Kabanata 27

12.4K 129 14
                                        

Chapter 27- Ms. Graduation

I was about to reject it dahil siya'y biglang napatawag kaso sa sobrang kabado ko ay napindot ko ang answer button kaya nasagot ko ang tawag niya. At ngayun halos hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. This is very stressful super nakaka-stress. At hindi ko alam kong bakit ako natataranta. It is just him. The one who broke my damn heart.

Since wala na akong choice, inilagay ko nalang sa aking tenga ang aking cellphone. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Philjay. So may kailangan ba siya? Thuglife! Bakit ako biglang nagkaroon ng interest. So now! I have to calm myself down.

"Anong kailangan mo?" Panimula ko. Gusto kong maging casual. Ayaw kong ipakita sa kanya na may epekto pa rin siya sa akin. A little reminder for myself. Never niya pa akong seneryoso. All in all, words, promises, i love you's all! Lahat ay kasinungalingan. Lahat ay laro. So i have to be more careful dahil baka paglalaruan niya na naman ako.

Bumuntong hininga na naman siya sa pangalawang pagkakataon.

"Maes?" Halos nanlambot ako sa tono ng boses niya but i have to be strong dahil laro lang 'to at hindi ako pwedeng magpadala sa kanya. Kung sa akin sobrang laki ng epekto ng pagtawag niya ngayun, siguro sa kanya ay laro lang eto. Kaya dapat ay pantay kami. Kung laro lang eto sa kanya, dapat ay laro lang din eto sa akin at ng hindi unfair ang labanan.

"Well, napatawag ka?" Tanong ko.

"Maes, kamusta na?" Napakunot ang aking noo. Nangungumusta siya sa akin ngayun? Habang nakatingin ako sa kisame ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari noong kaarawan ni Vince. At 'yung pinakamalala pa sa lahat noong oras na binaboy niya ako sa loob  ng cubicle. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Iyon ang laging naalala ko sa oras na naririnig ko ang kanyang pangalan. 'Yun lang naman kasi ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Ang harap harapan akong sabihan ng mga masasakit na salita at ang pinakamalupit sa lahat ay sa taong pinapangarap ko pa talagang makasama, maririnig ang mga katagang iyon.

"Bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kanya. Sinadya kong maging malamig ang tono ng aking boses upang iparamdam sa kanya na kailanman hindi niya na muling makukuha ang aking loob. Professional bitch pa naman ako. 'Yun? Ang katagang iyan? Hinding hindi ko 'yan malilimutan.

"Ang lamig" sabi niya. Napamura pa siya ng mahina

"Kung wala kang kailangan, pwes. Let's end this. Busy ako at i don't have time for you" sabi ko saka ni-end ang call. This is the right time to move on. Mabuting ediya nga ang lumipat ng companya at ng maiwasan ko na siya ng tuluyan. Gustong gusto ko na talaga siyang makalimutan. I want to erase him in my heart. Gusto kong mawalan na siya ng parte sa buhay ko. Ang nga pasa na ginawa niya ay mahirap tanggalin. Mahirap gamutin. Mga markang hindi na maayos muli. Nakuha niya na lahat sa akin e at ayaw kong maging tanga muli. Dahil once is enough. Ayaw ko ng masaktan pa.

Nakatulog ako dahil sa lalim ng mga iniisip ko. Sa nga problema at sa iba pa. Siguro oras na eto ng pagbabago. Matagal ko ng sinasabi eto pero hindi pa rin ako kumikilos. Siguro oras na nga eto ng lahat. Gagawa na ako ng kilos para magawa ko na ang nais kong gawin.

Bumaba ako habang dala dala ang aking trolley. Alam kong magugulat si kuya sa akin. Bihis na bihis ako at ang dami kong dala.

"Oh bunso? Saan ka pupunta?" Tanong ni kuya sa akin habang busy sa panunuod ng t.v.

"Kuya," mahinahon kong sabi. Ayaw kong umalis sa bahay na eto dahil masaya akong tumira dito pero kailangan ko munang hanapin ang aking sarili.

"Bunso?" Tumayo si kuya saka lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya. Naka kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa dala dala ko.

"Aalis na ako dito kuya" sabi ko. Nagulat siya kasabay nito ang pagbuga niya ng isang malalim na hininga.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon