Chapter 34- Nanigas
Matapos kong barahin ang Cyde na 'yun tumungo kaagad ako sa lugar kong nasaan ang Jesquad. Matalin ang mga titig ni Cyde sa akin. Kaya ako napa smirked. Pangit mo gago.
"Dude! We was shocked. Akala namin kong ano na ang gagawin mo e" bungad ni Rence sa akin pagkarating ko sa pwesto nila. Busy ang iba habang nakikipag usap sa dala nilang mga babae. Ang i am very out of place here dahil may kanya kanya silang bitbit na babae. Si Rodel, tge owner of the harcology kasama niya ang girlfriend niya. Si Christian, may kasama siyang flavor of the month ika niya. Si Noel, busy sa cellphone niya. Halos lahat sila ay mayroong sariling mundo. Kami nalang ata ni Rence ang walang pinagkakaabalahan. Maliban nalang sa kamanyakan ng lalaking eto. Na kapag may babaeng dadaan ay siya namang pagsipol ng gago habang panay ang titig sa mga legs ng babae.
"Hoy! Anong ginawa mo doon? Nagpapapansin ka?" Tanong niya saka ako siniko. May dala dala siyang isang baso ng wine. Napatingin ako sa lamesa. Napasinghap ako saka tumingin sa pwesto nina Maes. Kinagat ko ang aking labi bago kinuha ang isang baso ng wine.
"Tinignan ko lang ng maigi ang hitsura ng Cyde na 'yun. Baka kasi mas gwapo pa 'yung takong ng sapatos ko" sabi ko bago ininom ang isang baso ng wine. Kumunot ang noo ni Rence bago tinignan ang sapatos ko.
"Pare," inilagay niya ang kanyang index finger sa kanyang ibabang labi saka umarteng nag iiisip. E sa pagkakaalam ko, wala naman siyang isip. "May takong sapatos mo?" Nanlaki ng sobra ang mata ko sa tanong ng gago. Napapikit ako saka napailing.
"Tanga" sabi ko saka iniwas ang paa ko. Gago. Tinitigan ba naman ang paa ko.
"Sorry naman. Pero pare, Cyde has a lot of achievements in life, he managed his own tech-company at the young age. Siguro naisip na ni Maes, na mas worth it si Cyde kesa sa'yo" Napairap ako. Kaibigan ko ba talaga 'tong gagong eto. Okay calm down Philjay. Lasing lang 'yang si Rence.
"You're just drunk" sabi ko saka tinignan muli ang pwesto nina Maes. Ngunit kumunot ang aking noo ng nawala na sila doon. Agad akong napatayo upang hanapin sila. Shit! Nasaan ba sila? Maraming mga bagay ang pumasok sa utak ko.
"Dude! What's wrong?" Tanong ni Rence saka tumayo at tumingin tingin rin sa paligid.
"Where are they?" Tanong ko sa kanya.
Kumunit ang noo niya saka nag kibut balikat.
"Malay ko" sagot niya. "Teka sino bang hinahanap mo?" Napatingin ako sa kanya.
"Sina Maes at ang mukhang takong na 'yun" sagot ko. Ngumuso siya. Amputa. Mukhang bakla.
"Ang arte mo Rence. Ang pangit mo" sabi ko saka agad na naglakad.
Pumunta ako sa parking lot. Wala sila roon. Pumunta ako sa CR. Still. Wala pa rin. Tumungo ako sa dancefloor. Wala pa rin. Shit. Then one thing i realize. Why am i looking for them? I mean, bakit ako natataranta? Bakit ko sila hinahanap? Napahinto ako saglit. Bakit ako nagmumukhang baliw sa kakahanap sa kanila. Ano naman ngayun sa akin kong magkasama sila? Boyfriend na niya 'yung Cyde na 'yun. Dapat lang na magkasama sila. Ano naman sa akin kong sila na. Ano naman sa akin? Sino ba ako para umarte ng ganito?
I lean on sa gilid ng kotse ko. I am starting to think. Ilang beses ko bang nasaktan si Maes. Ilang beses ko na ba siyang napaiyak? Ilang beses ko na siyang minura? Ilang beses ko na siyang Nasaktan? Siguro kahit ako rin. Kong ako siya, susuko rin ako kahit gaano ko pa kamahal 'yung isang tao. Siguro napagod lang siya sa kakaintindi sa akin.
"Ingat ka sa pagmamaneho ha" May narinig akong familiar na boses ng isang babae.
"Of course. Kayo rin" Ani naman ng isang lalaki.