Chapter 31- Uwian na
"Kaya mo na ba silang harapin?" Napalingon ako sa kanya. Matibay na ako. Bakit pa ako matatakot sa kanila. May ibubuga na ako. Kaya ko na ang sarili ko. May maihaharap na akong mukha sa kanila. Tumango ako.
"Why not?" Sagot ko bago inis-start ang engine ng sasakyan.
"As soon as possible susunod kaagad ako sa'yo. Tataposin ko lang 'tong project ko" aniya bago ako hinalikan sa pisngi.
Tumango ako. Kinuha ko ang phone ko saka agad na pinaandar ang kotse.
"Siguraduhin mong susunod ka, dahil kong hindi, magsisisi ka" Sabi ko bago tuluyang umalis.
It's been 3 weeks simula noong natanggap ko ang message ni Vince. Sa loob ng tatlong linggo, hindi ko inaasahan na doon, ang mabilis na pagbabago. It was just me and Cyde. Yes. I Admitted it. Naging magkaaway kami, but i never thought, na habang tinutukso niya ako ay unti-unti kaming nag kakasundo. I was happy na nakilala ko si Cyde. He is fun to be with. He can make me laugh. He can make me smile. Well, he made me ME again.
Habang nasa daan ako at nagmamaneho ay naisipan kong tawagan si Kuya. I know magugulat siya dahil after 5 weeks of being missing ay tatawag ako sa kanya ngayun.
Mga nakatatlong ring bago niya sinagot.
"Hello? Sagrado resi-" Hindi pa man natatapos si kuya ay nagsalita na ako.
"Hello sir, may kilala po ba kayong Arish Maes Sagrado?" Narinig ko ang pag lunok ni kuya. Halos natawa pa ako.
"Ba-bakit? Kuya niya eto" ani kuya.
Hind ako sumagot. Patay ako nito ngayun.
"Sagutin mo nga ako? Anong nangyari sa kapatid ko?" Pinipigilan ko lang ang aking pagtawa.
"Hello? Miss? Hello?" Nararamdaman ko ang kaba ni Kuya ayon sa tono ng boses niya.
"Kasi, papauwi na siya sa inyo ngayun" sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Teka nga lang, sino ka ba?" Tanong ni kuya.
Walang pangalang pumasok sa utak ko. Kaya tumingin tingin ako sa paligid. May nakita akong botique sa may side kaya iyong ang sinabi ko.
"Ako si Andrea" which is Andresa Botique ang nakalagay. Nagulat ako ng biglang natahimik si Kuya.
"Kuya?" Sabi ko. "Hello? Kuya?" Kinabahan ako bigla. Ano kayang nangyari. "Kuya Ald? kuya?" Sabi ko.
At doon ay na end na ang call. Ano kayang nangyari. Patuloy ako sa pagmamaneho. Bigla kong naalala ang lahat lahat. Ang sakit.
I was just a part of a plan.
Flashback..
"Hey Miss Graduation? What's wrong?" Tanong pa sa akin noon ni Cyde noong nakita niya akong tumatakbo papunta sa may baybayin habang umiiyak.
Patuloy lang ang takbo ko noon. Hindi ko na nga ata naalala ang sarili ko sa oras na iyon. Kasi habang binabasa ko ang lahat ay parang unti unti akong pinapatay sa sakit. Sino ba naman ang hindi masasaktan, kong ang lalaking mahal na mahal mo, na pinaparamdam pa sa'yo na mahal ka raw niya ay ginagamit ka lang pala para sa paghihiganti niya.
"Stay away!" Sigaw ko pa kay Cyde noong oras na iyon. Humagolgol ako sa sakit. Bakit pa kasi kailangan pang e send ni Vince ang lahat ng 'yon, e alam niya namang masasaktan lang ako. Sobrang down ako that time to the point na gusto ko ng magpakamatay. OA. Oo alam ko. Sobrang OA. Pero hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Wala akong ideya kong ano sunod kong gagawin. Gusto kong sumigaw, umiyak, manakit at magpaiyak. Gusto kong maghiganti. Pero ang tanging nagawa ko ay umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko.
