Chapter six- Wrong sent
Habang nasa loob kami ng kotse ay hindi pa rin ako umiimik dahil sa sobrang kahihiyan. Ang lalaking matagal ko lang namang pinapangarap ang nakakita ng tagos ko kanina.
Kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay napapapikit na lamang ako dahil sa kahihiyan.
"Wala ka bang sanitary napkin Philjay?" Napatakip ako ng bibig dahil sa aking angking kagagahan. E bakit naman magkakaroon ng sanitary napkin ang isang piloto sa kanyang sasakyan Maes? Kailan ka pa kaya magkakaroon ng utak Maes. Kailan pa kaya?
Narinig ko ang pagtawa ni Philjay. Tawa na kailanman hindi ko pa nakikita. 'Yung tawang may halong pagkasarkastiko na may halong panunukso.
"Shit Maes" Aniya. Napapikit muli ako. Ano ba naman eto Maes. May saltik ka na ata e. Bakit ba kapag kasama mo so Philjay nagiging bobo ka? Tanga, at marupok pa.
"Sorry" Sabi ko saka ako nag peace sign. Ang labas ay nagmumukha na akong timang.
"You never failed to make me laugh this way Maes" Aniya. Shut up ka nalang! Natatawa ka kapag napapahiya ako? Oh come on!
"Anong nakakatawa? Wala naman ah?" Sabi ko. Ngumuso ako dahil sa kahihiyan.
"Ikaw lamang ang bukod tanging nakapagpatawa sa akin ng ganito." Dapat ba akong matuwa o dapat ba akong magalit. Parang iniinsulto ata ako ng lalaking eto e.
"Sus! Kung hindi lang kita gusto e" Napatakip na naman ako ng bibig. Bakit ba hindi ko ma kontrol ang bibig ko kapag kasama ko siya? Ano bang meron siya shutang ina!
Napahinto siya sa pagtawa saka napatingin sa akin ng diretso. Mabuti nalang at red ang stoplight kaya kami napahinto.
"Tsk!" Aniya. Kumumot ang aking noo. Bakit kaya ganito ang ekspresyon niya.
"Taga saan ka ulit?" Tanong niya. Nagulat ako ng biglang nag iba ang kanyang ekspresyon.
"Sa may kanto lang iliko mo saka kasunod ng malaking bahay na 'yan" Sabi ko sa kanya. Sinunod niya ang sinabi ko. Pagkadating namin sa loob ng subdivision ay agad akong lumabas sa kanyang sasakyan. Lumabas rin siya at saka ako hinintay na pumasok sa loob.
"Ganda ng bahay niyo ah?" Aniya. Ngumiti ako. Tumango rin ako.
"Thank you. Ipinagawa 'to ni kuya three years ago. Ang ganda diba?" Sabi ko. Nagulat ako ng nag iba muli ang ekspresyon niya.
"Sinong kuya?" Tanong niya.
Bigla kung naalala kanina na nagtanong siya sa akin about Kuya Aldrich..
"Wait, diba kanina. Naitanong mo kung kilala ko ba si Aldrich Sagrado?" Tanong ko. Tumango siya at mapait na ngumiti.
"Ahh, si Aldrich pala ang nagpagawa nito. Maganda rin." Aniya.
Pero bakit may halong pagka sarkastiko ang tono ng pagkakasabi niya.
"Ahhm. Kanina, bakit mo pala naitanong kung kilala ko ba si Kuya Aldrich?" Tanong ko.
Umiwas siya ng tingin saka napatingin sa aking likuran. Biglang nag dilim ang kanyang paningin. Siguro ay imahinasayon ko lang 'yun. Ngunit ng napalingon ako ay nakita ko si kuya na papalapit sa amin habang hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Maes, nandito ka na pala" Ani Kuya.
Lumapit ako sa kanya at nakipag beso.
"Ah oo kuya. Kakarating lang namin" Ani ko habang itinuro si Pilot.
Nanlaki ang mata ni kuya ng makita si Pilot.
"Hello Aldrich nice meeting you. Ikaw pala ang kuya ni Maes. I'm Philjay Regonza" Inilahad ni Pilot ang palad sa harap ni kuya. Nakita ko kung paano namutla si Kuya. Napatingin si kuya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ayaw niya ba kay Pilot? At bakit ba siya namumutla?
