Chapter twelve- VZ
Papalapit na ng papalapit ang kanyang labi sa aking labi. Konting galaw nalang ay maglalapat na talaga eto ng tuluyan. Napapikit ako sa aking mga mata. Zelly sorry, but i love your boyfriend. Sorry talaga Zelly. Sorry.
Isang mainit at malambot na labi ang dumapo sa aking labi. Hindi ko parin idinidilat ang aking mga mata. Dinadama ko ang sarap at tamis ng kanyang halik. Panay ang pag rerespunde ko sa kanyang mga halik.
Habang nag aalab ang kanyang halik ay napahinto ako ng bigla siyang umungol. Papalampasin ko pa sana kaso, tumagos sa akin ang sinabi niya.
"Zelly" Sino ba ang matinong babae ang matutuwa sa ginawa ni pilot. Ini-ungol niya ang pangalan ni Zelly samantalang kaming dalawa ang naghahalikan. Oo sobrang sakit. Alam mo 'yung sakit na sana hindi ka nalang nakinig, sana bingi ka nalang. Para hindi mo maramdaman ang sakit sa dibdib mo. Shit. Sobrang sakit.
"Bakit?" Tanong niya. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang aking luha. Parang ayaw ko na. Parang ang sakit.
"Shit" Sabi ko saka itinulak siya. Akala ko ay hindi ko siya matutulak dahil masyado siyang malakas ngunit nagpadala lamang siya sa pagkakatulak ko.
"Maes? Bakit?" Tanong niya. Hindi ko siya nilingon. Imbes ay kahit na madilim, patuloy lamang akong naglakad.
Hindi ako manhid para hindi masaktan. Oo tanga ako dahil patuloy akong nagpapadala sa trip ni Pilot. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya sa aming dalawa ni Zelly. Gusto niya raw ako? Pero talo ako dahil mahal niya si Zelly. Lage akong talo dahil may relasyon sila ni Zelly. Kung tutuusin nga, sampid lang ako dito. Dapat e wala nga ako dito e, dahil ang totoo ay hindi ako ang tunay na kaibigan ni Zelly. Dahil kung tunay na kaibigan niya ako, wala ako ngayun dito. Nandoon ako sa tabi niya at naka upo habang nag uusap tungkol sa boyfriend niya, pero wala e. Nandito ako at nakikipaghalikan sa boyfriend niya. I am cheating on her. Sinusulot ko ang boyfriend niya at alam kong mali etong ginagawa ko. Sobrang mali. Alam kong kapag sa oras na malaman niyang nakikipaglandian ako sa boyfriend niya, wala na. Finish na talaga.
"Maes?" Bulong niya, pero hindi ko na siya nilingon. Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad.
Masakit mang aminin pero, oo inaamin ko ng nagkamali ako ng taong ginusto o minahal. Mali ang taong napili ko. Sobrang mali.
Sana noon palang tinanong ko na siya kung may girlfriend ba siya ng sa gayun ay hindi ko na sana ipinagpilitan pa ang sarili ko sa kanya. Hindi ko na sana ipinagsisiksikan ang sarili ko. Tuloy, ako 'yung nasaktan. Tuloy ako 'yung lumabas na masama. Tuloy ako 'yung ginago. Ewan ko ba.
Gusto ko siya, sabihin nating mahal. Dahil 'yun ang totoo pero anong magagawa ko? E parang pinaglalarun niya na kami pareho ng best friend ko e. Pinagmumukha niya na kaming tanga pareho. Parang pinapaikot niya nalang kami at pinapaasa sa wala. Or let's ako. Pinapaasa sa wala.
Hindi ko man lang namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Alam mo 'yung pakiramdam na akala mo gusto ka niya, pero hanggang salita lang pala siya. Sinasabi niya pero hindi niya ipinapakita. Parang pinaparamdam niya, pero walang assurance. Umaarte siyang may paki, kapag kayo lang dalawa, pero kapag sa harap ng iba, sobrang iba niya.
Ikaw naman si tanga, nagbubulag bulagan at kahit nakikita mo na at nararamdaman mo pa, hindi mo lang pinapansin dahil takot kang masaktan kahit na ang totoo, sobrang pinipiga ka na sa sakit. Sobrang nasasaktan ka na.
Dumiretso na ako sa comfort room at agad na inayos ang aking mukha. Kinuha ko ang aking tissue sa aking bag. Nagmumukha na akong basahan sa aking mukha. Daig ko pa ang basurera sa sobrang haggard ko.
