Kabanata 24

13.9K 139 21
                                        

Chapter 24- Oras

"Vince may dapat ba akong malaman?" Tanong ko kay Vince habang hinihila niya ako papalayo doon sa lugar kung saan silang lahat ay naroroon. While we are walking fast napapansin kong palayo kami ng palayo sa bonfire na gawa ng jesquad. Ano ba ang mga nangyayari? Narinig kaya ni Vince ang lahat ng sinabi ko at sinabi ni Philjay kanina?

"Vince, ano ba ang kahulugan ng sinabi mo sa akin kanina? I mean kay Philjay? A-anong dahilan-shit! Hindi ko alam kong saan ako magsisimula" Sabi ko saka sinabunutan ko ang aking sariling buhok. Napapaluha na ako, dahil sobrang naguguluhan na talaga ako.

"About sa tanong ko kanina?" Tanong niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Yeah! Oo!" Sagot ko kasabay nito ang pag ihip ng isang malamig na hangin. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na dala nito sa aking balat. Iniwas ni Vince ang kanyang tingin sa akin, imbes ay diretso ang kanyang tingin sa dagat. Tahimik kaming dalawa at tanging mga tunog lamang ng alon ang aming naririnig. Bumuntong hininga si Vince saka tumawa. Tawang kailanma'y hindi ko pa nakita. O hindi ko pa narinig.

"Hindi ako tanga" Aniya na siyang dahilan kung bakit ako napaangat ng tingin at napakunot ng noo

"Hindi kita maintindihan Vince" Sagot ko. Tumango tango siya saka niya ipinasok ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bulsa.

"Alam kong gusto mo siya. Teka!" Huminto siya saka tumingin sa akin. "Mali pala ako. Mahal mo na pala siya kaya nagawa mong iwasan ang mga tanong ko kanina. Hindi ba? Tama ako?" Halos mapipi ako sa sinabi niya.

"Wh-what?" tamging lumabas sa aking bibig.

Lumapit siya sa akin at huminga ng malalim.

"Alam mo, never pa akong na inlove ng sobra sa isang babae. Dahil i used to fling girls, sex them and leave after i get what i want. Pero i don't know what's happening to me right now" Aniya bago ako inakbayan. "Una tinanong ko pa ang sarili ko, totoo ba 'tong nararamdaman ko o lust lang eto? I ignored the question. Dahil ang sabi, may feelings na raw ako. Pero noong nalaman kong may namamagitan pala sa inyo ni PJ, tinanong ko ulit ang sarili ko. Alam mo ba Vince na lahat ng nakarelasyon ni PJ, ay nakuha niya? Ngayun, kung iisipin mo Vince na hindi na virgin si Maes, papatulan mo pa rin ba siya? I was shocked by the answer dahil ang sabi. Wala raw'ng paki si Vince. Dahil tanggap niya ang lahat"

Halos na estatwa ako sa sinabi ni Vince. Like, paano niya nalaman ma may namamagitan pala sa amin ni Philjay? Like, saan niya nalaman iyon? Paano niya nalaman? Kanino niya nalaman? Ang daming tanong na hindi ko kayang itanong sa kanya ngayun. Paano ba't nahulog siya kaagad sa akin sa ganun kaikling oras? Halos hindi pa nga kami nag iisang buwang magkakakilala ah. Pero, siguro nahahalata niya lang. Hindi naman kasi bobo si Vince, hindi rin siya bulag, at mas lalong hindi siya bingi.

"Vince ano ba 'yang mga sinasabi mo?" Tanong ko dahil sa frustration. I am really frustrated right now. Sinabihan ba siya ni Philjay?

"Kahit naman siguro na tanggap ko ang lahat sa'yo Maes, talagang si PJ talaga ang mahal mo" Halos kinakain na ako ng kunsensya ko dahil sa sinabi niya.

"Mali ka Vince, gustuhin ko ma'ng magmahal muli ay mahirap na dahil unang una" Yumuko ako. "Magpinsan kayo".

Suminghap ako. Nakakarelax talaga ang simoy ng hangin dito. Kung sana wala lang akong problema ay e-enjoyin ko at lalanghapin ko ang sarap ng simoy ng hangin kahit na magdamag.

"Magpinsan kami? So? Anong problema dun?" Tanong niya.

Umiling iling ako.

"Hindi mo nakikita Vince, kung ano 'yung mga nakikita ko" Sabi ko. Alam kong hindi niya pa maiintindihan ang sitwasyon ko dahil alam kong ako lamang mismo ang bukod tanging makakaintindi dito.

S ON PLANE (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon