Kabanata 25

14.6K 153 38
                                        

Dedicated to AprilJhoyAbenir dahil siya ang may pinakamahabang comment last chapter.

Chapter twentyfive- Trouble

Pilot's PoV

"Dude! I told you, this is just part of my plan" Sabi ko kay Rence.

Halos mabasag na ang lahat ng baso sa kakatapon ni Rence dito.

"Plan? Dude? Plan? Kung gusto mong maghiganti, kay Aldrich ka maghigati! Hindi 'yung gagamitin mo si Maes dude! Hindi 'yung gagamitin mo sila ng bestfriend niya. Dude walang kasalanan 'yung tao para saktan mo. Oo, masakit. Mahal mo 'yung nawala kaya alam kong sobrang sakit. Pero dude! Hindi 'yan isang dahilan para magpaiyak ka ng taong walang kinalaman sa nangyari sa'yo" Napahinto ako dahil sa sinabi ni Rence. How was it ironic right? I made a decision na alam kong maraming madadamay. Nabulag ako sa mga luhang nakabara sa mga mata kong hindi ko ibinubuka simula nong nasaktan ako. Naging makasarili ako dahil sa masasakit na nangyari sa buhay ko. Hindi ko pinahiran ang dugo na tumutulo dahil sa sugat na dulot ng pagkawala ni Andrea. Hindi ko kinuha ang mga nakabara sa mga mata ko. Imbes ay gumawa ako ng isa napakagulong sitwasyun.

"Dude! Hindi ka naman ganyan noon ah?" Umiling iling si Rence. I know. Hindi ako ganito.

"Rence? Alam mo kong gaano kasakit ang mawalan ng kapatid diba? Alam kong alam mo. Gusto ko lang ipaghiganti ang kapatid ko Rence. Gusto ko siyang ipaghiganti" Sigaw ko. Alam kong walang makakarinig sa amin dahil soundsproof ang kwarto ni Rence.

"Higanti? Bakit dude? Kung maghihiganti ka ba ngayun, mahuhukay mo pa ba si Andrea sa libingan niya?" Napapikit ako. Alam kong maraming panahon na ang lumipas simula noong nangyari ang lahat. Pero sadyang masakit lang talaga para tanggapin ang lahat sa ganitong kaagang oras.

"Kung pwede ko lang ibalik ang lahat" Sabi ko.

Huminga ako ng malalim. Hindi na ako makikipag debate pa kay Rence dahil wala naman etong patutunguhan e. Mananalo at mananalo lamang siya laban sa akin.

"Naalala mo pa ba ang huling sulat ni Andrea sa'yo bago siya nawala" Hindi ko alam pero bumigat ang pakiramdam ko na may halong puot at galit. Bakit sa dinami rami ng tao sa mundo si Andrea pa ang napili nila?

Tumango ako.

"Oo. 'yung mga mensahe niya sa akin at sa ama ko. Hinding hindi ko iyon makakalimutan" Sagot ko.

"Talaga? Naaalala mo pa iyon?" Tanong niya.

Dear, Kuya/Kambal/BFF/Sister/Otherhalf

Kuya, lage mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang bukod tanging nakakasundo ko sa lahat. Sana kapag nabasa mo eto. Hindi eto mapapatakan ng luha mo. Ayaw kong mabasa eto dahil eto nalang ang huling mensahe ko para sa'yo. Aalagaan mo eto kagaya ng pag aalaga mo sa akin. Dahil eto ang magiging repleka ko kung sakaling hindi ko magawa ang plano ko. Kuya, pangako mong magiging masaya ka para sa akin. Disesyon ko eto kaya sana supportahan mo. Patawad kong hindi ko sinabing may boyfriend ako. Patawad kong nilihim kong mahal ko siya at naibigay ko sa kanya ang lahat. Kuya, aalis ako sa atin dahil alam kong ikahihiya ako ni daddy kapag nalaman niyang nagdadalang tao ako. Na kapag nalaman niyang nabuntis ako ng isang lalaking hindi ako kayang panindigan o supportahan. Kuya, mami-miss kita. Mahal na mahal kita kuya. Kayo ni daddy. Aalagaan mo si daddy kuya. Mahalin mo siya. Huwag kang magbabago kung sakaling hindi na ako makabalik. Patawad at paalam kuya ko.

Hinding hindi iyon mawawala sa isipan ko. Dahil ang mga sinabi niyang iyon ay isang patunay na mahal na mahal niya ako.

"Who would have thought, na mabubuntis siya? Ever since Rence, prinsesa ang turing ko sa kanya. Pero ano? Pinaglaruan siya ni Aldrich. Binaboy siya. Binuntis. Tinakbuhan. Iniwan. Gusto kong iparamdam sa kanya ang naramdaman ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na pinatay niya ang kapatid ko" Sabi ko habang nanggagalaita.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon