Kabanata 40

5.8K 63 8
                                    

Chapter 40- Jealousy

PJ's PoV

"Tanga ka ba ha! Alam mong may boyfriend 'yung tao!" Sigaw sa akin ni Rence habang kinukwelyuhan ako. Nasa loob kami ngayun ng bar. The typical us. Nasa harapan nila akong lahat with the squad. Sinabihan ko sila sa plano ko. Hopefully they'll support. I don't care if they will going to support me or not. I know that i am thinking deeply but i don't care

"Philjay! Mag isip ka! Ang selfish mong tao!" sigaw naman sa akin ni Vince

"Hindi ko kailangan ang opinion niyo mga Tol! Support! Moral support would be fine for me. 'yun ang gusto ko" sabi ko sa kanila bago ininom ang isang baso ng Johnnie Walker black na nasa baso ko

"Dude! Pag isipan mo ng mabuti 'yan. Relasyon ng iba ang papasukin mo. Gigibain mo at wawasakin mo" kalmadong sabi ni Vince

"First of all. Akin siya. Akin siya" sabi ko. I might be sound possesive but i don't care

"You're crazy." Napailing na wika ni Rence.

"Siraulo ka na talaga!" Pailing iling na sabi ni Rence

"Yes i am. I know. Pero mga tol! Selfish pakinggan pero mga Tol may kutob ako na may nararamdaman pa rin si Maes para sa akin. Ain't assuming dahil may assurance  e. Ramdam ko! Nararamdaman ko!" sabi ko without hesitation. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Aside sa ako ang gagawa sa lahat ng plano ko, wala naman silang maitutulong. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa eto sinasabi sa kanila e. E alam ko naman na una pa lang hahadlangan lang nila ako

"Dude. Alam mo you sound so pathetic, let's make some example, kunwari may ferrari ka. Ikaw nagpagod na bumili, sarili mong pera, nag effort ka para makuha at makabili ng ferrari. Tapos in just blink of an eye. Bwalah! Biglang may aangkin na ibang tao sa pinakamamahal mong kotse without even a permission. What do you think would happen? Are you willing to give it? Ipapaubaya mo ba ang pag mamayari mo? O ipaglalaban mo kasi alam mo sa sarili mo na ikaw ang nag mamay-ari?" Wika ni Vince

Sumingkit ang mga mata ko at napa smirked ako

"Syempre ipaglalaban ko. Ako ang nag puyat kaya ipaglalaban ko."

" 'yun ang punto ko!" aniya

"Ah huh?" sagot ko

"Gets mo? Ganun rin si Cyde tol! Mahal niya si Maes. Mahal niya, kaya bakit niya ipapaubaya sa iba kung siya ang naghirap at nagpagod para makuha si Maes. Makikipag patayan 'yan tol!" sabi niya

"Tol! Maraming paraan" sabi ko

"Paraan?" tanong ni Vince

"I have done that shit before PJ. Pero kilala mo si Maes, kilala ko, kilala natin. Kapag nagmahal na siya, she's the type of woman na hindi niya kayang saktan at iwan ang taong mahal niya" aniya

Natulala ako. Napabuntong hininga at hindi nakapagsalita

"Think critically PJ. Think twice!" sabi ni Rence

"No! Fix na ang mind ko. I know na kapag si Maes ang nagmahal, sagad. Pero mahal niya pa ako. Alam ko sa sarili ko 'yun. Alam na alam ko" sabi ko

Napahinto silang lahat dahil sa nakakagulat na luha na pumatak sa mata ko. Fuck! Did i just--did i just cry? Damn it. Why?

"PJ?" kalmadong boses ni Rence

"Dude" ani Vince

"Stop" sabi ko ng akmang lalapitan nila ako

"What the fuck!" pinahiran ko ang luha ko

"Hindi ko alam kung ba't ako napaluha ng bigla." sabi ko

S ON PLANE (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon