Kabanata 7

23.7K 185 9
                                        

Chapter seven- Condo

Habang nakaupo ako sa sofa, hindi ko maiiaalis sa akin ang kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Dahil lang naman 'yan sa pagiging tanga mo Maes. Se-nend mo lang naman ang isang mensahe na may 'bebe ko' sa lalaking gusto mo. At nag reply lang naman siya ng 'bebe ko? huh? bebe ko?'

So? Ano ba ang dapat na isipin ko ngayun? Ugh! Bakit ba naman kasi sa dinami rami ng contacts ko ay sa kanya ko pa na e send?

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Laura habang nginunguya ang bi-nake ni kuya Aldrich na chocolate mousse na para naman sa akin.

Napakamot ako ng ulo saka tumayo galing sa pagkakaupo ko sa sofa.

"Ewan!" Padarag akong tumayo at agad na umakyat sa itaas.

Ano ba ang dapat kung gawin? May isang ideyang pumasok sa utak ko.

To Pilot R.
-Nasaan ka?

Sana mag reply siya. Hinintay ko ang message niya. Halos trenta minuto bago ako nakatanggap ng isang mensahe. Nanghina ako ng makita kung sino ang nag text.

Bebe ko.
-Traffic overload. Siguro mga isang oras pa ako makakarating

Napasapo ako ng noo. Shit! Galit ba talaga si Pilot sa akin? Hindi ako mapakali sa kakaisip kay Pilot. Bakit kaya ayaw niya akong replayan?

To Pilot R.
-Pilot?

Shit! Bakit ba ganito? Ang tanga mo kasi Maes e. Napakatanga mo.

To Bebe ko.
-K.

Habang nakatingin ako sa kulay green na telepono ay agad akong ginapangan ng kaba. What if tawagan ko siya? Manginig nginig akong nakahawak sa aking cellphone at halos hindi ko ma pindot ang call logo.

The number you have dial-

Shit! Busy? Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayun? Halos maiyak na ako dito sa kakaisip sa kanya. Nagseselos kaya siya? Dapat ko ba etong ikatuwa o dapat ko ba etong ipag alala? Kasi naman e.

Naghilamos ako at nag tootbrush bago nagbihis ng damit. I have decided na puntahan nalang siya sa condo unit niya. Total, he gave me his address naman.

Zelly.
-Hello Maes?

Mensahe ni Zelly. Hindi na ako nag abalang mag reply pa dahil natataranta na ako. Baka kasi ano na naman ang iniisip ngayun ni Pilot e. Baka ano na naman.

Tinawagan ko siya ulit ngunit ganun pa rin ang nangyari. Busy pa rin siya at di ma kontak.

"Shen, Laura, aalis muna ako, dito muna kayo" Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila. Agad akong dumiretso sa gate at naghintay ng taxi. Mabuti nalang at may taxi agad na dumating

"Kuya" Sabi ko sa taxi driver saka, sinabi ang address ni Pilot. Binigay ni Philjay ang address niya last time na nagkita kami. Pilot naman e.

Hindi ko man lang namalayan na nakarating na ako sa address ni Pilot. Binayaran ko ang driver at saka agad na lumapit sa building. Alam kung hindi ako papapasukin ng security guard kaya tinawagan ko muli si Pilot baka sakaling matanggap niya na ang tawag ko.

Cannot be reach naman sa ngayun kaya napilitan ako mag text sa kanya.

To Pilot R.
-Nasa labas ako ng building ng condo mo

Halos mag sa-sampung minuto na akong nakatayo dito ngunit wala pa rin si Pilot.

Nagulat ako sa biglaang paglapit ng security guard sa akin.

"Madame, ikaw po ba si Maes Sagravo?" Tanong ni manong guard. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Sagravo?

"Bakit po?" Tanong ko.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon