bintana ng sasakyan. Ang 92 ay mabilis na pinalitan ng numerong 99 point 9. Confirmed. Sila nga.
Alam kung sapat na patunay ang mensahe ni pilot sa akin. Sinabi niya na my girlfriend siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung e react sa oras na eto, pero ang dapat na gawin ko ay ang magpakatatag. Marami ng nangyari sa amin ni pilot. Kaya dapat ay sapat na iyun upang maging kampanti ako sa oras na eto. Ngayun hindi ko na alam kong ano ba ang ipinaglalaban ko.
"Maes? What are you doin' here?" Gulat na tanong ni pilot sa akin. Pilit kung inilalabas ang plastik kung ngiti. Na kahit ang totoo ay ang sakit sakit na. Gusto kong umiyak dahil sa kirot. Bakit ba ang sakit. Gago!
"Ikaw? Bakit ka nandito?" Pagbabaliktad ko ng tanong.
Ngumiti lamang siya at kahit isang bakas ng pangamba ay wala akong nakita.
"May date kami ng girlfriend ko, at ipakikilala niya ako sa bestfriend niya ngayun" Masiglang wika niya. Halos naubusan ako ng laway sa sinabi niya. Tumingala ako sa langit upang maiwasan ang pagtulo ng luha ko.
"Ma iba tayo, kilala mo ba si Zelly?" Tanong niya. Ganito ba? Ganito ka talaga ka tanga Maes. Eto 'yung gusto mong mangyari diba? 'yung matapos ka niyang gamitin, wala na. Balik sa dati. Talk like a strangers, parang walang nangyari. O sadyang ganito lang talaga siya? Halos hindi ako makahinga ng narinig ko ang sinabi niya. Ang pursentong 99.9 Ay mabilis na namang nag iba. Ang 99.9 ang ngayun ay naging isang 101.1 na.