Kabanata 1

79.7K 337 30
                                        

Chapter 1-Tunay

"So? may nangyari nga sa inyo ni Pilot Regonza kagabi?" Naguguluhang tanong ni Shenny sa akin. i am very hesistant na sabihin sa kanya na may nangyari nga sa amin ni Philjay, but kaibigan ko siya, nangako na kami noon pa na walang taguan ng mga sekreto. one for all, all for one.

"Hinaan mo nga ang boses mo, baka may makarinig ka ng ibang FA, maging issue pa 'to dito." Bulong ko.

Naku delikado na. Ayaw ko pang magging isang instant hot issue ano. Everytime kasi may mga issue dito sa pinagtatrabahuan namin, laging binibig deal ng ibang FAs. Talagang pinapalaki nila ang mga bagay bagay.  I want a peaceful life. My god!

"So? Ano meron talaga?" Tanong niya ulit.

Tumango ako saka umismid. Eto talagang bestfriend ko oh. Ano naman ngayun kung meron ngang nangyari sa amin? Ginusto ko rin naman 'yun.

"My god! Ang tanga mo girl! Ang tanga tanga mo! Bakit mo isinuko ang sandataan?" Inis na untag ni Shenny. Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya.

"Girl, hindi ko alam. Ganito kasi 'yun"

Flashbacks

"Shen? Pupunta ka sa birthday party ni Jeff?" Tanong ko kay Shenny.

Tinarayan lang ako ng gaga. Alam ko naman na hindi 'yan sasama kahit ininvite siya ng ex-boyfriend niya.

"Bakit naman ako pupunta doon. Closed ba kami?" Tanong niya. Natawa ako ng bahagya. Closed?

"Hindi. Hindi kayo closed. Ex mo lang naman 'yun, as far as i remember" Tsk! tumakbo agad ako papunta kay Laura. Nakakatakot kasi ang mga titig niya sa akin.

Eto talagang si Shenny, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Napaka bitter piper peter butter talaga ng babae'ng eto kahit kailan. Napatingin ako sa katabi kong sobrang  busy.

Kumakain na naman si Laura.

"Laura. Pupunta kang Birthday party ni Jeff?" Tanong ko sa isa ko pang bestfriend.

Siya naman si Alaura Montegarbo isa sa pinaka maganda kung kaibigan sa lahat. Siya rin ang pinakamabait sa amin. She hates commitment. Foods before boys, daw kasi.

Malaki ang ngisi niya.

"Of course! Pagkain na 'yan girl. Foods before boys nga diba?" Masiglang wika niya. Napailing nalang ako. O diba sabi ko sa inyo.

Pagkain lang nasa isip niya.

"Mga 8 ha. Magkita nalang tayo sa bahay namin." Sabi ko.

Nag alas 8 na. Naka suot ako ng black fitting dress. Sleveless eto at slit eto hanggang bewang. May pagka unsophisticated ang datingan. Nagmumukha akong prosti. Pero wala akong paki. It's time for me to shine sa harap ni Pilot Philjay Regonza ano. Ngayun lang ata 'yun dadalo sa nga event. Pumayag lang naman 'yun dahil sa isa sa mga plane magaganap ang party. E anak ba naman ng may ari ng airline ang nag bi-birthday.

Bumaba na ako ng hagdanan narinig ko si kuya Aldrich na may kausap. Sobrang ingay pa ng tawanan. Panigurado nandito na si Laura. Sa kanya lang naman kasi ganyan si Kuya e. Sobrang iksi lang ng kaligayahan ni kuya. tatawa 'yan sa mga walang kwentang joke ni Laura.

Nagulat ako sa suot ni Laura.

Nakasuot si siya ng Skinny jeans at lose t shirt daig pa ang mama-malengke sa porma niya. Napa face palm ako ng makita ko siya. Ano ba naman eto? Ang baduy niya. Big event ang dadaluhan namin, at ang babaeng eto talaga oh!

"Hoy Laura! Parang hindi ka Stewardess sa suot mo ha? " Inis kung untag sa kanya.

Nagmumukha na kasi siyang manang sa suot niya e.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon