Chapter 26- Secrets
Ano ba naman etong mga kaibigan ko. Ang busy busy sa mga kani kanilang cellphone . Kagabi pa 'yan. Nagagalit na nga si Jake kay Laura e, kaso hindi niya ipinapakita dahil natatakot siya na baka mag away sila. (How martyr this guy right?) Tinanong ko si Laura kong sino ang ka text niya pero hindi niya ako sinasagot. Sila talagang dalawa ni Shenny. Ano kayang pinagkakaabalahan ng dalawang eto. Bakit kaya hindi nila eto sinasabi sa akin. Well, sino ba naman ako.
Umihip ang malamig na hangin kaya napunta sa aking mukha ang iilang hibla ng buhok ko. Ang lamig na dahil magpapasko na. 'sing lamig ata 'to ng love life ko. Pero, kahapon lang may nakilala ako, she said , in the world of love daw you must required acceptance para 'di ka masyadong masaktan.
Bakit kaya hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng sakit na dala ni Philjay sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? Ang umiwas para 'di na masaktan o mananatiling tanga kahit sobrang nahihirapan na? Kasi kung gusto ko mang sabihing iiwas ako, ay hindi ko magawa dahil mismo sarili ko ay hindi ko kayang ilayo kay Philjay. Kahit nagmumukha na akong tanga sa kakaisip sa kanya na in fact, hindi niya naman ako iniisip. Ay hindi ko pa rin siya kayang kalimutan.
Ano ba kasi ang meron kay Philjay at ganito nalang ang epekto niya sa akin? Well, maliban sa matalino at gwapo ano pa kaya? Magaling magmaneho. Ehem! Weirdo ng salitang maneho ha. I mean. Magaling magmaneho ng eroplano. Yeah. Magaling magmaneho ng eroplano.
"Laura, ano ba? Kanina ka pa tinatawag ni Jake o" Sigaw ni Shenny habang hawak hawak ang kanyang cellphone. Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng dalawang eto at hindi man lang mabitawan ang kanilang cellphone. Gusto ko talagang malaman e. Kaso hindi talaga nila sinasabi sa akin.
Tumingin si Laura sa akin. Saka kay Jake
"Mamaya na tayo mag usap Jake. Busy pa ako" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Laura. May iba na kaya siya? Pero impossible rin e. MU pa nga sila ni Jake. At ayaw na ayaw niya kaya ng commitment. Really impossible dahil hindi malandi si Laura in fact ang harsh niya ngang makipag usap sa mga lalaki e. Wait, hindi pala sa mga lalaki. Sa lahat ng tao pala. Including me and Shenny.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jake. Nakita ko sa mga mata ni Jake ang pagtataka. Mapupungay ang kanyang mga mata habang tumatango.
"Yeah. Tama Jake mamaya na" ani naman ni Shenny. Nagkasundo pa talaga sila ha? Napaawang ang aking labi bago kumurap kurap.
Ano kaya ang pinaggagagawa ng dalawang eto.
"Anong pinagkakaabalahan niyong dalawa?" Tanong ko na siyang nagpaangat ng kanilang tingin saka inilagay ang kanilang cellphone sa kanilang likuran. Which is really confusing dahil sabay nila etong ginawa. It means, may tinatago nga talaga sila.
"W-wala naman" Ani Shenny. Hmm. I smell something fishy. Ano kaya ang tinatago ng dalawang eto.
"Wala?" Tanong ko.
Tumango sila ng sabay. Hay! Hindi ba talaga ako mapagkakatiwalaan? Tumango ako saka ngumiti.
"Okay" Sabi ko saka tumalikod. Hindi ko alam kong bakit ako naiinis sa sarili ko. Am i just over acting o talagang nasaktan ako sa salitang hindi nila ako pinagkakatiwalaan sa mga sekreto nila. Ano kaya ang ang sekreto nila o pinagkakaabalahan na hindi nila masabi sa akjn.
"Maes" Napahinto ako ng tinawag ako ni Shenny. Lumingon ako saka ngumiti. Alam kong kinikilatis niya ang aking mukha. Noong nakita niyang nakangiti ako ay ngumiti rin siya saka tumango.
"Okay ka lang?" Taas ang kanyang kilay habang tinatanong ako. Napaawang ang aking labi saka ibinuka eto ipinapahiwatig na ulitin niya ang kanyang tanong. Okay nga bang ba ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/84262945-288-k365539.jpg)