Kabanata 14

16.5K 173 34
                                    

Chapter fourteen- Question

Vince Z.
-Thank you sa wonderful night Maes.

Halos mapatalon ako ng mabasa ang text ni Vince. Kakauwi ko lang at hinatid ako ni Vince sa bahay. Okay naman na kasi si Laura, she can breath properly, si Jake ang nagbabantay sa kanya ngayun sa hospital. Alam kung aalagaan ni Jake si Laura kahit para silang aso't pusa kapag magkasama. Eto naman kasing si Laura ay napakamanhid to the point na hindi niya na napapansin ang mga efforts ni Jake para sa kanya. Bukas na bukas makakalabas na rin naman siya sa hospital.

Since hindi pa naman ako inaantok ni-reply-yan ko nalang si Vince. Hindi naman sa option ko si Vince, pero ayaw kung umasa si Vince na pwedeng maging kami. Dahil alam kung hindi talaga pwede. Tanga ako. Oo, pero i love Pilot. Sa ngayun, ay hindi ko pa alam kung paano e-ha-handle ang sitwasyun kung eto. Wala naman akong sinasabi na gusto ako ni Vince o ano, pero sabihin na nating may iba akong nararamdaman. May kutob lang ako. Hindi naman ako manhid e.

Kani-kanina lang ay magkasama kami together with Zelly, my bestfriend. Date nila iyun at sampid ako. Naghalikan kami behind the back of Zelly. Ngayun, alam kung kapag iyun nalaman ni Zelly, she would really hate me. Alam kung kamumuhian niya ako. Pero, wala e. Kahit isaksak ko sa utak ko, na kahit gusto ko si pilot ay wala na talaga kaming pag asa dahil in the first place, wala na kaming chance dahil sila na ngayun ng bestfriend ko. At kapag naghiwalay man sila, hindi ako basurera na pupulot sa dumi ng bestfriend ko. Hindi ako ganun. Ayaw kong magtanim sa akin ng galit si Zelly. I respect her as much as how she respect me.

Hay! Ayaw ko ng mag isip ng ganitong bagay. Siguro, it would be better kung e da-divert ko nalang ang feelings ko sa iba. I mean, yung panahon ko. E di-divert ko nalang sa iba.

But not now please, ayaw kung maghanap ng taong ipapanakip butas ko lang. Ayaw kong maghanap ng ipang re-rebound lang.

To Vince Z.
-Ur welcome Vince.

Hay! Matagal bago nag reply si Vince. Kaya binuksan ko ang aking laptop at nag facebook muna ako.

Nagpost na naman si Zelly. Ano kayang problema niya. Pero nakapagtataka. Diba dapat nasa condo siya ngayun ni Pilot? E bakit nasa bar siya ngayun with Nika. Her co-model.

Sabi sa post niya [I WANT TO STOP THIS CRAZY THING, BUT I CAN'T DO ANYTHING]

Ano kaya ang kahulugan nito. Gusto ko siyang e text o e chat pero masyado naman akong nabubulag sa aking kasalanan sa kanya. Pero, bakit ba kasi nasa bar si Zelly. Akala ko ba pupunta sila ni Pilot sa condo? This is very weird. Nag away kaya sila? Shocks! Nakita kaya kami kanina ni Zelly? Habang naghahalikan? Fck!

Biglang tumunog ang cellphone ko. I didn't expect na mag te-text si Pilot. Hindi si Vince ang nag text kundi si Philjay.

Pilot R.
-Goodnight baby :*

Goodnight baby? Ayaw ko sanang mag reply kaso naiinsulto ako sa di ko alam na kadahilanan e.

To Pilot R.
-huh? wrong sent?

Mga ilang segundo biglang tununog ang cellphone ko.

It's an unexpected message.

Zelly.
-Sorry :(

What the hell! Kinabahan tuloy ako bigla.

Kaya agad ko siyang tinawagan. Mga ilang ring bago niya eto sinagot.

"Zel? What's wrong? Are you okay?" Kinakabahan talaga ako ng sobra.

"I didn't mean to chooce this choice, but sorry" Sabi niya. Ano ba ang sinasabi ni Zelly. Ano ba ang nangyayari?

S ON PLANE (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon