Chapter 33- One shot
Philjay's PoV
I'm almost 35 minutes late para sa party ng kapatid ni Jeff. Masyadong traffic dito sa may South road property. May banggaan atang naganap sa tunnel e. At hindi ako maka singit. Shit.
"Dude, nasan ka na?" Tanong ni Rence sa kabilang linya. Napa singhap ako bago inilabas ang ulo sa bintana ng kotse upang tignan ang kaganapan sa unahan. Hindi pa rin ako maka abante dahil sa taas ng traffic.
"Dude. Fuck this traffic that i've encountered" Mura ko. Kong bakit pa kasi pinapunta pa ako sa Naga City e. E pwede namang sa Cebu nalang ako bumili ng tuxedo. Nakakagago tuloy 'tong taas ng trapiko.
"Chill. Hindi pa naman nagsisimula ang event. Nasan ka na ba kasi?" Ani Rence saka tumawa pa. Nagawa niya pang tumawa sa ganitong sitwasyon ko. What the fuck? Ano naman siguro ang paki ng gagong eto.
"Nasa SRP pa ako" Bored kong sagot.
"Lol. Bilisan mo ha?" Sabi niya bago pinatay ang tawag. Ang kapal ng mukha ng gagong iyon na babaan ako ng telepono.
At tama nga ako. May banggaan nga sa tunnel kanina kaya ganun na lang ang haba ng trapiko.
Pagkarating ko sa venue binungad kaagad ako ni Rence at ng Jesquad.
"1 oras late ah" ani Christian bago ako binigyan ng isang baso ng wine.
Napailing ako. Inakbayan ako ni Noel saka binulungan.
"Nasan na 'yung Chix mo?" Tanong niya sa akin ng pabulong. Napatingin ako sa mukha niya.
"Ulol" ani ko saka inalis ang kanyang pagkakaakbay sa akin.
"Masyadong traffic" sagot ko sa tanong ni Christian.
Tumango siya saka ngumiti.
May mga babaeng hindi ko kilala na nakatitig sa akin or sa amin. Not so sure pero literal na tumititig talaga sila. May isang lumapit sa akin. Makinis, maputi, matangkad at maganda. Pero hindi ko siya type. Naka off shoulder na bistida. Hanggang below the knee at fit na fit eto sa kanya. Very seductive siya sa kanyang suot. Well, kahit sino magugustuhan siya maliban sa akin.
"Hi Pilot" aniya sa malambing na tono ng boses. Ngumiti ako. Hindi ko siya kilala. Well, she looks like she is stewardee.
"Oh hi" sagot ko. Ngumiti siya. Maganda siya.
Nagpapa cute siya. Well hindi ko alam pero hindi ko siya type. She has a big butt that every boy loves. A perfect chest. A big chest.
Nagulat ako sa pagsiko ni Rence sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Siya si Francheska. Isa siyang model dude. Get her ass please" bulong ng gago sa akin.
Napatingin ako sa kanya habang igting ang panga.
"Fuck you dude" sabi ko bago siya siniko.
"I'm Francheska Villaren" sabi niya saka inabot ang kanyang kamay.
Villaren? It sounds familiar. Very familiar. Aabutin ko na sana ang kanyang kamay ng nagulat ako sa pagsiko ni Rence sa aking muli. Konte nalang. Masasapak ko na etong hayop na eto.
"If you see kay" napatingin ako sa kanya. Tulala siya habang may tinitignan. "F-U-C- K" Literal na inispell niya ang salitang 'fuck' napatingin ako sa tinitignan niya.
"Holy shit" aniya saka kinuskos ang kanyang mata to make it sure na tama nga ang nakikita niya.
Halos hindi ko kayang lumunok sa oras na eto ng makita ko siya. Is that her? Pinagpawisan ako dahil sa kanya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit sa lahat ng lalaking pinapanood siya habang naglalakad. Lahat ng atensyon ay nakuha niya.
