Chapter 20- Crazy
Habang binabasa ko ang message niya ay hindi maiaalis ang isang ngiti sa aking labi. Halos maputol ang aking hininga ng papalapit na ng papalapit silang lahat sa amin. Nung napalingon ako ay halos hindi ako makapaniwala sa nakitako. Nakangiti si Pilot. Bakit kaya siya nakangiti samantalang ang ibang kasamahan niya ay wala man lamang mga emosyon.
"Maes" Nagulat ako ng bigla na lamang aong inakbayan ni Vince. Napapikit ako at saka hindi na muna ako tumingin kay Pilot. Nakakahiya.
"What's your favorite sea food menu?" Tanong niya.
Walang kahit isang pumasok na ideya sa utak ko. Ang nasa isip ko lang ngayun ay ang kung ano man ang reaction ni Pilot sa ginawang pag akbay ni Vince.
"Tuna noodle casserole" Lumabas lamang eto ng kusa sa aking bibig. Hinang hina ako habang nakatingin kay Vince. Ano ba ang dapat kung gawin?
"What? Favorite mo rin ang tuna noodle? Parehas pala kayo ni Andre--" Nagulat ako ng napahinto siya sabay takip sa kanyang bibig. "Tara na" Agad siyang naglakad habang nakaakbay sa akin.
Sino si Andrea? Tsk! Baka ex niya.
"Sino si Andrea?" Tanong ko sa kanya nung nakalayo na kaming dalawa sa iba naming mga kasamahan.
Nakatitig siya sa dagat habang nakangiti ng mapait. I can read his face. Hindi ako sanay na ganito ang ekspresyon niya.
"Hindi mo naman kailangang malaman 'yun e" Sagot niya. Patuloy kaming naglakad hanggang sa narating na rin namin ang restaurant. Malapit lang naman ang restaturant.
Pagkarating ng nga barkada ni Vince ay umingay kaagad ang buong restaurant. Mabuti nalang at iilan lamang ang mga tao dito dahil kung nagkataon ay mapapahiya talaga kami ng sobra.
Mabuti nalang talaga at ang ga-gwapo nila.
Iniabot sa amin ng waitress ang isa isang menu list. Bawat isa ay binigyan niya.
"Salmon croquettes, akin" Napalingon kami kay Laura. As always. Salmon croquettes na naman. Hindi talaga nagsasawa ang babaeng eto sa salmon. Kahit saan iyan talaga ang kinakain.
"Style shrimp taco salad nalang akin" Sabi naman ni Shenny. Ganun rin ang en-norder ni Jeff. Umismid si Shenny ng sinabi ni Jeff ang order nito na kaparehas lamang ng sa kanya.
"Copying" Bulong ni Shenny. Bulong ba talaga iyon?
"Style shrimp taco salad, na rin for me" Naplingon ako kay Christian. Sounds shrimpy. Parang may naamoy ako.
"Ikaw, Maes? Anong gusto mo Tuna noodle casserole ba?" Tanong ni Vince na nasa tabi ko lang.
"Wala ba silang native dish? Like, putchero? Sinigang, adobo? Or anything na hindi sea foods?" Tanong ko kay Vince.
"Bunso, hindi ka pwede sa sea foods kaya mag vege ka nalang" Sabi ni kuya.
"Hon, anong gusto mo?" Naplingon ako sa dalawa na nasa harapan lang namin ni Vince. Which is really awkward kaya kanina pa ako patingin tingin sa mga ka grupo ko para lang iwasan ang eksena nilang dalawa.
Ganito kasi ang seat plan.
Si Laura, katabi ni Jake. Si Jake katabi si Christian. Si Christian. Katabi si Noel. Si Noel katabi si Eljie. Si Eljie katabi si Zelly. Si Zelly katabi si Pilot. Sa kabila naman ay si Karl katabi si Joey. Si Joey katabi si Rodel. Si Rodel katabi si Rence. Si Rence katabi si Jeff. Si Jeff katabi ako. Ako katabi ni Vince. While sa edge ay nandoon si Kuya Aldrich.
Ang awkward kaya nito. Magkaharap kami ng bestfriend ko na boyfriend ang lakaking gusto ko. Ang awkward talaga.
"Jeff, nag away ba kayo?" Tanong ko sa katabi ko na kanina pa sumusuyo kay Shenny.
