Chapter eleven- The dark
"Nasaan ka ngayun?" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Kinikilig ba ako? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero bigla nalang akong napangiti. Shit! Nasa Cr pala siya.
"Bakit baby? part three na ba?" Napapikit ako ng sinabi niya iyan. Lumakas ang Kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Walang hiya talaga.
"Nasaan ka sabi e?!" Padarag kung sinabi. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Nasa puso mo" Sagit niya.
Ganito ba ang mga piloto? O talagang naiiba lang talaga ang gagong eto. I don't want to curse but i think i need to.
"Letche!" Sabi ko. Mas lumakas pa ang pagtawa niya.
"Flan?" Hindi ko siya naiintindihan. Pero biglang nag sink in sa akin ang isang pagkain. Dessert.
"Please? Pilot, nasaan ka?" Mahinang tanong ko.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.
"Pilot" Igting bagang kung sinabi. Lumingon lingon ako. Nakita ko si Zelly na busy sa cellphone niya. Naglakad pa ako para makalayo sa pwesto ni Zelly.
"Nasa parking lot ako" Seryoso niyang sabi.
"Okay" Sabi ko. Ibababa ko na sana kaso bigla siyang nagsalita. Shit bakit nasa parking lot siya? ang sabi niya kay Zelly e mag CCR lang siya.
"Bakit mo naitanong?" Taong niya. Sasagutin ko na sana siya kaso naputol kaagad ang tawag.
Bahala na nga! Handa na ako para makipag usap sa kanya. Gusto kung malaman kung bakit niya ba eto ginagawa, kung bakit niya eto ipinapakita sa akin. Kung bakit niya eto nagawa. Sa pagkakaalam ko ay okay pa kami noong nakaraang gabi ah. Masaya pa nga kami e. Pero bakit ba eto biglang nangyari?
Habang naglalakad ako pupuntang parking lot. Bigla akong napahinto at gusto ko pang sumigaw dahil biglang may nagtakip sa aking bibig. Halos hindi ako makahinga sa higpit nag pagkakatakip nito sa aking bibig. Nagpupumiglas ako. Ngunit napawi ang takot ko ng may pamilyar akong naamoy. Dahan dahan niyang iniaalis ng palad niya sa bibig ko.
"Tsk! If someone's going to kidnap you, i swear. They will successfully get you" Aniya. May pa english english ka pa diyan e. Nung nailawan ang buong hitsura niya ay parang nakalimutan ko ang lahat ng katanungan sa isipan ko.
Nakalimutan ko bigla ang pakay ko. And i found it uneasy. Lagi nalang bang ganito? Napapanganga nalang ako at nagiging timang sa harapan niya?
"Bakit mo ako pinuntahan dito?" Tanong niya.
Bigla akong nablangko lalo na't gumalaw pa siya.
"Kayo ba ni Zelly?" Wala sa sariling katinuang tanong ko. Kumunot ang noo niya at bigla nalang siyang tumawa.
"Yes" 'di makapaniwalang sagot niya. Namangha pa siya sa ekspresyon ko.
Ang gaga mo rin Maes e, halatang halata naman na may relasyon sila, pero nandito ka para kumpermahin ang lahat? Ganyan ka na ba talaga ka bobo? Akala ko pa naman tanga ka lang, bobo ka rin pala.
"So bakit?" Tanong ko. Shit! What the fuck! What kind of question was that?
Kumunot na naman ang kanyang noo at ngumisi.
"Anong bakit?" Tanong niya.
Bakit? Bakit hindi mo sinabi na may girlfriend ka? Bakit? Bakit hindi mo man lang ako in-nenform na may girlfriend kang Zelly ang pangalan? Bakit? Bakit 'di mo man lang sinabi? Bakit mo eto nagawa? Bakit? Bakit ka nakipagtalik sa akin, gayu'y may girlfriend ka? Bakit? Bakit sa dinami rami ng babae, ay ako pa ang pinaglaruan mo? Bakit? Bakit ako pa ang nagawa mong pampalipas oras?Bakit ako pa? Bakit ako pa?