Chapter 22-Cubicle
Halos hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib ng naramdaman kong nasa loob na kaming dalawa sa cubicle.
"Pilot, what are you doin'?" Tanong ko at halatang halata sa boses ko ang panginginig rito.
"Swabe rin ang mga trip ni Vince e, mga trip ko pala ang mga trip niya" Agad niya akong ikinulong sa kanyang magkabilang braso.
"Ano ba?" Sabi ko saka pilit na kumakawala sa kanyang bisig.
Ngunit masyado siyang Malakas kaya hindi siya natitibag sa aking lakas.
"Pilit kang kumakawala sa akin? Ngunit kapag si Vince? Hinahayaan mo siyang, akbayan ka, hawakan ka at higit sa lahat. Hinahayaan mo siyang halikan ka niya! Ano 'to?" Halos matunaw ako sa mga titig niya na sobrang talim.
"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo Pilot? Ano ba?" Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin dahil kinakabahan na ako lalo pa't nasa loob kami ng ladies room. At baka may mga makarinig sa amin dito. Or worst baka bigla nalang pumasok si Zelly dito.
"Stop disguising Maes" Napapikit ako sa lamig ng boses niya. Shit! Is he seducing me? Ang boses niyang sobrang lamig na tila hinahaplos ang aking katawan. Hindi ko na maintindihan. Pero ngayun ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin.
"Pilot we are in the public place right now" Sabi ko saka itinulak ko siya ng bahagya. "Huwag kang gumawa ng scandalo"
Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Pilot para sa akin. Ayun nga kay Vince, may gusto nga si Pilot sa akin dahil ipinahiram niya sa akin ang shirt niya. Pero, kung may gusto siya sa akin, bakit hindi niya iparamdam? Bakit hindi niya ipinapakita? Through text? Mararamdaman ko ba na nag seselos siya kung eti-ne-text niya lang? Through walking out? Hindi ko siya maintindihan. At isa pa may Zelly na siya e, bakit niya pa ipagpipilitan ang sarili niya sa akin?
"Bakit? Nung hinalikan ka ba ni Vince kanina ay pumalag ka ba? Public place rin naman 'yun ah? Nakita ko nga e" Halos kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko? Nakita niya ang alin? Gusto kung marinig muli ang sinabi niya dahil hindi ko masyadong narinig ng maayos dahil sa sobrang ingay ng kabog nitong dibdib ko.
"So accurate right? to the point that you are speechless" Sa pangalawang pagkakataon ay inilapat niya na naman ang kanyang labi sa aking labi. Ang lahat ay napawi dahil sa init ng kanyang halik. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang itali sa akin. Pilot mahal kita ngunit hindi tayo pwede dahil marami ang masasaktan. Ayaw kung umabot sa punto na iiwan ako ng bestfriend ko, ayaw kung umabot sa puntong mag isa akong umiiyak. Ayaw kong may masaktan. Selfish ako, oo inaamin ko pero sa puntong 'yung taong mahal ko na ang masasaktan, ako mismo ang susuko. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili kong kaligayan dahil alam kong may mga taong mahal na mahal ako ang masasaktan.
Habang nag aalab ang aming halikan ay nawalan ako ng gana dahil sa mga iniisip ko. Dahil sa mga bumabagabag sa akin. Napayuko siya at ipinantay niya ang kanyang noo sa aking noo.
"Hindi mo na ba ako gusto?" Mahinang tanong niya sa akin. Pilot. Kung alam mo lang kung gaano kita ka gusto. Kung alam mo lang sana.
Hindi ako sumagot. May makukuha ba ako kong sasabihin kong oo? May mapapala ba ako? Minsan ko ng sinabi noon na gusto ko siya, ay teka mali pala. Mahal ko siya. Pero ano? Mahal siya ng bestfriend ko. Mahal siya ng bestfriend ko. Oo. Bestfriend ko. Bestfriend ko na mahal na mahal ko at hindi ko kayang makitang nasasaktan si Zelly. Dahil in the first place, bestfriend ko siya. At marami pa namang lalaki sa mundo na hindi niya pagmamay ari.
"Si Vince na ba?" Tanong niya saka lumayo ng konte sa akin. It's funny na mukhang nagseselos siya kay Vince. But it's sad dahil Mabuti nalang at maluwag sa loob ng isang cubicle. May shower pa kasi kaya malaki ang space.